CHAPTER 23.

18 1 0
                                    

...

YOONGI'S POV.

Sa paggaling ni Yngrid sa dinanas niyang depression ay bigla syang nagbago ng pakikisama sa'kin. Bawat kilos niya ay para bang hindi na nya ako kailangan pa.

Tinitiis ko dahil gusto kong bumalik kami sa dati, Mahal ko rin siya at gusto kong bumawi sa mga araw na binalewala ko sya dati.

Nasaktan ko siya ng labis kung kaya't alam ko na rin ang dahilan ng pagiging malamig niya sa pakikitungo sa'kin.

"Dinala ko ang gamot mo, iinum ka ulit pagkatapos ng Lunch mo dito sa School tapos tawagan mo na lang ako kapag uuwi ka na! Susunduin kita!" Bilin ko sa kanya.

"Hindi na ako baliw at bingi para paulit ulit mong ituro sa'kin ang dapat kong gawin! Umuwi ka na! Huwag mo na rin akong sunduin dito, May kinuha na akong boarding house na malapit lang dito sa School at saka ko na lang kukuhain ang gamit ko sa bahay mo!" Mariin nyang sabi sa'kin.

"Kumuha ka na ng sarili mong titirahan nang hindi ko alam?" Baling ko sa kanya.

Galit siya pero hindi ko akalain na ganito niya susundin ang galit nya sa'kin. Nag desisyon siya na hindi naaayon sa kagustuhan ko.

"Bakit? Kailangan ba dapat alam mo pa? Di'ba ito naman talaga ang gusto mo noon pa? Gusto mong layuan kita! Gusto mong mawala ako sa paningin mo at iparanas sa'kin ang mga dinanas mo nu'ng masira ka sa pamilya mo! Gusto ko lang ituloy ang kagustuhan mong lumayo ako sa'yo!" Pagdadabog nya sa harap ko.

Pinagti tinginan kami ng mga Co-teachers nya pero hindi ko na binigyan pa iyun ng pansin. Nakakahiya man para sa kanila na hanggang dito sa School ay abot ang pang aaway nya sa'kin.

"Sige.. Kung 'yan ang gusto mo, bahala ka!" Tinalikuran ko na siya. Hindi ko na rin naman mapipigilan ang desisyon nya.

"Ganyan ka na talaga nuh? Bwisit!" Sigaw niya kaya tuluyan na akong lumabas sa Faculty Office nila.

Habang nakapamulsa ako na naglalakad palabas sa hallway ay may nagmamadaling babae ang nakasalubong ko.

"An... o ba? Sorry po!" Hindi ko malaman ang magiging reaksyon ko sa pagkakita ko sa kanya.

"Amarra?" Gulantang ko sa harap niya. Siya nga itong kaharap ko.

"Pasensya na po pero hindi po ako si...  Teka bakit po ba tinatawag nyo akong Amarra? Sino po ba kayong lahat na tinatawag ako bilang si Amarra? Kilala nyo po ba ako?" Naguguluhan niyang tanong.

Hindi nya kilala ang sarili nya. Isa rin sa napansin ko na isa siya sa mga estudyante dito, Kung gayun ay alam ni Jungkook na narito lang sya. Nagkita na sila at buhay si Amarra.

Sa tagal na ng panahong hindi namin mahanap si Amarra ay inakala na namin nina Namjoon na baka talagang wala na sya dito sa mundong ginagalawan namin.

Ngunit heto siya sa aking harapan at buhay na buhay.

.
.
.
.

...

YEONJUN'S POV.

Kanina ko pa hinahanap si Anna simula nang mag walk out siya ng biglaan kanina.

Nadatnan ko siya na may kausap at kayakap kaya nagselos agad ako. Umiinit ang ulo ko sa mga lalaking panay ang lapit sa kanya.

"Buhay ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa'min? Matutuwa ang Daddy mo kung makikita ka nya!" Hindi nito napigilan ang pagyakap sa kanya kaya agad ko syang hinila papunta sa'kin. Nagulat na lang ako sa kung sino itong may lakas ng loob na yakapin siya sa tuwa.

"Tit.. o Yoongi?" Nagbigay galang agad ako sa kanya.

"I'm sorry!" Usal ko pa sa paghingi ng despensa.

Magkakilala rin pala sila ni Anna o may hindi lang ako alam sa pinag uusapan nila.

"Hindi pala kayo nagkakahiwalay ng School at hanggang dito ay magkaklase pa rin kayo!" Sabi pa niya.

"Wala po talaga akong alam sa mga sinasabi nyo po! Sorry po!" Sabi naman ni Anna bago ulit siya tumakbo palayo sa amin.

"Anna!" Hinabol ko na siya. Pauwi na sya sa bahay namin dalawa.

Walang alam si Dad sa ginagawa ko na pinatitira ko si Anna sa Rest House ko. Wala rin syang kinalaman sa balak kong paglaruan ang babaeng sumingit sa nasira namin pamilya.

Nalilito ako kung bakit kilala siya ni Tito Yoongi. Walang kahit na anong ediya ang pumapasok sa aking isipan.

Parang may mali sa sitwasyon ng past life ni Anna. Hindi ako sigurado pero isa rin ba si Jungkook sa may kilala sa kanya kung bakit lagi syang ginugulo nito?

Nadatnan ko na siya sa bahay, Nagmumuk muk sa giliran ng kama nya at umiiyak na pinagmamasdan ang isang kwintas na hawak nya.

"Sino ako Yeonjun? Bakit hindi ko kilala ang sarili ko?" Namumukto ang kanyang mga mata nang tumingin siya sa dereksyon ko.

"Hey, What's wrong bebs? What are you trying to say?" Baling ko na lang sa kanya.

Pinagmasdan ko pa ang pagmumukha nya ngunit habang tumatagal ay naaaninag ko ang pagmumukha ng batang babaeng kaaway ko sa simula't sapul.

"I.. kaw? Amarra!" Agad akong dumistansya sa kanya.

"Yeonjun hindi....  Ako ito si Anna!" Hinawakan nya ang kamay ko pero ibinalya ko siya.

Napa iling ako sa mismong harap nya. Hindi ko inaasahan na siya nga ang babaeng kinagagalitan ko. Nainis ako sa sarili ko dahil kinilala ko pa syang mabuti.

Anak siya ni Mr. Kim Taehyung at ni Tita Aina Hae. Ang buong pamilya nila ang sumira sa buong buhay namin ni Dad.

"Ikaw pa rin ang sisira sa buhay ko!" Napa sigaw ako sa kanyang harap.

"Hindi.. Hindi ko alam kung sino ako! Yeonjun please tulungan mo ako na makilala ang sarili ko!" Pagmamaka awa niya sa'kin.

Hindi ko na rin malaman ang nararamdaman ko. Naghahalo ang galit sa puso ko at ang pagkilala ko sa kanya bilang babaeng gusto ko lang pag tripan.

Magkahalo ang bawat emosyon na nananaig sa aking dibdib. Dapat lang pala na pag tripan ko siya dahil bukod sa kinuha niya ang atensyon ni Mama Althea sa amin ni Dad ay anak din siya ng mga taong ginulo ang buong pamilya ko.

Kaagad akong nagdesisyon na palayasin siya sa bahay ko at bakit hindi? Iyun talaga ang nais kong mangyari sa kanya. Magdusa siya bilang ganti ko sa kanya.

She's not Anna Cheng, She's Amarra Hae. Na kahit kailan man ay hinding hindi ko matututunan na mahalin.

Kaaway ko siya simula palang ng Childhood Days namin at hindi ko na iyun mababago pa.

Yes i admit na kahit papaano n'ung mga araw na nakasama ko siya sa loob ng nag iisang bubong na ito ay nagugustuhan ko na sya ngunit hindi iyun lubos dahil kaakibat nito ang paghihiganti ko at galit ko sa kanya.

Nilalaro ko lang ang pagmamahal nya sa'kin at sumang ayon sa akin ang mapait niyang kapalaran kaya lulubusin ko na ang pagpaparanas ko sa kanya ng karapat dapat niyang danasin.

"Yeonjun teka... Sandali! Ano bang nangyayari? Bakit kailangan mo akong paalisin?" Pagkatok niya sa labas ng aking bahay.

Hindi ko na sya binigyan pa ng pansin.

"Yeonjun... Please kausapin mo ako! Mahal.. Hindi ko man kilala ang sarili ko, Alam kong matutulungan mo ako di'ba?" Hiyaw pa niya.

Biglang umulan ng sobrang lakas at alam kong kakatukin pa rin nya ako kung kaya't umakyat na ako sa aking kwarto. Sa lakas nga ng pag ulan ay hindi ko na marinig pa ang kanyang tinig.

Ayoko na syang makita pa, makasama dito o maka usap man lang. Nanliliit lang ako sa sarili ko habang inaalala ko yung mga oras na hinalikan ko pa siya.

Sana hindi na lang ulit kita nakilala Amarra Hae.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon