CHAPTER 32.

30 0 0
                                    

...

LIZHEL'S POV.

Isang Linggo na rin hindi kumikibo sa akin si Bunny Bear ko. He never talking to me while i'm still here in his house. Nakakainis pero alam ko kung bakit nagbago ang pakikitungo niya sa akin.

Naghahayin na ako ng panghapunan nang makita ko syang bumaba mula sa kwarto niya habang bihis na bihis.

He's wearing his Birthday suits. Where he will go?

"Where are you going?" Hindi na ako nakatiis na tanungin sya.

"Wala ka nang pakealam pa sa gusto kong puntahan, Lizhel!" Malamig na tugon nya sa akin bago siya tumingin sa kinaroroonan ko.

Halos mapahiya ako sa pagmasid niya sa akin kahit sandali lang iyun at balak na nyang umalis.

"Kahit puntahan mo pa sya! Sa'kin ka pa rin magpapakasal and that's final Jungkook!" Nagmatigas pa rin ako sa kanya kahit alam kong hindi ko kontrolado ang takbo ng isipan nya.

"Who do you think you are? Alam mong kaibigan lang ang tingin ko sa'yo at kung gusto mong manatili ang pagkakaibigan natin, Bawiin mo ang lahat ng mga ginawa mo!" Diin niya sa akin.

Nagkalat na kase kahit saan ang Engagement News namin dalawa at ganoon na rin ang mga balita sa Europe. I'm engage with this man.

Paalis na talaga siya kung kaya hinabol ko siya sa kanyang likuran.

"Stay here! Don't go! Huwag mo na syang puntahan pa please!" As i'm begging to him.

Sa pagkakayakap ko sa kanyang likuran ay sapilitan nyang inalis ang dalawang braso kong nakapulupot sa kanyang bewang.

"Tumigil ka na Lizhel! Tama na! Hindi kita mahal!" Hinarap nya ako at inuyog ang balikat ko habang titig na titig sa aking mga mata habang mariin na sinasabi iyun.

I can't hold my tears down. I can't control my self to stopped. I kiss his lips by the uncontrolled feelings.

Naitulak nya ako ng sobrang lakas at pinahid nya agad ang labi nya.

"Umalis ka na! Ayoko nang makikita pa ang pagmumukha mo dito!" Matigas nyang pagtataboy sa akin.

"Gguk... No! Don't let go!! I love you so much! I need you!!" Hinabol ko pa siya hanggang sa pag alis nya pero hindi ko na sya napigilan pang umalis.

Napasandal ako sa may pintuan habang umiiyak. Hindi ko lubos maisip na kaya nya akong talikuran para lang sa Amarra na iyun.

.
.
.
.

...

JUNGKOOK'S POV.

Sinira lang niya ang halos anim na taon namin pagkakaibigan. Gagawin nya ang lahat para lang mapunta ako sa kanya ngunit sadyang hindi magbabago ang pagtingin ko sa kanya.

Palalamigin ko muna ang sitwasyon namin dalawa kaya gusto ko na syang lumayo pa sa akin. Ayokong lamunin siya ng pagka obsess sa akin dahil kilalang kilala ko na sya kapag may isang bagay syang gustong gusto.

Nagmamaneho na ako papunta sa bagong bahay ni Amarra. May regalo ako para sa kanya.

Kaagad din naman akong nakarating doon. Naririnig ko na ang mga kaingayan na pag uusap usap nila kaya dumiretso na ako kung nasaan man sila.

"Sorry, bukas ang pinto kaya pumasok na ako sa loob!" Pagbungad ko sa kanila. Nanahimik sila sa aking pagdating. Nagsalubong rin ang mga tingin namin ni Lei.

Ngayon ko lang nalaman na isa sya sa amin.

"Sir. Jeon, you came!" Bati niya sa akin.

"Hi...!" Matipid na bati ko pa bago nila ako kinibo.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon