37

8 13 0
                                    

Sinundan ko si Lauhd papasok ng master's bedroom na tumatalon-talon doon habang nakangiti.Ngumisi ako at umupo sa bandang gilid nya.

"Mommy..Mommy..."at hinila hila nya ako paakyat sa kama.

Umiling ako bago sumunod sa kanya sa taas.Pinatalon talon nya ako doon kaya wala akong nagawa kundi makitalon na din.Sobrang saya ng bata kaya pati ako napapangiti.Biglang may kumatok sa pinto kaya tumigil ako at sinenyasan si Lauhd na wait ng dalawang kamay ko.Talong parin sya ng talon habang ako papalapit na sa pinto.

"Lex...Lex..."Dinig kong boses ni Luna sa labas.

Binuksan ko iyon at tinaasan sya ng kilay habang tatanaw tanaw sa magkabilang gilid nya.Tinulak nya ako papasok at ni-lock ang kwarto.Taka ko syang tinignan at pinagtagilidan sya ng ulo.Bumaling sya saakin ng hinihingal.

"Ano?Anong nangyayari?"Taas kilay kong tanong.

Humahangos pa sya habang nakahawak sa dibdib nya.

"S-Si Edward...h-hinahanap ng FBI"aniya kaya napakunot ang noo ko.

"Ano nanaman ang ginawa ng gunggong na iyon?"Kunot noong tanong ko.

Si Edward ay ang anak ng Bestfriend ni Ate Amanda pero since busy sila sa mga pinag-gagagawa nila sa buhay eh iniwan nila saakin,kamalas malasan naman na gago ang batang iyon...kaya nag-hire ako ng yaya.

"Anong ginawa ng taong yun sa yaya nya?"Kunot-noong tanong ko.

"P-Pinukol daw sa ulo...Namatay"tsk tsk tsk.

"Bantayan mo yan si Lauhd at pupuntahan ko si Edward"pagkasambit ko noon lumabas ako sa kwarto at dire-diretso sa labas.

"Hoy,Hoy.."Ang taenang boses ni Stuart.

Tumigil ako sa pag-lalakad pero hindi sya hinarap kaya sya na mismo ang pumunta sa harap ko.

"San ang punta mo?"Ngiti nya na parang normal lang ang lahat.

"May pupuntahan akong importante,please stay out of the way"Nagmamakaawang sambit ko.

Nandilim naman ang mata nito.baliw ba to?

"Saan.ang.punta.mo"Diin nya pero ngumiti ulit.

Umikot ako bago sya tignan ng matalim sa mata mismo kaya nasindak sya.

"Pwede ba!"pagkasambit ko non at tinabig ko sya at kinuha sa back pocket ko ang susi.

Naglagay muna ako ng helmet bago sumakay sa Ducati ko.Nakalimutan kong itali ang buhok ko kaya nung makalayo layo ako kaunti ay tumayo ako paunti unti sa likurang bahagi ng motor at binalance iyon.Nakapatayo na ngayon ang Ducati ko at nakikita ko ang mga taong nagpipicture o vid at mga naagaw ko ang pansin.Itinali ko ang buhok ko at tumalon para makaupo ulit sa motor at pinaharurot iyon sa bahay nina Ate Nori.Nung makarating ako doon walang ano ano tinulak ko ang dalawang pinto kaya awtomatikong nahulog iyon sa sahig.

"Edwaaaarrrddddd!!!"Sigaw ko.

Agad na lumabas si Edward at naglakad papalapit saakin habang nagniningning ang mata at nakangiti ng malawak.Kunot-noo kong pinagmasdan ang maamo pero gagong mukha nya.

"Ano nanamang ginawa mo kay Yaya Toning?!"Sigaw ko kaya nawala yung mga nagniningning nyang ngiti.

Ngumisi sya at humawak sa kamay ko.

"Namiss na po kasi kita eh.."Sambit nya at patalon talong naglakad habang hawak ang kamay ko papuntang kwarto nya."kaya i have to take one for the team"Aniya at pinaupo ako sa higaan nya.

May kung ano syang hinalungkat sa drawer nya at nung hindi nya iyon nakita lumipat sya sa kabilang drawer at may kinuha sya doong sobre na hindi ko alam.Bumaling sya saakin at nginitian ako ng malawak bago ibigay ang sobre.

"What's this?"Taas kilay na tanong ko habang binubuksan ang sobre.

Dear Diary,

Day fifty one of not seing my first
ever nanny/bespar/tita Alex...Kahit maloko ako diary namiss ko parin iyon hehe...Grabe yung hinarap nun para lang patunayan sa mommy ko na kaya nya akong alagaan at may lambot ako kahit papaano... Fifty days of not seeing her?I can't do it...Nanny Toning was good too but she doesn't know martial arts and kuntaw's so she's so boring....Anyway,i hope i'll see you again Tita Alex...

—xoxo Love
Edie

After kong basahin iyon alam ko nang may kiliti din pala ang batang ito.Tinignan ko sya ng nanunukso kaya sumimangot sya.

"Y-You should b-be happy that i d-did miss you"Sambit nya at tumalikod pa kunyare.

See you again,my love(First Love Never Dies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon