CHAPTER 3.

27 1 0
                                    

...

TAEHYUNG'S POV.

Tinupad nya ang sinabi nya sa'kin. Hindi ko ito inaasahan mula sa kanya na talagang isa na rin syang Successful Man.

At his age of  31, masasabi kong nakakahanga ang pagpupursigi niya sa kanyang buhay ngayon.

"Nasaan si Amarra? Hindi ko yata sya nakikita dito?" Pagtataka niya.

Hinahanap na nya sa'kin ang babaeng naging dahilan kung bakit ko siya pinalayo noon.

"Hindi ba dapat ikaw muna ang magkwento sa naging buhay mo sa Europe? Nakapag tapos ka ba? Ano na ang trabaho mo ngayon? Hindi ka na ba Mama's Boy?" Taliwas ko sa kanya.

Pinamulsahan nya ako at kahit hindi ko siya inalok ng alak ay kusa na syang kumuha para inumin ito.

"Mama's boy kamo?" Natatawang pag uulit nya sabay inom sa alak na naisalin nya sa basito.

"Kahit maglasing ka dito, hindi mo makikita si Amarra!" Sambit ko na sa kanya.

"What do you mean by that? Balak mo pa rin bang itago sya sa'kin? Paulit ulit ka na lang ba papagitna sa Closeness namin dalawa?" Nakakainsultong tanong nya.

"Hindi porke't nagawa mo na ang sinabi mo sa'kin ay magagawa mo na sa kanya ang gusto mo!" Tuwid kong usal sa kanya.

"Hindi ako umuwi dito para magmalaki sa'yo o insultuhin ka sa kung anong naabot ko! Ganu'n pa rin ang nararamdaman ko kay Amarra at kahit ulit ulitin mong ilayo sya sa'kin, hahanapin at hahanapin ko siya!" Matigas nyang anas sa'kin.

Kung tutuusin ay dapat matuwa ako sa pagbabalik nya dahil alam kong siya ang makakatulong sa'kin para mahanap ko ang Prinsesa ko.

"Hindi ko sya mamadaliin dahil alam kong mataas ang pangarap mo sa kanya pero tumupad ka rin sana sa pinag usapan natin, 6 years ago! Matagal ko itong hinintay para makausap sya kaya pagbigyan mo na ako!" Sabi pa nya.

"She's not here!" Saad ko sa kanya na ikinalito nya.

"Nag aaral ba sya ng mabuti? Baka hanggang ngayon ay Home Study pa rin sya?" Diin pa nya.

"Naglayas sya 6 years ago at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin sya ni Aina! Tumutulong naman sa'min ang iba pang barkada natin pero hirapan pa rin kami na makita sya!" Paglilinaw ko na sa kanya.

"A... no???" Gulantang na nya sa sinasabi ko.

"Hindi ko pinasabi sa'yo dahil ayokong mapahiya sa'yo! Ayokong matabunan mo ako sa pag aalala sa kanya! Ayokong malaman mo ang bawat detalye ng pagkawala nya dahil... dahil... Bilang Daddy nya, Masakit sa'kin na napabayaan ko siya!" Usal ko sa kanya.

Kapag si Amarra ang pinag uusapan ay nanghihina ako. Tulad nang nasabi ko ay ilan beses ko syang hinanap ngunit bigo pa rin kami ng Mahal ko.

Nasundan na namin sya ni Mahal ko ng bunsong kapatid nya ay hindi pa rin namin siya nakikita.

Palagi ko nang sinisisi ang sarili ko kapag naiisip kong kasalanan ko kung bakit sya umalis.

"Nawawala na't lahat-lahat si Amarra ay pride mo pa rin ang iniisip mo! Pinuntahan nyo na ba ang mga lugar na posibleng puntahan nya?" Inis na inis na siya sa'kin.

"Taon taon! Buwan buwan! Linggo linggo at Araw araw! Halos oras na lang ang binibilang ko para hindi tumigil sa paghahanap sa kanya!" Mariin kong saad sa kanya.

Inihilamos niya sa pagmumukha nya ang kanyang mga palad na sadyang nanlulumo sa sinabi ko.

Inilayo ko ang anak ko sa kanya dahil akala ko ay hindi sya karapat dapat, ngunit sa nakikita ko ngayon ay mas nararapat pa siya sa Prinsesa ko kumpara sa kung sinong mapipili ko para dito.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon