CHAPTER 58.

22 1 0
                                    

...

YEONJUN'S POV.

F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D...!

6 Months Later.

She's wearing a blue dress. Simple lang naman ang kasuotan niya para sa engrandeng okasyon para sa amin dalawa.

"Congrats Amarra! Mauna na akong bumati sa'yo!" Salubong ko sa kanya pagkarating namin.

"Abah sa'yo din!" Matipid niyang bati sa akin sabay himas sa lumalaki niyang tiyan.

"Malaki na ang anak anakan ko ah! Paano ba yan, Ako na ba talaga ang Dad nyan?" Pagbibiro ko pa sa kanya pero ngumiti lang siya sa'kin.

"Huwag ka ngang loko dyan, Naririnig ka ni Baby Jung... Ah.. Aray!!" Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi niya dahil sa impit ng sakit na idinadaing nya.

"Okay ka lang ba, Anak?" Pag alalay na sa kanya ni Tito.

"Okay lang Dad, medyo malikot si Baby sa loob ng tyan ko! Sumisipa sya!" Natutuwa pa talaga sya kahit nasasaktan na siya.

"Sinabi ko naman sa'yo na ako na lang ang kukuha ng Graduation Certificate mo, Ayaw mo pa!" Diin ko sa kanya.

Finally kase ay nakatapos na talaga kaming dalawa sa pag aaral kahit naging mahirap para sa kanya ang isabay iyun sa kanyang pagbubuntis.

"Kinaya ko naman at saka malakas ang kapit sa'kin ni Baby!" Himas pa ulit niya sa tyan nya.

"Oh Anong balak mo ngayong tapos ka na sa pag aaral mo huh Amarra? Marami rami pa rin ang binabayaran namin gastos nang Dad mo!" Baling sa kanya ni Tita Aina.

Walang patid sa Oras si Tita Aina sa pagpapa alala kay Amarra na kasalanan nito kung bakit nalulubog sila sa utang. Gusto ko naman tumulong pero alam kong mapapahiya sa akin si Amarra kaya sa simpleng bagay na lang ako bumabawi.

T'wing check up nya ay ako ang kasama nya. Ibinili ko na rin ng baby stuff ang Anak anakan ko at kung sakali na Birth date na niya ay sasagutin ko na rin ang gagastusin sa Hospital. Every month may secret allowance akong ibinibigay kay Amarra pero dahil sekreto nga ay kay Kuya Hoseok ko na lang ipinapabigay para sa kanya.

Ayokong isipin nya na binibili ko ang atensyon nya kaya gano'n na lang ang ginagawa ko.

Tulad nang sinabi ko noon ay babawi ako sa nagawa ko sa kanya.

"Mag aapply po muna ako sa mga may Vacant positions na Company! Makakatulong na po ako sa inyo Ma!" Paglilinaw nya.

"Hindi mo naman kailangan pwersahin ang sarili mong magtrabaho! Mas mahalaga na makapag pahinga ka para maging malakas kayo ng Baby mo!" Sabi pa ni Tito.

"Tuturuan mo pa yan ng katamaran!" Gigil ni Tita.

"Aina pwedi ba!" Salansang na sa kanya ni Tito.

"Oh bakit? Mali ba ako sa mga sinasabi ko sa kanya bago ito nangyari sa kanya? Nasa kanya rin naman ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhay natin!" Sumbat pa ni Tita.

"Sumusobra ka na!" Baling pa sa kanya ni Tito.

"N'ung sinasabihan kita dati ng ganyan, Naisip kong mali ka pero n'ung magka leche leche na ang pamumuhay natin, Saka ko lang naisip na tama lang pala na pinagbabawalan mo siya! Kasalanan niya ang lahat ng ito!" Mariin pang sumbat ni Tita.

"Tama na po Tita! Hindi naman po ginusto ni Amarra na mangyari ito sa inyo! Lalo na yung pagbubuntis nya! Nahuli lang po ako ng dating kung kaya hindi ko nalaman kung sino ang gumahasa sa kanya! Huwag nyo naman po syang sisihin ng ganyan! Kahit anoman po ang nangyari, Anak nyo pa rin sya at Apo niya ang dinadala nya!" Pagsingit ko sa usapan nila.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon