CHAPTER 35.

25 0 0
                                    

...

AINA'S POV.

Mainit ang ulo ni Taehyung nang makauwi sila dito sa bahay.

"Dada...!" Tatakbong salubong sa kanya ni Tantan.

"Doon ka sa Mama mo!" Taboy nya sa bunsong anak namin.

"Mahal ko, Ano ka ba? Kung ipagtabuyan mo si Tantan parang hindi mo na kilala! Ano na naman bang nangyari? Nasaan si Amarra?" Sunod sunod kong tanong sa kanya matapos kong buhatin si Tantan.

"Tumawag ka ng pulis!" Pag uutos pa nya.

"May nasabi po sya kanina na Ms. Young! I don't know who is she but i think she's related in her past!" Kasunod na rin niyang dumating si Lei.

"Si Yngrid! Pupuntahan nya si Yngrid!" Magmamadali na sana syang umalis pero hinarangan ko sila sa kanilang dadaanan.

"Walang aalis hangga't hindi nyo ipinapaliwanag sa akin ang mga nangyayari!" Pagmamatigas ko sa kanilang harapan at natural na namay-awang pa ako.

"Umalis si Amarra sa kalagitnaan ng pagpapakilala ko sa kanya sa mga Empleyado ko sa Company!" Giit na paliwanag nya sa'kin.

"Umalis? Baka kase pinagkaguluhan sya doon! Hindi iyun aalis kung wala syang dahilan! Hayaan mo na muna!" Sabi ko.

"Seryoso ka Aina? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Anak natin yung basta na umalis sa mismong Company natin tapos gusto mong pabayaan na lang?" Nahihiyawan na nya ako ngayon dahil sa pagiging istrikto niya pagdating kay Amarra.

Naaawa ako para sa anak ko dahil parang nawawalan na sya ng kalayaan simula nang mapunta siya sa amin pero ayokong salansangin ang mga desisyon ng Mahal ko dahil parehas ko silang mahal at ayokong mamagitan sa kanilang dalawa.

Pamilya kami at isang magandang ihemplo para sa iba ngunit ang hindi nila nalalaman ay parang matutunaw na ako dito dahil sa hindi ko na maintindihan ang mga nangyayaring ito sa amin.

Umalis at bumalik man si Amarra ay palala ng palala ang pagbabago ng Mahal ko. Hindi na siya ang Kim Taehyung na minamahal ko.

"Mas mabuti po, Tito kung ako na po muna ang bahala kay Amarra! Pupuntahan ko po siya sa kung saan man po sya naroroon!" Pagsingit nitong si Lei na kanina lang ay Mr. and Mrs. Kim ang tawag sa'min.

Hindi lingid sa kaalaman ko kung ano ba ang papel niya sa buhay ni Amarra ngunit nararamdaman ko rin na gusto siya ni Taehyung para sa anak namin kaya ganiyan na rin ang pagsusumikap niya na magpa bida sa pamilya namin.

Sobra na kung mangyayari man iyun.

"Iuwi mo agad siya dito sa ayaw man o sa gusto nya, naiintindihan mo?!" Matigas na bilin pa ni Taehyung bago ito nagmadaling umalis.

Didiretso naman siya sa itaas at inilapag ko naman si Tantan sa floor mat.

"Taehyung sandali nga! Kausapin mo ako!" Paghila ko sa kanyang kamay pero ibinalya nya ako kaya umiyak si Tantan.

"Nasasaktan mo na ako nang dahil sa pagiging mahigpit mo kay Amarra, ganu'n ba?" Sampal ko agad ang tumama sa pagmumukha nya para matauhan siya sabay buhat ko ulit kay Tantan para patahanin ito.

"So.. rry, Nabigla lang ako!" Natauhan na saad nya at hinahagilap kami ng pagyakap pero umiiwas ako.

"Ipinapaalala ko lang sa'yo na Asawa't Anak mo kami, Taehyung! Isa tayong buong pamilya na dapat masaya pero kung laging magkakaganito ka dahil hindi namin nasusunod ang gusto mo baka mas mabuting magkabukod bukod muna tayo!" Mariin kong diin sa kanya at rumaragasang tumulo ang mga luha ko.

"Mahal ko, Sorry!" Paghabol niya sa'min ni Tantan.

"Da.. Da!" Utal pa ni Tantan.

"Pag isipan mong mabuti ang mga kilos mo dahil hindi lang kami ang nasasaktan mo! Miski si Amarra ay gusto nya rin maging malaya! Sa tingin mo ba matutuwa pa syang bumalik sa'tin kapag ganyan ka sa kanya? Kulang na lang talian mo sya para hindi na makaalis sa tabi mo! Dalaga na sya at sinasakal mo sya sa mga desisyon mo! Tayo ang mga magulang nya kaya ituring natin sya sa pagiging mabuting anak niya para sa'tin!" Derektang paliwanag ko pa sa kanya.

"Mahal ko naman kayo kaya nga ginagawa ko ito para sa ikakabuti natin di'ba?" Baling pa nya sa'kin.

"Ilugar mo naman sana dahil habang tumatagal hindi ka na namin maintindihan pa!" Pagtalikod ko na sa kanya at kami ni Tantan ang umakyat sa kwarto nang sa ganoon ay mapatulog ko na rin ito.

Naging mapulang pasa ang balya niya sa kamay ko at inaamin kong nasaktan talaga ako kaya napapa iyak na lang ako dito.

.
.
.
.

...

A Short >FLASHBACKS<

JUNGKOOK'S POV.

"Pakakasalan mo si Lizhel kung ayaw mong tanggalan kita nang Mana!" Pananakot na tinig ni Mama.

Narito sila sa bahay ko, kaharap nila ako ni Lizhel at Papa. Direkta nila akong kinausap para lang sa walang kwentang Engagement na naganap sa mismong Birthday ko kamakailan lamang.

"Go! Just do it Ma! Ganyan ba talaga ang gusto nyong gawin sa'kin pagkatapos kong tuparin ang lahat ng gusto nyo para sa'kin kahit na hindi nyo ako tinatanong?!" Baling ko sa kanila.

Mahal ko talaga si Amarra at kaya kong ipagpalit ang lahat ng meron ako ngayon para sa ikaliligaya ko sa kanya kahit na alam kong napaka laking sakripisyo nito.

"Pagkatapos nang lahat ng mga naitulong namin sa'yo, susumbatan mo kami ng ganito?" Pagsampal ni Papa sa akin.

Agad naman pumagitna si Lizhel para mapigilan si Papa pero nahuli na sya.

"Tito tama na po!" Sambit niya.

"Ito ang gusto nyo? Okay fine!" Pagtalikod ko na sa kanila.

"Iiwanan mo ang lahat ng mga bagay na meron ka para lang sa batang iyun huh Jungkook?" Tanong pa ni Mama sa pagtalikod ko.

"Hindi na sya bata! Kahit kailan hindi nyo ako narinig na magreklamo sa bawat pagdedesisyon nyo para sa'kin, Sya lang ang hinihiling ko na makasama kaya please pagbigyan nyo na ako!" Sabi ko pa.

"Jungkook makinig ka na sa Mama at Papa mo! Hindi ang batang Amarra na iyun ang nararapat para sa'yo!" Diin pa sa'kin ni Lizhel na pinipigilan akong umalis.

"Mas gugustuhin ko pang itakwil nila ako kaysa sa magpakasal sa isang katulad mong manggagamit ng pagkakaibigan para lang magustuhan!" Diret to the point as i said it again.

"Simula ngayon ay wala ka na sa Pamilya natin! Kapag umalis ka dito, siguruhin mong hindi ka na babalik pa dahil hinding hindi ka na namin pa kikilalanin pa!" Sigaw ni Papa sa pag alis ko.

Pigil ang mga luhang nais kumawala sa'kin kalooban dahil kayang kaya nilang magtakwil ng anak para lang sa isang sapilitan na kasalan nais nilang mangyari.

>FLASHBACKS ENDS<

"Aray!!" Tumama siya sa braso ko at tumalsik nang hindi ganun kalayuan sa aking dinadaanan.

"Amarra!" Gulantang ko sa pagkakita ko sa kanya at itinayo ko siya.

"Jung.. kook!" Ganu'n din ang pagkagulat nya. Hinihingal siya at para bang may tinatakasan.

"Okay ka lang?" Haplos ko sa pawisan nyang mukha nang sarili kong panyo. Kaagad din iyun dahil sa pag aalala ko sa kanya.

"Naliligaw na yata ako! Kailangan kong mapuntahan si Ms. Young! Gusto ko syang maka usap!" Nanginginig na rin ang tinig nya.

"Relax ka lang okay! Andito na ako! Sasamahan kita!" Agad kong pinispis ang likuran ng kanyang palad at saka hinawakan ito ng mabuti.

Napansin kong may umaaligid sa pagmasid sa kinaroroonan namin kung kaya't pagkahawak kong mabuti sa kanyang kamay ay hinatak ko na sya patakbo. Makalayo man lang kami doon.

Malayo-layo na nga kami nang wala na ang mga sumusunod sa'min kaya palakad lakad na lang kami sa paroroonan namin.

"Pinaghihigpitan ka na ba nila?" Tanong ko agad sa kanya.

"Gaano ba ako kahalaga sa kanila para tratuhin ako ni Dad ng ganito?" Tanong rin ang naging tugon nya sa'kin.

Hindi ko naman malaman ang itutugon ko sa kanya kaya nanahimik na lang ako.

Saka ko lang napansin na malayo na ako sa kanyang tabi nang tawagin nya ako.

"Ggukie!" Sambit niya sa tawag nya sa'kin sa kanyang mga sulat n'ung kabataan niya.

Nabasa na nya ang mga sulat niya sa'kin o naaalala na nya ako.

Nanghihina siya sa kanyang pagod kaya pinasan ko na siya sa aking likuran. Malapit na rin kami sa kinaroroonan ng bagong bahay nina Yoongi.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon