CHAPTER 37.

34 0 0
                                    

...

JUNGKOOK'S POV.

Nag iiwasan kaming magkatinginan dalawa pero sadyang mapaglaro ang aming mga mata. Minsan nagsasalubong na talaga ang tinginan namin pero parehas lang din kaming naiilang.

"Magpahinga ka na!" Wala na rin naman akong sasabihin kahit gustong gusto kong itanong sa kanya kung binasa na ba nya ang sulat nya sa'kin na ibinalik ko sa kanya. Tumalikod na ako sa kinahihigaan na nya.

"Ggukie...! Iyun ba talaga ang tawag ko sa'yo bago ko nakalimutan ang alaala sa pagkabata ko? Minsan sumasagi sa isipan ko ang mga tawag ko sa'yo, hindi ko alam kung saan nagsisimula pero basta na lang nagiging bukang bibig ko na kapag nakakaharap kita! Nakakalito lang kase!" Sambit niya.

"Oppa, Kuya, Ggukie.. Kookie o kahit na ano pang itawag mo sa'kin, hinding hindi mo iyun maiintindihan kung hindi mo babalikan ang mga isinulat mo para sa'kin!" Nilingon ko siya sa pagtugon ko sa kanya.

Gusto ko syang malapitan ulit ngunit ang isang hakbang palapit sa kanya ay isang big deal para sa kanya. Hindi ko pa rin kayang magpakatotoo sa nararamdaman ko para sa kanya.

Baka isipin nyang sinasamantala ko ang pagkakataon para sa pang sarili ko lang. Hangga't hindi nagpapantay ang nararamdaman namin dalawa ay mananatiling tahimik muna ako.

"Confiscated ang lahat ng gamit ko at bawal na akong makipag communicate kahit kanino! Tatakas ba ako kay Daddy at Lei kung katulad pa rin ng dati ang buhay ko?" Baling nya sa'kin.

Wala akong magawa para tulungan siya kung hindi ang manatili ako dito hangga't narito siya.

"Hindi ko na alam kung paano ko iisipin na nagkaganito ang buhay ko! Kung alam ko lang na mas lalong magiging miserable ay sana hindi na lang ako sumama sa kanila! Hindi na lang sana ako pumayag na makilala sila!" Pasimpleng nagpapahid siya ng kanyang mga luha na inililihim rin nya sa'kin ang pagtulo nito.

"Takot lang sila na mawala ka ulit sa kanila! Daddy's girl ka naman di'ba? Pagbigyan mo na si Taehyung na bumawi sa'yo!" Hindi ko magagawang turuan syang magalit sa mga magulang nya kahit alam kong may pinupunto ang mga reklamo nya.

"Sila ang dahilan kung bakit nawala ako sa kanila!" Napakunoot noo ako sa sinabi nyang iyun.

"What do you mean by that, Amarra?" Minsan nakakalito na ang mga bulalas niy. Pakiramdam ko ay pinipilit nyang alalahanin ang mga nakalimutan nya sa nakaraan kung kaya nasasabi na lang niya iyun tapos ay saka siya magtataka.

"Nakulong ang Daddy mo dahil ipinakulong sya ng Mommy mo nu'ng panahon na isang pustahan lang ang naging dahilan kung paano ka nabuo! Dapat pupunta kayo ng Mommy mo sa pilipinas para doon na kayo manirahan habang nanatiling nakakulong ang Daddy mo sa Seoul Jail pero dahil hindi mo matanggap ay naglayas ka!" Pakisingit na pagkukuwento ni Yoongi na kanina pa palang nakasandal sa pintuan ng kwarto.

Miski ang mga pangyayaring iyun ay hindi ko alam. Kasalukuyan na busy ako sa pag aaral ko sa Europe nang panahon na iyun.

"Alam mo rin po iyun Tito?" Tanong nito kay Yoongi.

"Actually lahat pero kung iisa isahin natin baka pitong taon pa tayo matapos magkwentuhan kaya matulog na kayo!" Sabay pagsara sa'min ng pinto.

"Si Tito talaga!" Bigla syang nahiga at nagtalukbong ng kumot hanggang sa naramdaman ko na lang ang paghumihilik nya.

.
.
.
.

...

AMARRA'S POV.

May kung anong mabigat na braso ang nakapulupot sa bewang ko, pagkagising ko naman ay bumungad na sa'kin ang pagmumukha niya.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon