CHAPTER 34.

30 0 0
                                    

...

LEI'S POV.

Nakikitira lang naman ako sa bahay nina Kuya Namjoon at Ate Iyah. I'm a serious guy na willing maging K-Idol at Artist ng Big Hit Entertainment Company. Gusto kong sumunod sa mga yapak ni Kuya Joonie kaya lagi kong sinusunod ang gusto niya para sa'kin. Lagi nyang ibinibilin sa'kin na pagbutihin ko ang aking pag aaral at kahit hindi naman niya sabihin sa'kin iyun ay talagang pinangarap ko na rin yun pero may sarili akong desisyon para sa mas ikakabuti ng buhay ko.

"Naka-free style ka yata ngayon Lei?" Tanong ni Kuya Joonie sa pag aayos ko sa suot ko.

"Binata na kase kaya hayaan mo na sya Hon!" Sabi naman ni Ate Iyah na naghahayin na ng umagahan.

Maaga dapat ako sa pagsisilbihan ko kaya kailangan ay bago sya magising ay naroon na ako.

Tumingin na ako sa relo ko at hindi ko na sinagot pa ang tanong ni Kuya dahil nagmamadali na ako.

"Good morning Mr. Kim!" Pagbungad pa lang niya sa'kin sa may pintuan ay binati ko na siya.

Maganda sana ang mood nya dahil kilalang strikto at kakaiba nga daw ang pag uugali nitong si Mr. Kim Taehyung. Nakatitiyak naman ako na nagustuhan nya ang personality ko bilang isang seryosong tinatanggap ang pa-trabaho niya.

"Good morning! Paki-hintay na lang dito si Amarra, bababa na siya!" Pinapasok nya ako hanggang sa dinning.

Kung anong tahimik ko kagabi dito ay ganu'n pa rin ngayon dahil nahihiya akong makipag communicate sa kanilang pamilya.

Popular na tanyag ang pamilya nila kumpara sa ibang bangtan boys dahil sa pagkakakilanlan na rin ng angkan nila, kaya siguro ka-akibat na rin nila ang bawat media.

Humahalimuyak sa aking ilong ang mabangong pagluluto ni Mrs. Kim sa kusina kaya nagugutom ako.

"Amarra! Ano pa bang oras ang balak mong bumaba dito?" Sigaw ni Mr. Kim na nasa kusina para tulungan ang misis nya na maghayin doon.

Larawan ng isang normal na pamilya pero hindi ko rin lubos maisip na si Anna Cheng at Amarra Hae Kim ay talagang iisa ang katauhan.

I'd really don't think it so.

"Yes Daddy! Andyan na po!" Tinig na niya pababa sa hagdanan.

Nagulat siya nang magsalubong ang mga tingin namin.

"Lei??? Narito ka na naman?" Pagtataka nya.

"Halina kayo at kakain na!" Paanyaya ma ni Mr. Kim.

"I'm here for you!" Bulong ko sa tenga nya bago ko siya inunahan sa kanilang hapag kainan. Like what i did last night for her. Ipinag abante ko siya ng upuan dahil simula sa araw na ito ay nabibilang na ako sa pamilya nila.

"Madali lang naman tayo sa Company tapos magkasabay na kayo ni Lei sa pagpasok sa School nyo! May susundo at maghahatid sa inyo dito! Am i clear?" Tanong ni Mr. Kim.

"If you don't mind Mr. Kim, Ako na po ang bahala kay Amarra anytime, I mean hindi nyo naman po kailangan pa ng mga Body guards para mabantayan ng maayos si Amarra!" As i request.

"No! Gusto kong mabantayan si Amarra ng maayos pero hindi lang ikaw!" Diin nya.

"Okay as your say!" Ayoko na makielam. Baka kase ako pa ang pag initan.

"Body Guards? Bakit kailangan mo pang kumuha ng Guards para kay Amarra? Akala ko ba kaya mo kinuha mo itong si Lei ay para sya na lang ang pagkatiwalaan mo na makasama ni Amarra?" Kunoo't noo ni Mrs. Kim.

"Daddy, malaki na po ako kaya hindi ko na po kailangan ng magbabantay sa'kin! Lumaki nga po ako kay Inang Althea na hindi naaalagaan ng mas ..." Hindi na nya naituloy pa ang sasabihin nya.

"Kaya nga lumaki kang ganyan di'ba? Walang nagbigay sa'yo ng tamang pag aalaga! Amarra, iba na ang buhay mo ngayon sa buhay mo n'ung nasa ibang tao ka! Anak kita kaya pinag iingat lang kita! Ayokong mag alala ulit dahil nawawala ka! Ayokong mawala ka ulit sa'min ng Mama mo!" Napalunok ako sa sarili kong laway nang sabihin na iyun ni Mr. Kim.

In other way, i understand him but the way he wanted to be the best Daddy is just over protective.

"Sige po!" Tumungo na lang si Amarra and i hold her hand.

"Andito lang naman ako!" Sabi ko pa sa kanya pero iniiwas niya sa'kin ang kamay nya. Mapait ang ngiti niya, ramdam kong nasasakal siya sa mga desisyon ng kanyang sariling ama.

But what should i do? Nakataya ang pag aaral at ang brighter future ko sa desisyon na iyun ni Mr. Kim para sa kanya.

Pagkakain namin ay diretso na agad sya sa sasakyan. Hindi agad ako nakasunod dahil kinausap pa ako ni Mr. Kim.

"Ano man ang gawin nya, Reported it to me okay!" Tapik nya sa balikat ko.

"Hmm.. Yes Mr. Kim!" Mahinang tugon ko.

"Para sa inyo rin ito kaya ikaw na lang ang pagkatiwalaan ko na mabantayan sya! Don't get me wrong for doing all these to her!" Mariin pa nyang sabi.

"I understand!" Tugon ko pa bago ko sinundan sa sasakyan si Amarra.

.
.
.
.

...

AMARRA'S POV.

Malayo ako sa katabi ni Lei nang makasakay na siya sa sinasakyan ko. Napapa isip lang kase ako kung bakit biglang humigpit si Daddy pagdating sa'kin.

Hindi ako sanay na laging may nakabantay sa mga ikinikilos ko. Laging may nakatingin sa bawat gagawin ko. Ngayon ko lang nararamdaman na talagang nagbabago na nga ang buhay ko. Kung dati rati lang ay pakalat kalat ako sa kung saan saan lugar at eskinita ay biglang naging isang Prinsesang nakakulong na ako sa isang hawla na hindi basta basta mapapakawalan ninuman.

Pagkarating namin sa BigHit Entertainment Company ay maraming Reporters na ang sumalubong sa amin at halos dumugin na nga ng mga tao ang kinasasakyan ko.

Inalalayan ako ni Lei sa paglabas ko kaya hindi na rin ako naka iwas pa sa kanya. Mahigpit nyang hinawakan ang aking mga kamay na para bang sa kanyang sa kanya na ako.

Naiilang ako pero wala akong magagawa pa.

"Matagal ko nang hinahanap ang tagapag mana ng aking mga legacies at Business dito kasama na rin itong BigHit Entertainment Company at sa wakas, sa matagal na panahon na pagkakawalay sa'kin ng aking Prinsesa ay nahanap ko na rin siya! Everyone! Meet my Beloved Daughter! Amarra Hae Kim! None other than my Prinsesa!" Daddy's Introduces.

Hindi ko alam kung masaya pa ba ako o napipilitan na lang ako dahil wala na ako sa mga nakasanayan ko. Feeling ko lutang na lutang ako sa kanila at kulang na lang ay sambahin nila.

Ayoko ng ganito pero wala na akong magagawa pa, hindi ko na ito kayang baguhin pa.

Nasisilaw ako sa mga kamerang kumukuha ng pictures sa'kin kaya napapapitlag ako sa sobrang liwanag ng mga ito. Hindi ako makahinga sa mga taong pinapanood ang isang katulad ko.

Tumakbo ako palabas ng Company at hinabol ako ng mga Body Guards na nagbabantay sa'kin.

"Saan ka pupunta?" Paghila ni Lei sa kamay ko pabalik sa kinatatayuan nya.

"Ayoko na! Gusto kong makahinga ng maluwag! Ayoko na sa ganito! Please ilayo mo ako sa kanila!" Biglang pagtulo ng mga luha ko.

Hindi ko na kase maintindihan pa ang pinaka sitwasyon ko ngayon. Lasap ko ang maginhawang buhay pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari.

"Masasanay ka rin! Trust me!" Paghayang muli niya ng kanyang palad. Paghahayag niya na kinakailangan ko syang pagkatiwalaan.

Nabigla lang ba ako sa iba't ibang mga taong gusto ni Daddy na pakitunguhan ko o sadyang nararamdaman kong nasasakal ako.

Bumabalik sa isipan ko kung paano nya ako ikinulong sa Mansion namin sa Daegu.

"Si Ms. Young!" Bulalas ko.

Kailangan ko syang makita at makausap. Hindi ko alam kung bakit at para saan ang pag uusapan namin pero sa tingin ko ay matutulungan nya ako.

Hindi ko binigyan ng pansin si Lei at nagkaroon ako ng pagkakataon na matakasan sila.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon