CHAPTER 13.

22 1 0
                                    

...

JUNGKOOK'S POV.

Nang habulin ko siya ay wala na sya sa labas ng School.

Nakita ko sina Jin-hyung at ang estudyante kong si Mitzy.

"Sorry, Mahiyain talaga si Anna pero magpapakilala din sya sa'yo soon!" Sambit ni Mitzy. Ibig sabihin ay nakita na ba sya nitong si Jin-hyung?

"Gguk!" Gulantang niya sa paglapit ko sa kanila.

"Sir! Ano po bang sinabi nyo kay Anna? Mukhang bad mood na naman sya! Haisst.. Apektado pa rin sya sa pagkawala ng Inang Althea nya!" Umiiling na saad ni Mitzy.

Inang Althea??

"Althea Cheng ba ang pangalan nang Inang nya?" Kunoo't noong tanong ko sa kanya. Tumugma yung last name ni Anna sa Last Name ni Althea.

Ibig sabihin lamang noon ay si Althea ang nakakuha kay Amarra at siya ang nagpalaki dito. Nabusisi ko rin sa pilat sa noo ni Amarra na lumaki ang sugat nito at may pilat pa rin sya sa kanan na sintido nito.

Naaksidente sya at si Althea ang umaruga sa kanya hanggang sa paglaki nya. Kaya wala rin syang makilala sa amin.

"Yun po ang sabi nya pero hindi ko pa naman po nakikilala ang Inang nya!" Sabi pa nito.

"What a coincedence, Kapangalan nya yung Ex Girlfriend ni Taehyung di'ba?" Nahihiwagaaan na anas ni Jin-hyung.

Ts, Sya na nga iyun.

"May Address ka ba nya?" Tanong ko pa.

"Sir, Masyado na po yatang Private Information ang itinatanong nyo? Magagalit sya sa'kin kapag sinabi ko pa ang Apartment nya!" Angal niya.

"Dapat nga alam namin dahil sa kanya na kami kukuha ng Best Menu natin sa Restaurant!" Inakbayan sya ni Jin-hyung.

"Siya ba yung may ari nu'ng Jjangyeong Noodles with Chicken Nuggets Recipe?" Nagugulat kong baling sa kanila.

Shet.. Ang lapit ko na pala sa kanya n'ung mga oras na iyun pero hindi pa rin ako nag atubili.

Hindi ko na talaga sya pakakawalan pa ngayon. Gagawin ko ang lahat para makilala nya ako.

"Mahiyain nga pala ang Chef natin! Sayang hindi ko man lang nasabi sa kanya na gustong gusto ni Taehyung ang mga Recipe nya!,  Inirecommend ko din sya sa Big Hit Entertainment Company. Malay mo maging Artist din siya doon!" Pamumulsa pa ni Jin-hyung. Nanghihinayang talaga siya kung malalaman nyang iyun nga si Amarra.

Kahit alam ko na kung sino si Anna Cheng ay hindi ko pa rin sinabi sa kanila. Hayaan na muna nila ako sa desisyon kong ito, maiintindihan din nila ako pagdating ng tamang panahon.

Hindi na ipinagkait pa sa'kin ni Mitzy kung saan nakatira si Amarra at pinuntahan ko na agad ito.

Nakarating ako sa isang maliit na Apartment at bukas ang pinto nito.

"Tumigil ka na sa kalokohan mo Yeonjun! Umalis ka na!" Boses niya ang bumungad sa'kin doon.

"Alam mo ba kung gaano ako naiinis sa isang katulad mong hampas lupa? Ganito!" Badyang ihahampas ni Yeonjun ang isang Picture Frame kay Amarra kung kaya't agad ko syang pinigilan.

"Hanggang dito ba naman huh Yeonjun?" Pagpigil ko sa kamay niya at napaatras siya nang bitawan ko siya.

"Isa ka pa? Anong ginagawa mo dito?" Pagtataray ni Amarra sa'kin.

"Nag uusap pa tayo pero tinakasan mo ako!" Singhal ko sa kanya.

"Ano itong scene na ito huh??? Student-teacher? Nakakasuka!" Panhihilura ni Yeonjun na nakakainsulto para sa'kin.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon