CHAPTER 16.

27 1 0
                                    

...

YEONJUN'S POV.

Makalat ang bahay nya at isa iyun sa dahilan kung bakit nahihirapan akong mag adjust sa ganitong klase ng pamumuhay nya para sa pang araw araw.

That near fact na walang kahit na anong high technology appliances dito sa kanyang bahay.

"May dala akong pagkain para sa'yo! Kumain ka na dito at ipaghahayin na kita!" Bungad ko sa kanyang pagmulat.

"Ts, Pwedi ba lubayan mo ako Yeonjun! Masama ang pakiramdam ko!" Pagtataray naman agad nya sa'kin.

"Dumudugo ang sugat mo!" Pagturo ko sa balikat nya.

Napaka lampa talaga nya kaya hindi ko na kailangan pang mag expect. Sa totoo lang ay may ibubuga naman talaga ang katarayan nya kaya lang dahilan din yun kung bakit siya nasasaktan.

Sinundan niya ng tingin ang paggagamot ko sa kanyang malalim na sugat. Tuyot na ang antibiotics na ginamot dito at last night pa itong sugat nya.

Hindi nya sinasabi sa'kin kung ano ang nangyari sa kanya.

"Umalis ka na! May gagawin pa ako!" Taboy na niya sa'kin at tumayo na sya.

"Hindi ka ba man lang maliligo or do something para maging malinis ka tingnan?" Pasensya na pero isa sa kalinisan ang pangunahin kong proirity.

Pumunta siya sa kusina at kumuha ng timpladong kape sabay saboy sa'kin. Mainit ito kung kaya't nakaramdam ako ng hapdi sa katawan.

"Ikaw ang maglinis at maligo! Layas!" Matigas nyang baling sa'kin.

Ts, Ang hirap kunin ng loob nya kaya ganito na lang ang pagbabasihan ko para matauhan sya sa kagustuhan ko.

"Concern lang ako sa'yo! Nilinis ko ang sugat mo dahil nag aalala lang ako sa'yo kaya pwedi ba stop for being ignorant!" Saad ko sa kanya na pinagtaasan pa ako ng kanyang kilay.

"Anong nakain mo at nagbago yata ang ihip ng hangin sa utak mo? Nakakalimutan mo yata kung gaano mo sinira ang bawat araw ko sa Global Senior High School? Nakalimutan mo rin yata kung gaano mo sinira ang maliit kong negosyo mula sa Internet hanggang sa School! Baka nakakalimutan mo rin na anak mayaman ka at isinumbat mo rin iyun sa'kin para lang matakot ako sa kaya mong gawin sa buhay ko!" Derektang usal niya sa'kin.

Hindi ko ugali ang humingi ng tawad sa kahit na sino maliban sa Dad ko.

"I'm sorry for that!" Nilalamon ko na yata ang pride ko.

Tinawanan nya lang ako bilang insulto niya sa pagkatao ko.

"Niyayamot mo lang talaga ang araw ko kaya umalis ka na!" Singhal niya sa'kin.

"Alagaan mo ang sarili mo dahil ayokong may na nanakit sa'yo!" Diin ko pa sa kanya bago ako tuluyan na umalis.

Nasa labas lang sina Jacob at Lei dahil sa paghihintay sa'kin pagdiskarte kay Anna but in the end i enjoying this game.

Sino bang na nanalo agad sa simula pa lamang?

.
.
.
.

...

ANNA'S POV.

Anong nakain na naman ng hinayupak na lalaking iyun? May pa-umagahan pa? May Chocolates? May bouquet ng Red Roses?

Nanliligaw ba ang hambog na iyun?

Asa pa... Alam ko na ang istilo nya. Magbabago lang siguro ang pagtingin ko sa kanya kung malalaman ko na siya yung...

Oh hindi!

Dumugo lang ang sugat ko kanina kaya nya nalaman. Imposibleng pag aaksayahan nya ng oras ang isang katulad ko last night.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon