Chapter 6

317 14 1
                                    

4 months later...

Ria's POV

"Rianna! Ria, Ria! Riannaaaaa" Ate said while tapping my face and shaking my shoulder to wake me up.

"Hmmm? Ano?" I said in a sleepy tone.

"Nasa baba na si Lory nagaantay sayo." at lumabas na siya ng kwarto ko.

Agad na akong pumunta sa banyo at naligo. Bumaba ako at nakita ko siyang naka upo sa sofa habang nagseselpon.

"Ang aga mo ata?" I said and went to her to give her a hug. "Good morning."

"Good morning, oo so that I can make sabay with you to eat breakfast." She said.

"Conyo! Ano inaantay mo dyan? Tara na tomjones na akez." at hinila siya papunta sa dinning area.

After namin siya nakilala, naging parte na siya sa grupo namin. At ako ang pinaka naging close niya. Nakilala na namin ang family niya, ganun din siya sa amin. Malapit lang pala ang bahay namin sa kanila, since wala akong kotse palagi niya akong dinadaanan dito kasi malapit lang din naman ang Shop namin sa Office niya. Naging close niya na rin si ate Pops, which is good.

Habang kumakain kami biglang dumating si Dad.

"Daddy, good morning!" I said and gave him a kiss on the cheeks.

"Good morning Tito!" Lory said and gave Dad a hug.

"Good morning sa inyo. Ria, tawagan mo ang sqaud mo at magdinner tayo dito mamaya. I have to announce something." Dad said.

"Okay po," I said as I finished my meal. "Magbibihis lang ako saglit ah? Tapos gora na tayo." sabi ko kay Lory, she nodded.

After I change my clothes, bumaba na ako at nagpa alam kela ate.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Lory at sumakay na ako sa kotse. Nung na settled na kaming dalawa ay pinaandar na niya ang sasakyan.

Habang papunta kami sa shop tinawagan ko isa-isa ang mga kaibigan ko para sa dinner namin mamaya.

"Sa tingin mo, para saan kaya yung pa dinner ni Dad mamaya?" I asked her

"Siguro gagawin ka ng manager."

"Malabo yun, bago palang si Aya sa position na yun tapos papalitan agad?" Yes, si Aya ang manager ng Shop ngayon. And I'm really happy for her. She deserves it. She works so hard naman to be in that position.

Nung dumating na kami sa shop. Before ako lumabas I thanked him.

"Kita kits mamaya." I said.

"Susunduin nalang kita dito para sabay na tayo pumunta."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Excited nga ako eh."

"Syempre excited ka, nandun crush mo eh."

"Gago, umalis kana HAHAHAHA"

"Minumura mo ako? Isusumbong kita kay Miguel ta mo. Gudbay." sabay labas ko ng sasakyan.

Oo, crush niya si Miguel at ako lang ang may alam. Ewan ko ba dyan, napaka weird. Pagpasok ko ng shop agad nila akong binati.

"Ate Ria, may flowers ka po dun sa locker room. Pinabibigay ng isang customer dito." Matthew said. Isa sa mga waiter dito sa shop.

"Sino daw nagbigay?" I asked

"Uno daw po."

"Okay, thank you." he nodded in return and went back to his business.

Uno, matagal ko nang manliligaw. I already told him that I'm not into relationships. He insist to court me. To show his love for me daw.

"Sana all ginahatagan ug flowers." (Sana all binibigyan ng flowers) Aya jested.

"Buang, mura sab kag way uyab." (Sira, para ka namang walang jowa) I said and laughed.

"Hay nako, pagdali na dira para mapulihan nako nimo diri sa counter." (Bilisan mo na dyan para mapalitan mo na ako dito sa counter.) She said and left the room.

Work is done!!!

I'm in my locker room. While changing my clothes I heard a knock.

"Ria, pagdali na dinha. Naa na si Lory sa gawas." (Ria, bilisan mo na dyan. Nasa labas na si Lory.) Aya said.

"Hapit na, ingna siya kadali lang." (Malapit na, sabihin mo sa kanya sandali lang.) I replied.

__

Lory's POV

Nandito ako ngayon sa Coffee Shop nila Ria. Kakatapos lang ng meeting ko at agad na kong dumiretso dito.

"Malapit na daw siya, sandali lang daw." sabi ni Aya na kakalabas lang sa locker room.

Habang nag-aantay ako, may biglang pumasok sa shop. Ang alam ko sarado na itong shop sa ganitong oras. Isang lalaki, may dalang bulaklak, ka height ko lang ata to, naka formal suit.

"Aya, nadito pa ba si Ria?" tanong ng lalaki.

"Opo sir, nagbibihis lang po. Nagmamadali yon eh." sagot naman ni Aya.

"Sge aantayin ko na lang siya." at umupo ito sa isa sa mga bakanteng upuan.

Ilang minuto pa at lumabas na si Ria sa room. Nilapitan niya si Aya at may ibinulong si Aya sa kanya. Tumango naman ito. Siguro sinabi niya na may naghahanap sa kanya.

Lalapit na sana si Ria sa akin ng bigla itong hinarangan ng lalaking pumasok kanina.

"Rianne," sabi nito at binigay niya ang bulaklak na kanyang dala. "Free ka ba ngayon? Pwede ba kitang yayain magdinner?" tanong nito.

Hindi ako lumapit sa kanilang dalawa at hinayaan ko itong mag-usap muna. Hindi ko na kasalanan kung maririnig ko ang pinaguusapan nila dahil malapit lang sila sa inuupuan ko.

"Uno, may family dinner kasi ako. Hindi ako free, pasensya na. Salamat nga pala dito" at itinaas niya ang bulaklak na hawak niya.

Uno paguulit ko.

"Bukas? Pwede ka ba bukas? Kahit lunch or dinner? Please?" pangungulit nito.

"I don't know eh. I'll text you nalang if kelan ako free. Keri ba yon?"

"Okay, ihatid na kita?" Sambit nung Uno.

Biglang tumingin si Ria sa akin.

"Sorry Uno, may sundo ako eh" at lumapit si Ria sa akin at umakbay. "Si Lory nga pala, Lory si Uno." at hinawakan ko ang beywang niya. Sanay na kami sa ganito.

"Lory." at inilahad ang isang kamay ko para makipag shakehands.

"Uno, manliligaw ni Rianne." tinanggap niya ang kamay ko at nakipag shakehands.

"Sge Uno, una na kami." sabi ni Ria at hinila ako palabas.

Pumasok kami sa kotse at agad niya nilagay ang bulaklak sa likod kasama ang bag niya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko ng mapansin na nawala siya sa mood.

"Oo, medyo nainis lang. Ayaw talaga ako tantanan ng Uno na yun eh."

"May manliligaw ka pala ba't dimo shinare sa akin? Mukhang nagselos pa ang gago nung inakbayan mo ako, di naman tayo talo HAHAHAHA." sabi ko at tumawa.

Tumawa din si Ria sabay sabi "Tangina malisyoso pala yun eh. Kung maka sabi ng 'manliligaw ni Rianne' kala mo sasagutin ko" at tumawa. Natawa na rin ako dahil sa paggaya niya ng boses ni Uno sa pagsabi niyang 'manliligaw ni Rianne'.

Set You FreeWhere stories live. Discover now