CHAPTER 20.

27 1 0
                                    

...

ANNA'S POV.

Mapapalayas ako sa bahay na tinitirahan ko kung mag iinarte pa ako sa opurtinidad na ibinibigay sa'kin kaya binalak ko na ang makausap si CEO Kim Taehyung.

Swerte din kung maaawa sya sa'kin tapos bukod sa maging Chef's Staff nya ako ay baka kunin nya rin ako bilang Trainee nya. Hindi na masama ang mangarap ng ganun tutal narito na ako sa isang bigating Entertainment Company sa buong Korea.

Papasok na ako sa loob nang eksaktong binuksan ang pinto. Nagulat pa ako kaya napatungo ako sa harapan nya.

"Hello Mr... Ki.. m!" Kahit wala pa syang paanyaya na papasukin ako sa kanyang Office ay agaran na akong pumasok sa loob nito.

Pinantay ko ang nagulong bangs ko at saka ko inayos ang pag upo ko. Napapahipi na lang ako ng hangin paitaas dahil kinakabahan ako sa kanyang sasabihin.

Kung hihingi naman siya ng Sample n'ung mga niluto ko ay mayroon akong maipapatikim sa kanya.

Nakalaan ang araw na ito para magkakilala kaming dalawa.

"Ikaw.." Napakunoo't ang noo ko sa sambit niyang iyun sa akin. Derektang nagkatinginan kaming dalawa ngunit ramdam ko agad na kinikilala nya ako.

Mukhang hindi maganda ang araw na ito para sa pag uusap namin.

Hinagilap nya ako at sabay yakap ng sobrang higpit na ipinagtaka ko naman. Naguguluhan ako sa mga kilos niya.

Umiiyak pa yata siya sa pagtuon ng ulo nya sa balikat ko. Hinahaplos nyang mabuti ang buhok ko sa likuran ko.

"Teka! Ano ba?" Napalakas yata ang pagtulak ko sa kanya dahil napaka layo niya sa'kin.

"Anak.. .!" Sambit pa rin nya.

CEO nga siya pero hindi naaayon sa kilos nya ang posisyon nya dito sa Company na ito. May pagkabaliw din yata ito.

"Hindi mo ba ako natatandaan? Ako ito... Si Daddy! Ikaw ang nag iisa kong Prinsesa!" Saad pa niya na sadyang hindi ko maunawaan.

Ano ba naman ito huh, Mitzy? Bakit sa dami rami ng irerekomenda ng Asawa mo, Dito pa sa CEO na sira ulo at nakakalokong may saltik!

Walang kwenta ang pagpunta ko dito.

"Pasensya na pero wala po akong oras para makipag lokohan sa inyo! Maaari na po ba akong umalis!" Pamamaalam ko na sa kanya.

Humarang siya sa aking dadaanan.

"Kausapin mo ako! Mag usap tayo tungkol sa nangyari sa'yo! Pag usapan natin, Prinsesa ko kung saan ka tumira ng maraming taon! Alam mo ba kung gaano ko pinagdusahan ang pagkawala mo?" Matigas pa nyang giit sa'kin.

"Wala akong alam sa sinasabi mo! Bitawan nyo na po ako! Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yan mga anas nyo pero hindi po ako ang Prinsesa nyo!" Nagpumilit akong pumiglas sa kanya.

Ayaw pa nya akong bitawan ngunit sinipa ko na sya sa kanyang mga paa para lang makabitaw sa akin.

Tumakbo ako palabas at may isa pang lalaki ang nakasalubong ko. Tumilapon ang dala kong sample ng niluto ko kaya natapon itong lahat sa sahig.

"Amarra? Ikaw ba 'yan??" Tinig nito sa'kin.

Hindi ko naman kilala kung sino ang tinutukoy nito kung kaya't pinabayaan ko na magkalat ang natapon kong niluto sa sahig na iyun.

Bakit?
Sino ba ang Amarra na iyun?
Ilan beses kong maririnig sa mga taong iyun ang pangalan na 'yun?

Sino ka Amarra? Bakit ako ay ikaw?
Bakit kailangan magpakilala ni Mr. Kim na siya ang Daddy ko?

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon