CHAPTER 41.

29 0 0
                                    

...

AINA'S POV.

Isang taon na rin pala ang nakakalipas simula n'ung lisanin ni Amarra ang pamumuhay niya sa'min ng Daddy nya at iwanan sa ere si Lei sa kanilang Engagement Party. Wala ni-isa sa amin ang makapaniwalang kaya iyun ni Amarra na gawin sa amin pero masaya ako kung nasaan man siya ngayon dahil nasisigurado ko na hindi siya pababayaan nang taong pinagkakatiwalaan nya at si Jungkook lang ang kayang ibigay ang lahat ng pagmamahal na kailangan nya.

Kung alam ko lang kung nasaan sila ngayon ay baka hindi na ako nagdalawang isip na suportahan sila.

Sa kabila noon ay ang biglang pagbabago ni Taehyung bilang asawa at Ama ng magiging tatlo namin anak.

Nabuntis nya ulit ako sa ikatlong pagkakataon kaya lalong nadama ko ang pagkasabik niya na bumawi sa'min bilang padre pamilya.

"Magpapatawag ako ng Doctor para hindi mo na kailangan pang bumiyahe, makarating lang sa Hospital!" Seryosong sabi niya habang kumakain kami.

"Natatakot ako!" Hinawakan ko ang kanyang kamay ng sobrang higpit.

"Pangatlo na natin iyan, natatakot ka pa rin? Paano pa kung dagdagan natin nang 10?" Sabay ngisi sa'kin ng nakakaloko.

"Ano kaya kung hindi ko ilabas ito?" Baling ko sa kanya kahit na pakiramdam ko ay ano man araw ngayon, maiilabas ko na ang 3rd Baby namin.

Kabuwanan ko na rin kase ngayon at balak nyang dito na ako sa bahay manganak para subukan ang bagong style ng giving birth sa bathtub kaya ganito na lang ang takot ko.

Tumayo siya at hinimas himas ang tyan ko habang na nanatiling nakaupo ako.

"Ang cute mo talaga kapag nagagalit ka ng ganyan! Sana lang narito ang ate nya para makilala nya na ulit ang bagong kapatid nya!" Nanghihinayang na naman ang tinig niya.

Lalaki siya at isang tinagurian na ulirang Ama ng Bangtan Boys pero walang araw at oras na hindi ko nakikitang lihim syang umiiyak dahil sa pagsisisi niya na umalis sa poder namin si Amarra.

Hinuhumaling ko na nga lang siya sa'king pagmamahal.

"Sige mambola ka pa!" Pang iirap ko sa kanya at may biglang sumakit sa'kin pantog.

"Hey what's up? Ang aga nyo naman maglandian dyan?" Tinig ni Hoseok.

"Tae... Masakit na ang tyan ko! Manganganak na yata ako! Huuu!!" Singhap ko ng sobrang lalim na paghinga at napakapit na lang ako sa kanyang giliran.

Bigla silang nataranta na parang ngayon lang sa'kin mangyayari ito.

Napapahiyaw na ako sa sobrang sakit at binuhat na nya ako. Hindi na makakapag hintay pa ang Doctor na sinasabi nya na aalalay sa panganganak ko dito sa bahay.

"Taehyung.. Dalhin mo na ako sa Hospital baka hindi ko kayanin!! Ah.. Aray!!" Nasasaktan kong sabi at pinagpapawisan na ako ng malamig sa pagbuhat na nya sa'kin.

"Nasa labas ang sasakyan ko, Tara na!" Prisintang sabi ni Hoseok. Iniwan niya ang kung ano man report na dala nya para kay Taehyung.

Idineretso nila ako sa Do's Doctor Hospital. Pinahiga sa Hospital Bed at dinala kaagad sa paanakan.

Takot na takot talaga ako pero kailangan kong kayanin ito para sa baby namin ni Taehyung.

"Miss dahan dahan lang po sa pag iri!" Sabi nang babaeng Doctor na nasa ibabaan ko.

Bago ko pa mailabas ang baby ko ay nawalan na ako ng kamalayan sa mga nangyayari.

.
.
.
.

...

HOSEOK'S POV.

Sinundan ko nang tingin ang babaeng Doctor na nagdala kay Aina sa loob ng silid na iyun. Parang nakikilala ko siya.

Halata naman kay Taehyung kung gaano siya kinakabahan sa sitwasyon ngayon ni Aina at saka ko lang napansin na wala sa kanya si Tantan.

"Nasaan ang bunso nyo?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nagbakasyon kina Mama at Papa sa Daegu pero sinabi kong kabuwanan na ni Aina ngayon kaya hindi ko alam kung iuuwi nila si Tantan dito!" Nararamdaman ko ang pag aalala niya.

"Relax ka nga lang dyan! Kaya na ni Aina iyun!" Tapik ko sa kanyang balikat at lumabas na ang Doctor na nagpaanak sa Asawa niya.

"Yung asawa ko? Kumusta siya?" Tarantang tanong niya sa Babaeng Doctor.

Balot ito ng PP.E uniform at mask kung kaya hindi ko pa rin makilala.

"Congrats Sir. It's a girl! Okay naman po ang Asawa nyo at dadalhin na lang sya sa Mother Ward para doon na makapag paggaling!" Sabi niya bago kami nilampasan.

Pagkalampas niya sa'kin ay humalimuyak muli ang pamilyar na scents niya.

"Dianne!" Paghabol ko sa kanya hanggang sa kaduluhan ng huling kwarto sa Hospital.

Bigla syang nawala sa paningin ko. Hindi pa rin kami tapos sa kaso niya hangga't hindi siya sumusuko sa mga kasalanan na pinagtaguan niya. Miski pa ang matalik na kaibigan niya na si Taki ay pinabayaan na rin nilang makulong ng tuluyan.

Nawala na rin ang connection ng pagbabantay ko kay Yeonjun para maituro nya sa'kin ang Ate nya dahil nasa Japan na pala ito.

"Ano bang kailangan mo?" Sumanggulat siya sa'king harapan habang may hawak na injections needle.

"Sinasabi ko na nga ba at narito ka lang, Dianne!" Pagpigil ko sa kanyang kamay na maiturok sa'kin ang karayom na iyun.

Sinipa naman nya ako sa'king paa at balak na ulit tumakas pero nahagilap ko ang kanyang hair net at saka ko inalis ang mask sa kanyang pagmumukha.

May malaking pilat sa kanyang mukha na kaagad nyang tinakpan.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan!" Pilit niyang pagtatakip sa kanyang pilat.

"A.. nong nangyari sa'yo??" Hindi ko malaman na reaksyon ko.

"Wala ka nang pakealam pa sa buhay ko!" Balak na nya ang umalis.

"Akala mo ba talaga ay makakatakas ka pa sa'kin ngayon? Matapos mong sunugin ang bahay ko at magnakaw sa kung kani-kaninong Business man! Hindi mo na matatakasan pa ang batas!" Mahigpit kong hawak sa kanyang kamay.

"Sa tingin mo ba talaga ay ako ang gumawa nang lahat ng iyun?" Tumaas ang kanyang kilay sa'kin.

"Soohyun!" Tinig ni Dave sa kanyang likuran na aking kinunoot ng noo.

Soohyun?

"Tito!" Nilapitan nya ito.

"Oh narito ka Hoseok-ssi!" Bati nito sa'kin.

"Ah.. Pinipilit nya ako na kung kilala ko ba si Ate Dianne!" Salansang niya.

"Hindi ako nagkakamali na ikaw si Dianne! Binago mo lang ang buong pagkatao mo para takasan ang mga mabibigat na kaso mo!" Matigas kong diin sa kanya.

"Matagal nang patay si Dianne! Pamangkin ko si Soohyun sa..." Pinutol ko ang pagpapaliwanag na iyun ni Dave.

"Huwag na tayong maglokohan dito! Lahi nyo na ang mga sinungaling at hindi imposible na gawin nyong masalimuot ang buhay nyo para makatakas sa mga kasalanan nyo!" Diin ko pa rin.

"What is this?" Tinig naman ng isang lalaki na sinimot ang pantaruk na tumilapon sa sahig bago kami nilapitan sa aming pag uusap.

"Maraming pasyente na nangangailangan ng serbisyo nina Ate Dianne at Daddy pero narito sila sa dulo para lang paaminin mo sa kasalanan na walang kasiguraduhan na ginawa talaga nila? Do you have any warrant of arrest?" Kunoo't noo pa nya sa'kin.

"Yeonjun! You're here!" Sambit ko at napabuntong hininga na lang ako.

Kung tutuusin ay may katotohanan ang sinasabi niya. Wala akong dala na kahit ano para madiin si Dianne sa suspetya kong may kasalanan ito

Tama rin ang kutob ko na binago nito ang katauhan niya pero hindi dahil sa kasalanan nya sa'kin o sa kung kanino.

May iba pang dahilan.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon