CHAPTER 12.

20 1 0
                                    

...

ANNA'S POV.

Pagkalibing ni Inang ay nagpatuloy ako sa pag aaral ko. Iyun kase ang huling pangako ko sa kanya. Magtatapos ako sa pag aaral ko kahit wala na siya pero hindi ko maiwasan maapektuhan sa pagkawala nya.

Wala akong gana sa pag aaral kung kaya't wala akong maintindihan sa First Class namin kay Sir Jeon.

Lalabas na sana ako kaya lang ay pinigilan nya akong lumabas. Naiilang din kase ako sa panay na pagtitig niya sa pagmumukha ko.

"Where... are you going?" Nanginginig ang tinig niya.

"Excuse me Sir pero may kailangan pa po akong gawin!" Naalala ko na magdidilever ulit ako ng lulutuin ko pa mamaya sa isang mataas na Company.

Inirecommend daw ako n'ung Manager ng Jihan's Restaurant sa kaibigan nila, Ayon iyun sa nasabing good news sa'kin ni Mitzy pagkatapos ng libing ni Inang at dahil doon ay nabawasan naman ang pagdadalamhati ko.

Bukod sa pag aaral ay gusto kong libangin ang sarili ko sa pagluluto, hindi para makalimutan si Inang kundi maibsan man lang ang pag iisa ko sa buhay ko.

"No! I'm not done!" Umiwas siya ng tingin nang tingnan ko siya ng tuwid.

"Okay fine! Bukas na lang natin ituloy ang klase ko! And you Ms. Cheng, I need you to talk!" Hinila na nya ako paalis sa Classroom na iyun.

Nagtataka at nalilito ako sa biglang paghila nya sa'kin pero hindi ko alam kung bakit hinayaan ko syang kaladkarin ako palayo doon.

Sa Faculty nya ako dinala at kami lamang ang tao doon.

"Kaila..." Gusto ko na talaga umalis.

Hinila niya ang balikat ko pasandal sa pader at sinundan ko ng tingin ang pagpatong ng kanyang mga palad sa aking giliran na pinagsasandalang pader.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa gamit ko habang niyayakap ko ito.

Kailan lang ay siya yung humahabol sa'kin na tinaguan ko lang tapos ngayon ay ganito naman ang ginagawa niya sa'kin.

Sino ba siya sa akala niya? Bilang isang guro ay dapat alam niya kung hanggang saan ang lemitasyon niya.

Patatawarin nya ako kung sakali na kung ano ang gawin niya sa'kin ay baka masapak ko siya.

Hindi ako pinalaki ng Inang ko para lang maging duwag sa mga ganitong pagkakataon.

"Si... r??" Nagpapakumbaba pa rin ako sa kanya.

Kumunoot ang noo niya habang pinagmamasdan ang pagmumukha ko. Para bang may hinahanap siya sa buong awra ng aking mukha, hindi ko lang matukoy dahil sa totoo lang ay hindi ko siya makilala.

Itinaas niya ang bangs ko at balak nyang hipuin ang pilat sa noo ko.

"Ano ba Sir?" Malakas kong tulak sa kanya kaya napadistansya siya sa'kin.

"Gusto ko lang malaman kung naaksidente ka na ba nu'ng bata ka pa?" Masyado naman yata syang Curious sa buhay ko.

"Pakealam nyo pa?" Singhap ko ng hangin sa kanyang harap.

"Nagtatanong lang!" Ang lakas ng loob nyang magtanong sa'kin tapos ngingisian nya ako ng isang nakakaloko.

May hitsura naman siya. Okay sige, Gwapo na nga siya kumpara sa mga Teachers dito na lalaki at mukhang ginagamit nya yata ang pagka-karisma niya para magpapansin sa mga estudyante nya dito.

Napansin ko na sya kaya siguro'y matutuwa siya kung malalaman nya iyun pero hanggang doon lang iyun. Sa akala niya ay makukuha nya ako sa tingin, ts.... Wala akong panahon sa manyak na katulad nya.

One Step Closer. (JEON JUNGKOOK FANFIC) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon