CHAPTER 38.

22 0 0
                                    

...

TAEHYUNG'S POV.

Hinila ko papasok sa kanyang kwarto si Amarra habang hindi pa rin siya tumitigil sa kanyang pag iiyak.

"Maraming ibang lalaki dyan na mas nararapat sa'yo kaya hindi mo na sya kailangan pang iyakan ng ganyan!" Matigas kong sabi sa kanya.

"At sino sya Daddy? Sino? Ang kapatid ni Papa Namjoon? Si Lei? Hindi ko sya magugustuhan dahil lang sa gusto mo sya para sa'kin!" Taliwas niyang tugon sa'kin.

"Tigilan mo na ang paghahabol sa kanya! Hindi mo na ba talaga ako bibigyan ng kahihiyan huh? Nagkaka gusto ka sa kabarkada ko lang noon! Anak kita at kahit ilan beses ko pang ipaliwanag sa'yo iyun, alam kong hindi ka makikinig kaya gagawin ko ang lahat para magkahiwalay na kayong dalawa!" Tiningnan ko siya ng tuwid at sabay dinuro-duro na kahit kailan ay hindi ko pa nagawa ito sa kanya.

Sadyang napipilitan lang ako na masaktan ko siya pero kailangan ko itong gawin para matauhan sya sa mga kagustuhan nyang mamagitan sa kanila ni Jungkook.

"Huwag po Daddy! Please po! Huwag nyo na po kaming pigilan! Mahal ko po sya!" Bigla syang yumapos sa'kin bewang at hindi ko malaman kung ano pa ang sasabihin ko para malinawan siya.

Bagkus ay nagmatigas pa rin ako.

"Hindi ka na lalabas sa kwarto mong ito hangga't wala akong sinasabi! Hindi ka na rin papasok sa School mo dahil kukuha na ako ng Tutor mo at dito ka lang sa bahay mag aaral! No phone, No connection, No communications! Umayos ka Amarra dahil hindi ka na bata para paulit ulit ko pang pagbawalan ka!" Patulak ko syang iniupo sa giliran ng kama nya.

"Ganyan po ba talaga ang gusto nyo kahit hindi lang po ako ang nasasaktan nyo? Bakit pakiramdam ko ipinaparamdam nyo sa'kin kung gaano ako ka-walang kwentang anak dahil sa pagkokontrol nyo sa buhay ko? Akala ko po ay ikaw ang pinaka The best na Daddy sa lahat dahil sa pagmamahal na ipinapakita nyo sa'kin kahit hindi ko kayo maalala sa pagkabata ko! Yun pala ginagamit nyo lang din ako para sa mga negosyo nyo!" Derektang usal pa niya at dahil doon ay nasampal ko siya.

"Hindi kita ginagamit at alam mong totoo ang pagmamahal ko sa'yo Anak! Gusto kong ibalik ang lahat ng samahan natin sa dati pero binabalewala mo na ang pagiging Daddy ko sa'yo! Hindi mo na pinapahalagahan ang mga sakripisyo ko para sa'yo! Mahal kita Prinsesa ko! Mahal na mahal kita kaya ayokong mawala ka sa'min ng Mama mo! Hindi pa ako handa na mapunta ka sa kung kanino lang! Masyado ka pang bata para makipag relasyon!" Paliwanag ko naman sa kanya.

"Hindi naman po ibang tao si Ggukie! Alam ko naman po ang mga ginagawa ko! Kung gusto nyo pong bumawi sa'kin, kahit payagan nyo na lang po si Ggukie na makita nya ako! Gusto ko po syang makasama kahit isang beses lang, Daddy!" Riin niyang paki usap sa'kin at namumukto na ang kanyang mga mata sa pag iiyak.

"Ayoko! Hindi masama ang mga desisyon ko para sa'yo at ako ang Daddy mo kaya ako ang masusunod sa pamamahay na ito!" Tinalikuran ko na sya.

"Daddy! Please! Daddy!!!" Kumakatok siya sa loob ng pintuan nang kwarto niya habang ini-lock ko sya sa labas.

Pinahihirapan nya lang lalo ang sarili nya nang dahil kay Jungkook. Naiinis ako dahil nalalamangan nya ako sa mismong sarili kong Anak at sadyang natural na lumalalim ang sama ng loob ko sa kanya dahil binago niya si Amarra.

Binago nya ang pakikisama sa'kin ng Prinsesa ko. Kinaya na akong suwayin ng Amarra ko dahil lang sa kanya.

"Buksan mo ang pinto, Taehyung!" Derektang utos sa'kin ni Aina na nakita pala ang pag padlock ko sa pintuan ng kwarto ni Amarra.

"Hindi na sya nakikinig sa'kin kaya para saan pa kung kakausapin mo sya?" Matigas kong baling sa kanya.

"Nakikita mo ba ang pinag-gagagawa mo sa kanya? Anak natin sya at hindi isang ibon na ikukulong mo dito! Akala ko ba nagkalinawagan na tayo? Sinisira mo lang lalo ang sarili mo sa kanya! Lalo ka nyang kamumuhian! Buksan mo ang pinto!" Tumataas na ang boses niya sa'kin.

"Da.. da! Bukas mo pinto, Ate!" Paghila ni Tantan sa laylayan ng Shirt ko.

"Hindi na talaga kita maintindihan, Teahyung! Wala na sa lugar ang paghihigpit mo!" Pagkabukas ko ng pinto ay pumasok na sila loob at pabalyang pinagsarahan ako ng pintuan.

"Ate....!" Nasulyapan kong nilapitan siya ni Tantan.

"Oh.. Bunso!!" Kahit papaano ay masigla nyang sinalubong ang kapatid nya at ang Mama nya.

Nalulubog na ako sa kahihiyan na ginagawa ko pero buo pa rin ang desisyon ko para sa kanya.

.
.
.
.

...

YOONGI'S POV.

Agad namin isinugod ni Jungkook sa pinaka malapit na Hospital si Yngrid matapos nitong mawalan nang malay dahil sa pag eeskandalo ni Taehyung sa mismong bahay ko.

Halos magngalit ang mga ngipin ko sa panggagalaiti ko sa ginawang iyun ni Taehyung. Wala na ba talaga syang delikadesa para eskandaluhin ang Anak nya sa bahay namin ng Asawa ko.

Wala rin nagawa si Jungkook para pigilan pa si Taehyung na makuha si Amarra sa kanya at iyun rin ang ikinakainis ko. Pakiramdam ko ibang tao na ang tingin sa'min ni Taehyung kaya ginagawa niya iyun kay Amarra.

"Wala naman bleeding na nangyari sa kanya, Medyo tumaas lang ang blood system nya kaya siya nawalan ng Malay, Actually ganyan talaga kapag nasa First stage ng pregnancy! Baka sa susunod mas malala pa dyan ang paglilihi nya!" Paliwag ni Dansei na siyang na-assign para maging Obgyn Doctor ni Yngrid.

Saka lang kami nakahinga ng maluwag ni Jungkook pero nababakas ko pa rin sa kanya na hindi lang si Yngrid at ang baby namin ang inaalala nya.

"Puntahan mo na si Amarra!" Tapik ko sa balikat nya.

"Para saan pa kung paulit ulit lang na guguluhin kami ni Taehyung! Hindi ko sya kayang isabak sa isang labanan na wala akong sandata! Si Taehyung ang Daddy nya at alam natin parehas kung gaano sya makapangyarihan ngayon habang ako..., Heto.. Talunan at itinakwil ng sariling mga magulang!" Pagtutukoy nya.

"Hindi sa pagiging mababa mo lang ang basehan kung gaano mo kagustong makasama si Amarra! Hindi mo ba sya narinig habang kinukuha sya ni Taehyung sa'yo? Mahal ka nya! Gusto ka nyang makasama kaya huwag kang parang sira ulo dyan na basta na lang susukuan si Amarra! Ikaw na ang nagsabi, Itinakwil ka na ng sarili mong mga magulang nang dahil sa kanya kaya wala ka na rin babalikan pa!" Kung ako lang siguro ang nasa sitwasyon nya baka matagal ko na rin inupakan si Taehyung para matauhan ang gag*ng Daddy na iyun ni Amarra.

Alam kong magiging isang Ama na rin ako pero magka iba kami ni Taehyung at sisiguraduhin kong sa lugar ng kinalakihan namin kami lang magkaka parehas. Hinding hindi ko tutularan ang pagpapa laki na ginagawa nya sa mga Anak nya lalo na pagdating kay Amarra.

"Jungkook!" Pagtawag ko pa sa pag alis niya.

"Gagawin ko ang sinabi mo!" Sambit niya.

"Bago iyun! Catch!" Ipinasalo ko sa kanya ang Black card na meron ako.

"Kailangan nyo ni Amarra 'yan! Balitaan mo ako kung hanggang saan kayo makakarating!" Hiyaw ko pa sa kanya. Mabuti naman at nilakasan na talaga nya ang loob nya.

Humawak ang kamay ni Yngrid sa kamay ko kaya sa kanya na nabaling ang atensyon ko.

"Sinusulsulan mo pa kase!" Baling nya sa'kin.

"Itinuturo ko lang ang mga ginawa ko noon para makasama ka! Anyway okay na ba ang pakiramdam mo?" Taliwas ko naman sa kanya.

"Gusto ko na agad umuwi! Gusto kong kumain ng Chili paste at Rramyeon kimchi! Pwedi bang ipagluto mo ako ng Seafoods na may spicy noodles? Gusto ko din ng sushi at sweet carrots!" Nakakagulat na mga hiling nya.

Ganu'n siya ka-seryosong maglihi?

"Ahm.. Baka mas mabuti kung oorder na lang tayo kay Jin-hyung ng mga gusto mong pagkain!" Saad ko sa kanya.

"Gusto ko na ikaw ang magluto!" Diin niya.

"Yngrid naman! Pahihirapan mo pa ako?" Baling ko sa kanya.

"Kung ayaw mo, edi huwag!" Pagtatampo naman nya.

"Oo na! Sige na!" Haisst..

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon