CHAPTER 11.

24 1 0
                                    

...

F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D...!

...

YOONGI'S POV.

Ilan araw pa sana mananatili si Yngrid sa Hospital pero ako na ang nagdesisyon na ilabas na siya. Balak ko kase na ako na rin ang mag alaga sa kanya.

Tutal buo na ang pamilya ni Makulit na Jihan ay ako na ang nag adjust.

Inanyayahan ako ni Hoseok sa sariling bahay niya.

"Dito na muna kayo tumira sa bahay ko, Gusto kong makabawi sa nagawa ko sa kanya!" Pagtutukoy ni Hoseok.

"Sigurado ka?" Tanong ko pa sa kanya.

"Umh... At saka may tinitiktikan akong magnanakaw sa isang Store kaya sa Office ko na muna ako mags-stay!" Sabi pa nya.

"Sige, matatanggihan ko pa ba ito! Kailangan ko talagang maalagaan si Yngrid!" Baling ko sa kanya.

Wala na syang sinabi pa at umalis na rin siya. Hindi ko naman siya sinisisi sa pagsagasa nya kay Yngrid dahil alam ko naman na aksidente talaga iyun at isa siya sa mga kaibigan ko.

Maya maya pa ay umakyat na ako sa kwartong tinutulugan ni Yngrid.

Hindi pa rin ako tapos sa paglilinis sa kanya kaya dinahan dahan ko nang gawin habang natutulog siya ng mahimbing.

Naghanda na ako ng malinis na towel at maligamgam na tubig. Pinagmamasdan ko ang nalilinis kong mukha niya. Hindi ko maiwasan na isisi sa'kin sarili ang nangyari sa kanya.

Kasalanan ko!

Pagkatapos kong malinis ang buong katawan niya ay inilaylay ko naman ang buhok niya para ito ay masuklayan ko na.

"Huh??? Ahhhh!!!" Sigaw niya sa'kin nang magising siya.

"Hey.. It's me!" Pagpigil ko sa gagawin niyang pagtakbo.

Niyakap ko siya ng mahigpit para mapigilan ko sya sa pag alis nya.

"Bitawan mo ako! Lumayo ka sa'kin!" Pagtulak niya sa'kin.

"Ako ito Yngrid! Ang First Love mo!" Paglilinaw ko sa kanya kahit hindi ako sigurado kung makikinig siya sa'kin.

Tumigil siya sa pagwawala niya at derektang tinitigan ang aking mga mata.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ko pa sa kanya. Tumango lang siya sa'kin bilang sang ayon niya sa alok ko.

Gutom na gutom siya na kinakain ang bawat paghayin ko ng pagkain sa kanya. Nagpapakatatag lang ako sa nakikita ko sa mga kilos nya pero masakit sa loob ko na wala siya sa tamang pag iisip ngayon.

Ipagagamot ko siya sa isang Physiatrist na kailangan nya para lang gumaling na siya. Hindi ko na siya pababayaan pa.

"Kwentuhan mo naman ako sa mga nangyari sa'yo!" Umupo ako sa katapat niya habang patuloy siya sa pagkain nya.

"Amh... Hinanap kita!" Sambit nya.

"Naaalala mo na ba ako?"

"Sabi mo ikaw yung First Love ko!" Hindi pa rin nya ako kilala.

"Okay lang!" Bulong ko sa sarili ko.

"Umuwi ako s bahay namin tapos pagdating ko doon, Wala ka! Pumunta ako sa School kase sabi n'ung tumawag sa'kin na Principal Admin, kakausapin nya ako para sa Internship ko pero mali naman eh! Ni-rape nya ako! Pinagsamantalahan nya ang kahinaan ko! Tapos pinalayas ako sa'min kase wala daw akong kwenta sa kanila, Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya hinanap ko si Amarra! Nakita ko sya pero hindi daw siya iyun! Natatakot na ako lumabas! Kung saan saan ako nakakarating!" Pagkukuwento niya na sadyang may takot ang nararamdaman nya.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon