CHAPTER 49.

27 0 0
                                    

...

TAEHYUNG'S POV.

Ang tagal ko nang hinihintay ang feedbacks ni Hoseok sa pagpapahanap ko sa kanya kay Amarra at Jungkook pero wala syang panahon para makapag report sa akin kaya ako na lang ang nagdesisyon na mapuntahan siya.

"Where you going Daddy?" Tanong sa'kin ni Tantan na tinapos ang paglalaro sa kanyang Ipad.

"May importanteng pupuntahan lang si Daddy tapos babalik din ako kaya stay ka lang sa side ni Mama at ni baby Aerin huh!" Bilin ko sa kanya at humalik ako sa kanyang noo.

"Yes Daddy!" Natatawa na tugon nya sa'kin.

"Big boy na nga ang Baby Tantan ko!" Panggugulo konsa kanyang buhok.

"Daddy naman eh!" Reklamo niya at nakita kami ni Aina habang pinapatulog ang bunso namin sa kanyang mga bisig.

"Saan ka pupunta?" Tanong agad nya.

"Amh.. Makikipag kita ako kay Hoseok! Hindi na kase sya nakapag report sa'kin tungkol kay..." Pinutol niya ang ipaliliwanag ko.

"Kay Amarra at Jungkook? Di'ba ang sabi ko, hayaan na muna natin sila! Malay mo sila na rin ang magdesisyon na umuwi at bumalik sa'tin!" Pagdudugtong niya at napasinghap ako ng hangin sa kanyang harapan.

"Pag aawayan na naman ba natin ito?" Nilapitan ko sila ni Baby Aerin.

"Eh kase nga..." Usal pa niya na pinigilan ko na sa pamamagitan ng aking paghalik sa labi niya.

"Gusto ko lang na tuparin ang gusto natin dalawa na mabuo ulit tayo bilang isang masayang pamilya! Miss na miss ko na ang Prinsesa natin! Ibabalik ko siya dito ng maayos at saka ko sila kakausapin ni Jungkook kung talaga bang mahal nila ang isa't isa! Gusto kong maging mabuting ama ulit sa kanya!" Bulong ko sa kanya at pinispisan ko ang kanyang dalawang pisngi bago ko binalingan ng halik ang natutulong namin baby Aerin. Nakisalo sa aming yakapan si Tantan kaya lalo kong nararamdaman na si Amarra na lang ang kulang sa ganito kasaya namin pamilya.

Kailangan ko na syang makita at mahanap.

Diretso ako sa kinaroroonan ng bahay ni Hoseok ngayon at nagtaka ako sa kung sinong nagbukas ng pinto para sa'kin.

"Where's Hoseok?" Tanong ko agad sa babaeng ito.

"Mr. Hambog may bisita ka!" Sigaw nito sa kalawakan ng bahay ni Hoseok.

"Tae... hyung...!" Salubong nya sa'kin.

"Sino sya?" Baling ko naman sa kanya.

"Ah.. Sya si Sheena! My... My.. Bestfriend!" Utal na pakilala niya dito.

"Akala ko ba si Seulgi ang best friend mo?" Kunoo't noo ko.

"Halika na nga dito sa loob! Ano bang kailangan mo? Ah tungkol ba sa Prinsesa mo? Nakita ko na sila ni Jungkook pero hindi ko pa mapuntahan!" Saad niya sa panibagong usapan.

"Nasaan ang Anak ko? Nasaan sila?" Bigla akong nasabik na mapuntahan si Amarra sa kung saan man siya naroroon.

"Nalaman ko na tinulungan sila ni Namjoon na manirahan sa probinsya ng Ilsan at..." Hindi ko na tinapos pa ang susunod na sasabihin nya at nagmadali na akong umalis.

Si Namjoon ang tumulong sa kanila na lumayo sa'kin? Bakit? Paano nya nagawa ito sa'min ni Aina?.

.
.
.
.

...

NAMJOON'S POV.

Kinutuban na ako nang mag-missed calls na sa'kin si Taehyung. Alam kong alam na nya ang lahat ng ginawa ko para tulungan sina Jungkook at Amarra sa paninirahan ng mga ito sa Ilsan.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon