CHAPTER 26.

22 1 0
                                    

A SPECIAL CHAPTER FOR
MR. AND MRS. MIN.

...

YOONGI'S POV.

Pagkatapos ng kasal namin ni Yngrid ay ninais kong iuwi siya sa Daegu para ipagmalaki sa buong pamilya ko at tuparin ang sinabi kong iuuwi ko rito ang Asawa ko.

"Pwedi naman na sa bahay ko na lang tayo mag stay, bakit dito pa?" Kakaiba ang tinig niya sa pag uwi namin.

"Relax.. Kilala ka naman na nila di'ba? Gusto ko lang na malaman nila na okay na ako sa'yo and i'm sure na mananahimik na si Dad kapag nakita ka na nya habang kasama ako!" Baling ko sa kanya, maibsan man lang ang ikinakatakot niya.

Narinig ko ang buntong hininga niya na para bang may takot pa rin. May bumabagabag sa kanyang dibdib na hindi ko na binigyan pa ng pansin.

Pagkarating naman namin sa bahay nina Mama ay wala pa si Dad.

"Ate Yngrid!" Bati sa kanya ng little sister ko at niyakap siya nito. Niyakap din siya ni Mama at tuwang tuwa sila sa ibinalita ko sa kanila.

"Sabi ko naman sa'yo na matutuwa sila kapag nakita ka nila!" Bulong ko sa tainga nya. Hinawakan nyang mabuti ang aking kamay. Nanlalamig ito kaya hinipan hipan ko.

"Tamang tama, may niluto na ako! Let's eat!" Pag aya ni Mama sa amin.

"Hon ipinatawag mo na ba si..." Tinig ni Dad na kadarating lang. Naputol ang sasabihin niya nang tumayo kami ni Yngrid at kinaharap siya.

"Y... ngrid?" Utal ni Dad na gulat na gulat.

Napansin kong nagka iwasan sila ng tinginan at amaklid sa akin si Yngrid. Nalilito ako sa kanikang kilos pero minabuti kong sabihan na si Dad sa aming pagpapakasal kaagad.

"Mabuti naman at naisipan mong umuwi at sadyang dinala mo dito ang babae na iyan?" Baling sa'kin ni Dad na naupo na rin at sinabayan kami sa aming pagkain.

"As i told you Dad, Babalik ako na kasama ang Asawa ko!" Diin ko naman sa kanya.

"That's it? Sa tingin mo ganu'n ko kadali ibibigay sa'yo ang mamanahin mo para sa pag aasawa mo? Baka nakakalimutan mong itinakwil na kita!" Paglilinaw nya.

"Hindi naman po kami... Huh..." Nagulat si Yngrid sa pagdadabog ni Dad sa mismong harap namin.

"Kinakausap ba kita! Umalis na lang kayo dito! Sige, gusto nyo ng pera? Bibigyan ko kayo basta't huwag na kayong magpapakita sa akin!" Balak na agad nyang umalis pagkatapos nya kaming singhalan na para bang hindi nya kami kaano-ano.

Anak nya pa rin ako at manugang na niya si Yngrid kaya marapat lang na matanggap niya kaming dalawa sa pamilya nya.

"Yoongi umalis na lang tayo dito!" Pag aya na ni Yngrid sa akin nang nasa sariling kwarto na kami.

"Ts, Ano ka ba? Kilala mo naman si Dad, ganu'n talaga sya magsalita!" Hinalikan ko siya sa kanyang noo.

"Hindi iyun.. Hindi mo alam kung bakit ganu'n siya magsalita!" Pag iling nya sa'kin.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Halika nga dito!" Niyakap ko siya ng sobrang higpit at bigla syang umiyak sa akin dibdib.

Hinaplos ko ang kanyang likuran upang mapatahan siya pero nagsumiksik siya sa akin habang nagpatuloy sa kanyang pag iiyak.

Hindi ko siya maintindihan.

"Hssh!!" Iniharap ko siya sa akin at namumukto na agad ang kanyang mga mata.

"Magagalit ka ba kapag may nalaman ka sa amin ng Daddy mo?" Mariin nyang tanong sa akin na ikinuot ng aking noo.

Hindi ko pa rin siya maunawaan.

"Sya kase.. " Hindi nya maituloy na sasabihin.

"Tama na... Ayokong marinig!" Sa pagyakap kong muli sa kanya ay napapikit ako.

Ayokong marinig mula sa kanya na si Dad ang dahilan kung bakit nabahiran ng marumi ang pagkababae niya.

"Yoongi sorry pero ayokong magmalinis sa harap mo! Alam iyun ng Dad mo! Ginamit nya ako nu'ng mawala ka, Nang hanapin kita dito ay sapilitan nya akong pagsamantalahan! Wala akong laban at ipinaintindi niya sa akin na pagbintangan ko ang School admin dahil kung hindi ay masisira ang pangalan mo at pagkatao ko! Tinakot nya ako!!" Matuwid niyang paliwanag sa akin na hindi ko napigilan ikaikom ng aking kamao.

Balak ko nang sugudin si Dad pero pinigilan nya ako.

"Yoongi umalis na lang tayo!" Paghabol nya sa'kin.

"Hayop sya! Hindi nya dapat ginawa ito sa'yo!" Hindi na ako nagpapigil pa at pinuntahan ko na si Dad sa kinaroroonan nya.

Lumabas man na wala akong respeto sa magulang ko pero siya rin ang humudyat nito sa akin. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit pilit nya akong ipinapakasal sa iba dahil alam nyang makikita ko si Yngrid at matatanggap ko ang anuman na nangyari sa kaniya.

Hinding hindi ko siya pagbibigyan sa nagawa nya sa Asawa ko.

Hinaklit ko na si Dad sa kanyang kinauupuan at pinuyog ko ng suntok sa kanyang pagmumukha.

"Yoongi!!" Pagpigil sa'kin ni Mama at Yngrid.

"Wala ka na ba talagang respeto sa akin huh?" Pagpupunas niya sa dumudugo nyang nguso.

"Respeto?? Sabihin mo sa'kin kung saan ako dapat rumespeto sa iyo? Wala ka bang ibang gagawin sa buhay ko kun'di sirain ang lahat ng meron ako? Hindi ka na nakontento at pati si Yngrid ay pinagsamantalahan mo! Hayop ka!!!" Derektang anas ko sa kanya at sa panggagalaiti ko sa kanya ay muli ko syang binigyan ng sunod sunod na suntok.

Naging lutang sa sitwasyon si Mama at hindi siya makapaniwala sa aking mga nasabi.

"Totoo ba?" Baling ni Mama sa kanya.

Yumakap ulit sa akin si Yngrid at pinakalma niya ako pero hindi ko pa rin magawang maging kalmado. Kulang ang panununtok bilang pagbawi ko sa nagawa ni Dad sa kanya.

"Nagawa ko lang iyun dahil ayokong mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko!" Nagmamalinis pa siya kaya lalo akong naiinsulto sa kanya.

"Dahilan ba para pagsamantalahan mo pa ang Asawa ko? Dad kahit ano pang ipaliwanag mo, alam mong kademonyohan ang ginawa mo!" Galit na galit talaga ako sa kanya. Nanliliit ang tingin ko sa kanya.

Patatawarin ako ni Mama at ng kapatid ko pero ipakukulong ko siya. Gagawin ko iyun bilang pagbabayad niya ng hustisya para sa Asawa ko.

Kahit alam kong gagabihin kami sa aming pag uwi sa Seoul ay nagpumilit kami ni Yngrid na maka uwi. Diretso kami sa bahay na bagong tirahan nya.

Hindi ko pa rin magawang tanggapin ang nagawa ni Dad sa kanya hindi dahil nadumihan ang pagkatao niya bukod doon ay naiinis ako sa aking sarili dahil hinayaan kong magka ganito ang buhay nya sa kamay ng isa sa mga magulang ko.

"I'm sorry!" Ilan beses ko na iyun narinig sa kanya buhat kanina.

"Ako ang patawarin mo dahil pinabayaan kita! Kung hindi kita pinalayo sa'kin ay baka hindi nagawa sa'yo ni Dad ang karumal dumal na iyun!" At dahil nakaupo ako sa kama namin habang siya naman ay nakatayo, Sa kanyang bewang na lang ako yumapos.

Hindi ko maiwasang umiyak sa kanya. Hinahaplos niya ang aking ulo.

"Ipakukulong ko siya! Gagawin ko ang lahat para pagbayarin niya ang nagawa nya sa'yo!" Tumunghay ako sa kanya.

"Pe.. ro.. " Utal pa nya.

"Hindi ako papayag na mananatili syang malaya sa ginawa nya sa'yo!" Matigas ko pang sabi sa kanya.

"Ako pa ang magiging dahilan para masira ang pamilya mo! Huwag na lang Yoongi basta malayo na lang tayo sa kanya!" Pag iling nya sa'kin.

Hindi pa rin ako pumapayag. Matagal ko na rin tinitiis ang kakaibang sitwasyon ng pamilya namin. Ilan beses na rin akong naging suwail sa mga desisyon nila kung kaya't hindi ko na sya mapagbibigyan pa.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon