CHAPTER 19.

29 2 0
                                    

...

TAEHYUNG'S POV.

Parang sasabog sa sakit ang ulo nang magising ako kinabukasan.

Iniwan ko sa tabi ko ang mag ina ko at saka ako dumiretso sa banyo para makapanligo na at matanggal man lang ang Hang Over ko.

Naghubad na ako bago ko buksan ang Shower. Maya maya pa ay yumakap na sa likuran ko si Aina. Idinampi niya ang mga palad nya sa dibdib ko at saka niya hinaplos paibaba sa sikmura ko hanggang sa pinigilan ko na ang malilikot niyang kamay.

Hinarap ko siya na nangingilid ang mga luha nya sa'kin harapan.

"Sorry na!" Bigla syang yumakap sa'kin. Naramdaman ko ang bigat ng kalooban nya.

"Balikan mo na sa kwarto si Tantan, baka magising sya na wala tayong dalawa sa tabi nya! Mag iiyak 'yun!" Saad ko sa kanya.

"Nababalewala na ba kita? Hindi ko na ba kayang gampanan ang pagiging Asawa ko sa'yo? Narito pa ako Taehyung pero bakit?" Lumabas siya na umiiyak.

Pinatay ko agad ang shower at sinundan siya sa kanyang paglabas, gusto kong maunawaan ang mga usal niya sa kaumagahan na ito.

"Anong bakit? Anong sinasabi mo?" Kunoo't noong paghabol ko sa kanya.

"Huwag mo ng linisin pa ang mga kalat mo! Nakita ko na sya! Tigilan mo na ako sa kunwari'y hindi mo ako naiintindihan!" Tumataas ang kanyang boses.

Wala akong maalala sa nangyari kagabi.

"Ano na naman ba ito huh Aina? Bakit kung pagsabihan mo ako ng ganyan parang niloloko kita?" Baling ko na sa kanya.

"Bakit hindi ba?" Taliwas nya sa'kin.

Napamay awang ako sa kanyang harapan at sadyang bumabagting ang panga ko sa mga bintang nya. Ngayon nya lang ako pinagdudahan ng ganito at hindi ko alam kung saan nagmumula ang pagdududa nya.

Kung mapag isipan nya ako ay parang napakasama kong Asawa at Ama sa kanila ni Tantan.

"Tama na okay! Tigilan na natin ito!" Lalapitan ko pa sana siya ngunit palayo siya sa'kin.

"Huwag na huwag mo akong lalapitan!" Dinuro nya ako.

"Aina ano ba? Kung ano man yung nagawa ko, wala akong alam doon!" Sabi ko pa.

"Wala?? Talaga?!! Heto ng malaman mong lalaki ka! Kanino ito huh?" May kinuha sya sa pantalon ko na kakaibang Lipstick. May Lipstick Kiss rin ang Polo ko nang ihagis niya ito sa pagmumukha ko.

Nagtaka ako kung saan ito nanggaling. May nakasama ba akong babae kagabi?

"Subukan mo lang na sabihin sa'kin na wala kang alam dyan! Malilintikan ka sa'kin!" Ibinato pa nya sa'kin ang Lipstick na nakuha nya mula sa pantalon.

Lagay na mag inusok ang ilong nito at sumarga ang luha sa harap ko. Ito pala ang dahilan.

Biglang nagising sa pang aaway nya sa'kin ang Prinsipe namin.

"Nagising na si Tantan sa kaingayan mo!" Baling ko sa kanya.

"Huwag mo akong daanin sa ganyan! Akin na si Tantan!" Pilit nya itong kinuha sa'kin.

"Aina!" Hinabol ko sya hanggang sa Salas. Doon niya pinatatahan si Tantan.

Hindi na nya ako pinapansin, tapos na rin syang umiyak ngunit n'ung aalis na ako ay may narinig pa ako mula sa kanya.

"Alam kong kasalanan ko kung bakit nawala sa atin si Amarra pero huwag mo naman iparamdam sa'min ng Prinsipe mo na hindi kami sapat para magkapag hanap ka pa ng iba!" Tumalikod siya nang tingnan ko sila ng tuwid.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon