CHAPTER 17.

29 2 0
                                    

...

HOSEOK'S POV.

Sa dami rami nang pweding gawin sa buong buhay ko, Yun pa talagang sunugin ang bahay ko kung saan nakatira sina Yoongi at Yngrid at ako pa rin mismo ang nag iimbistiga sa pagkasunog nito.

Tsikk...

Hindi simpleng pagkasunog lang sa kusina ang pinag ugatan nito. May sumadya. Posibleng alam nila na may tao sa loob kaya sinunog ito.

Hindi kaya? Ako rin ang sadya nila?

May naalala ako sa posibilidad na gumawa nito sa'kin.

"Dianne Hirumaya! Next target natin sya! Kababalik lang niya dito sa Seoul pagkatapos ng maraming taon na nagtago sya sa lolo nya sa Tokyo Japan! Most Wanted siya dito at marami na ang nakapagsabing Agents na magaling ito sa Blackmagics! Isa siya sa mga Gang Leader ng Aces Yakuza kung saan ang Lolo nya ang pinaka pinuno! Bukod sa kailangan natin syang mahuli dapat malayo tayo sa mga taong kakilala natin dahil hindi niya tayo gagantihan sa sarili natin bagkus ay sa mga taong malapit sa'tin!" Paliwang ni Chief Inspector.

Pinalitan ko si Yoongi sa pagiging Excutive Agents nya sa Police Agency matapos nyang magbitiw sa posisyon nya. Na-promote ako at napabilang sa FBI Agents. Tumaas ang range ko kaya kailangan kong maprotektahan ang mga taong malapit sa'kin kaya lumayo muna ako.

Kilala ko na si Dianne dahil ilan beses ko na sya nahuhuling nagnanakaw sa Convinience Store. Ilan beses ko na rin pinakawalan dahil sa pagka inosente niya at akala ko ay magbabago siya.

Nagkamali ako. Sinunog niya ang bahay ko dahil sa galit nya sa'kin.

"Hindi ka na makakatakas sa'kin ngayon Dianne Hirumaya!" Panggagalaiti ko sa ginawa nya sa bahay ko.

Kinuha kong mag isa ang mga gamit ko sa nasunog kong bahay, baka kase may pwedi pang gamitin.

May narinig akong kaingayan na papasukin ang bahay ko kung kaya't nagtago ako.

"Nakita mo na ang ginawa mo Dianne? Big Girl ka na nga talaga! Kaya mo na pala magsunog ng bahay na hindi sa'yo!" Tinig nang isang lalaki na kasamahan nito.

"Ayoko kase sa lahat yung pinakekealaman ang buhay ko! Bwisit na bobong Agent yan!" Insulto niya sa pagkatao ko.

"Matutuwa si Dave kapag nalaman nyang binubuhay ng kanyang anak ang grupong ipinamana nya sa kaniyang Unika Hijah!" Tinig pa nito.

Si Dave? Hindi ako nagkakamali sa narinig ko.

"Ts, Iisa isahin kong lahat ang Bangtan Boys at ipaparanas ko rin sa kanila ang ginawa nila sa mabuti kong Ama! Inuna ko na itong Epal na si Jung Hoseok. Nalaman ko rin na si Min Yoongi pala ang nakatira dito kaya tapos na ako sa kanya! Isusunod ko si Kim Taehyung, Humanda siya sa'kin!" Matigas nitong sabi.

"Alam mo bang nawawala ang Panganay na anak nang Kim Taehyung na sinasabi mo!" Intrisado sila kay Amarra.

"Mabuti! Kailangan ko lang ng ilan Impormasyon para sa panganay nila at madali na sa'kin ang tapusin ang misyon na ito!" Malapit na siya sa kinaroroonan ko kung kaya't lalo akong nagsumiksik sa bingit ng tagong closet.

"Anong pangalan nang panganay ni Kim Taehyung?" Naudlot siya sa paglapit at binalikan ang kanilang posisyon kanina.

May kung anong hinahalughug sila sa aking pamamahay. Mabuti na lamang at nasaayos ko na ang iba pang importante sa mga gamit. Sa gayun ay wala na silang mahahalungkat pa.

"Malay ko! Umuwi na muna tayo, mukhang napag iwanan na ng mga imbistigador ang gamit dito! Tara na!" Paghila sa kanya n'ung lalaki.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan na silang umalis sa bahay ko.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon