"Gaga ka!"
Sigaw ni Luna at binatukan ako.Hindi ako nagpatinag at kumain lang ng kumain.Kwinento ko kasi sa kanya yung nangyare saamin ni Shanele kagabi,kaya talak nanaman sya ng talak.Andito kami ngayon sa canteen at kumakain dahil break time namin sa second lecture.
"Ba't ginawa mo yun?!"Sigaw ulit nya at binatukan ulit ako.
Natapon yung pagkain sa kutsara ko kaya tumayo ako at napaigting yung bagang.Huminga ako ng malalim para hindi ko sya masaktan.
"Tumahimik ka at wag mo akong gaganyanin kung gusto mo'ng may kaibigan ka pa"Sambit ko at kinuha yung salad ko, naglakad papunta sa BIRAN para doon kumain.
'Di ako makakain ng maayos putcha!'
Pagkadating ko doon isang tao lang yung nandodoon.
"Aga..."Bulong ko.
Naglakad ako papalapit sa upuang malayo sa kanya.Naramdaman kong may lalapit saakin sa unahan kaya napatingin ako doon.It was Aga wearing a forced smile.Umirap ako at bumuga ng hangin,bumaling ulit sa pagkain ko.
"What do you want?"Walang ganang tanong ko.
Magsisimula na sana akong kumain pero hindi ko pa man naisusubo yung pang-isang subo..
"Can i sit beside you?"He asked seriously.
Naibagsak ko nanaman yung kutsara't tinidor ko.
"Why?"I asked with a brows furrowed.
Bumuntong hininga sya at ngumiti ng mapait.
"If that's ok with you?"Tanong nya.
Napabuga nalang ako ng hangin at tumango.Naupo sya sa tabi ko dala ang salad nya---lot's of them!Mga nasa limang plastic tupperware.Napakunot yung noo ko pero hinayaan ko nalang.Inonti onti ko na iyong pagkain ko at tumitingala pakalulunok na.
'Mannerism ko na ata eto'
Bumaling ako kay Aga nung hindi nya ginagalaw yung pagkain nya.Nakatunganga lang sya sa unahan.
"Huy.."Tawag ko sa kanya at tumagilid para tignan sya.
Nakita ko sa peripheral vision ko na may naka-black na hoodie doon'g may dalang pistol.Hindi ko iyon tinignan pero sigurado na ako kung sino iyon--Si Stuart.
"Pagkabilang ko ng tatlo dadapa ka.."Bulong ko kay Aga.
Natingin naman sya saakin ng nagtataka at gumuhit yung labi nya ng 'bakit?' na word.Sinuklian ko iyon ng guhit din sa labi at sinabing 'trust me' ng walang tunog. Nagumpisa na akong magbilang ng walang tunog and before we know it naka dapa na sya sa baba nung may dumaang bala.Amba pa sanang magpapaputok si Wart ng isa pang bala pero tumakbo ako malapit sa kanya at itinaas yung baril.
"Never thought of going to hell Ms.Lo?"Sarkastikong sambit nya.
Siniko ko yung ilong nya kaya napabitaw sya sa baril at napaupo sa sahig.Itinutok ko sa kanya yung baril without any hesitation.
'Nagkakamali ka ng binangga Stuart..Nagkakamali ka'
Itinapon ko sa direction ni Aga yung baril at nasalo naman nya iyon.Lumuhod ako para magkakevel na kami ni Wart.
"Never underestimate a girl,Honey"Sambit ko bago tumayo.
Iniabot saakin ni Aga yung pistol kaya kinuha ko iyon at pinaikot sa kamay bago ilagay sa bulsa ng palda ko.
'Legal bang gumamit ng baril yung taong yun?'
Tumigil kami ni Aga sa harap ng classroom na para bang walang nangyari.Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.Pumasok na din si Aga at dumiretso sa kanyang upuan.
BINABASA MO ANG
See you again,my love(First Love Never Dies Series #1)
ActionIsa si Alex sa mga taong naipit between papa nya or mahal nya sa buhay. Namatay ang papa nya sa pakikipagtransaksyon sa droga at nakita nyang may iniwan itong sulat kay Stuart na sinasabing dapat silang ikasal. Nabigla pa sya kasi meron syang minama...