CHAPTER 28.

24 1 0
                                    

...

YEONJUN'S POV.

Isang bisita ni Dad ang bumungad sa akin bago ako dumiretso sa School.

"Mabuti naman at naisipan mo na bisitahin kami ng kapatid mo?" Tinig ni Dad sa kanyang kausap mula sa kinaroroonan nila sa kusina.

"Nakulong ang Best friend ko dahil sa pagnanakaw niya ng pitaka kay Ms. Lizhel Uy!" Hindi ko siya mabosesan dahil hindi ko naman siya nakikilala pa.

Lumabas na ako sa aking pinagtataguan mula sa giliran ng division hall. Namulsa ako sa paglapit sa hapag kainan.

"Hindi lawyer si Dad kaya bakit sinasabi mo ang problema mo sa kanya, Kilala ka ba nya? Business Partner or What?" Matigas kong salansang sa kanya.

Hinarap nya ako ng isang mapagmataas na babae, Sa mga matalas pa lamang na tingin niya sa akin ay alam kong hindi siya papatalo sa'kin.

Tinawanan nya ako ng isang patapon na katawa tawa.

"What's funny? Hmm?" Napataas tuloy ang aking noo sa kanya.

"Big Brother ka na rin pala ngayon! Ang laki mo na!" Sabay yakap niya sa akin na hindi ko agad matanggap kaya naitulak ko siya.

"And who are you?" Nagtataka pa talaga ako.

"I'm your Half Sister from Japan! Dianne Do Hirumaya!" Miski pakikipag kamay ay hindi ko tinanggap.

"Siya nga ang kapatid mo Yeonjun! Siya ang panganay kong anak sa isang Japanese na G.R.O bago ko pa nakilala ang Mama Althea mo!" Nakakagulat na paliwanag ni Dad sa akin.

Napakunoot ang aking noo sa nalaman ko. Tingnan nyo nga naman, May Ate pa pala ako tapos ang inakala kong Half Sister ko ay si Amarra Hae.

That near fact na kamuntikan ko na nga syang maging Half Sister kung napakasalan lang ni Dad si Tita Aina but then kasing gulo ng buhay nya ang nangyayari ngayon sa pamilya ko.

"Okay!?" Yun na lamang ang naging tugon ko at saka ako tuluyan na umalis. Usapan nilang mag ama iyun kaya ayoko na maki epal pa.

.
.
.

"What?? Seryoso ka? Hiwalay na kayo ni Anna Cheng?" Gulantang ni Jacob sa sinabi ko. Mas ikinagulat pa nya iyun kaysa sa una kong sinabi na dumating ang Half Sister ko na nagmula sa Japan.

Nasa Classroom lang kami at naghihintay sa panibagong Teacher namin ngayon. Nag resign na nga pala si Sir Jeon Jungkook.

"Not exactly but i don't care about to her right now!" Inis kong sabi.

"What did you do to her?" Halatang concern itong si Lei.

"Wala na akong oras pa para sa kanya! Do you think, guys i am seriously in love with her? I am just playing my game!" Paikot ikot kong nilalaro ang ballpen ko sa papel.

"Hindi mo pala ako mahal pero bakit nagpakita ka pa sa'kin ng kabutihan mo? Bakit pinatuloy mo pa ako sa sariling bahay mo?" Tinig niya sa aking likuran.

"Owh.. Finally you're here!" Namulsa ako sa harap nya.

"Anna!" Salubong sa kanya ni Mitzy pero tuwid na tuwid ang kanyang pagtitig sa akin.

Ni-hindi niya ipinapaling sa ibang dereksyon ang pagtingin sa'kin. Gusto niyang marinig ang mga paliwanag ko kaya pagbibigyan ko siys hanggang sa mabingi siya sa masasakit kong salita.

"Sa tingin mo magkakagusto talaga ako sa isang katulad mong hampas lupa? Patay na patay sa atensyon ng ibang tao? Social climber na gagawin ang lahat para lang magkaroon ng mga bagay na meron ang ibang tao? At higit sa lahat ay mang aagaw!" Matigas kong sabi sa kanya at pinagtinginan kami ng buong kaklase namin.

Miski sila ay inaabangan ang iba ko pang sasabihin at matinding eksena na ito sa pagitan namin ng Amarra Hae na ito.

Napapaling sa kaliwa ang mukha ko nang sampalin nya ako.

"Wala akong ginawa sa'yo at alam mong minahal kita!" Dagdag pa niya.

"Minahal? Mahiya ka sa sinasabi mo Amarra! Ginagamit mo ang iba mong pagkatao para maging kaawa awa kang tingnan sa ibang tao! Manggagamit ka!!" Diin ko pa sa kanya.

"A.. marra??" Napa-atras siya sa kanyang kinatatayuan sa pagkagulat sa aking nasambit na pangalan.

"Ano bang sinasabi mo dyan huh Yeonjun?" Pagtataka pa nina Jacob.

"Yes She is Amarra Hae! Ginamit nya lang ang pangalan na Anna Cheng dahil sa tunay kong Ina!" Paglilinaw ko pa.

Hindi magkamayaw ang nagbubulungan ng mga kaklase namin dahil sa mga sinasabi ko.

"Tunay mong ina? Anak ka ni Inang Althea?" Nagugulat pa nyang tanong.

Mabuti naman at hindi pala sya bobo. Tumutulo ang mga luha niya sa akinf harapan at labis ang kanyang pagkalito.

"Masisisi mo ba ako kung bakit sinuklian ko ng pakikipag laro ang pagmamahal mo sa'kin? Kinuha mo ang lahat sa akin! Yung Mama ko! Yung atensyon ng isang ina na matagal ko nang kailangan at ikaw ang may kagagawan kung bakit hindi nya ako nakilala! Ikaw! Ikaw!!!" Sigaw ko pa sa kanya at dahil sa panggagalaiti ko ay napapa suntok ang kamao ko sa Arm chair na nasa harapan ko.

Ipinagpaltukan ko pa ang ibang gamit na mahagilap ko at sadyang hindi ako nagpa pigil sa mga narito.

"Hindi!! Hindi totoo yan! Tumigil ka na Yeonjun!" Pag iling niya sa amin harap.

"Anong nangyayari dito?" Bungad sa amin ng bagong Teacher namin.

Babae na ngayon ang bagong Teacher namin.

Padabog kong kinuha ang aking bag at sinipa ko ang madaanan kong Arm chair bago ko tinigilan sa kinatatayuan si Amarra.

"Ayoko nang makikita ang pagmumukha mo!" Matuwid kong baling sa kanya bago ko sya tuluyan na nilampasan.

Nawawalan na ako ng ganang mag aral dito sa korea, Gusto kong lumayo. Gusto kong ibsan ang pagka inis ko.

Pagka uwi ko naman muli sa bahay ay naroroon pa rin ang diumano'y Half Sister ko from Japan.

"As i promise to you Dad, Hinahanap na namin ang Anak nya!" Narinig ko ulit ang tinig nya.

Sa pagkaka intindi ko sa kanilang pag uusap ay si Amarra rin ang hunting nito. Lahi na nga yata namin ang magalit sa pamilyang Kim.

Bwisit kase sila sa aming buhay pero iba ang plano ko. Tapos na ako kay Amarra at sa kung sakali na magkikita kami ng Dad nya ay wala na rin akong pakealam pa sa kanila.

Naka ganti na ako at kahit hindi pa sapat iyun para sa hustisya sa pamilya namin ay sila na ang bahala doon.

"Bumalik ka na sa Japan! Hindi magugustuhan ng Lolo mo kung malalaman nyang narito ka sa akin poder!" Pagtataboy ni Dad sa kanya.

Sa Japan? Tama...

"Pero Dad!" Utal pa nito.

"Kung gusto mo talagang makatulong sa'kin ay aayusin mo na ang buhay mo! Wala na akong pakealam pa kina Taehyung! Itigil mo na rin ang paghihiganti na sinasabi mo para sa kanila! Lalo lang tayo malulubog nyan!" Pagbabagong isip pa ni Dad.

"Hindi ba ito naman ang gusto mo?" Kunoo't nito.

"Hindi na sa ganitong paraan! May sakit na ako! Nanghihina na ang lahat ng mga negosyo ko dahil sa maintenance ko kaya please Diane ayusin mo na ang buhay mo!" Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabing iyun ni Dad.

Lalo lang nyang idinidiun sa akin na pamilya kami ng talunan.

"Bumalik ka na sa Lolo mo!" Taboy pa nya.

"If you want Ate Dianne, Ako na lang ang babalik sa Japan para sa'yo! Gusto kong makilala ang Step Grandpa ko!" Pagsingit ko sa kanilang patuloy na pag uusap.

"Yeonjun!" Nagtaka si Dad sa biglaan na desisyon ko.

"Akala ko ba nag aaral ka?" Taas kilay nito sa'kin.

"Ayoko na dito that's all!" Sabi ko pagkatapos ay tinalikuran ko na sila.

Kapag lumayo ako sa mga taong narito lang sa paligid ko ay baka mas maayos ko rin ang buhay ko at saka ko babalikan si Amarra Hae Kim.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon