Chapter 11

238 12 1
                                    

Ria's POV

Today is the day na aalis kami! It's 3am. I'm at my room, tapos na ako maligo. I'm just checking my things baka kasi may nakalimutan ako. I'm wearing a black turtle neck na fit sa akin at ripped jeans.

I heard my phone rang. Hinanap ko ito sa bag at nung nakita ko na agad kong sinagot ang tawag.

"Good morning Lorraine!" I greeted excitingly.

{Good morning Ria! Paki bukas ang gate please, wala kasi si Manong Loy eh.}

"Okay, coming." the time I ended the call, I quickly ran downstairs and went outside. I opened the gate and let the van in. I closed it back and waited for Lory to come out.

"Hi! Good morning!" She said and gave me a tight hug.

"Good morning! Kumain ka na ba?" I asked

"Hindi pa, I'm hungry na nga eh."

"Halika, samahan mo ako magalmusal." hinila ko siya pa punta sa dining area at pinaupo. Agad ako kumuha ng dalawang tasa at nilagyan ng mainit na tubig. I used to make coffee for Mama, Daddy and Ate, sabi nila masarap naman daw kaya tinimplahan ko rin si Lory. I hope she'll like it.

"Here. Pampainit." and gave her the mug. "I really don't know the exact mixture sa kape mo. Caramel Macchiato lang kasi palagi mong binibili sa shop eh. I hope you'll like it." I said

She took a sip and nodded. "Masarap, mas masarap pa sa Macchiato na inoorder ko." That made me smile.

"Bolera." I said and let out a soft laugh.

I cooked corned beef, pinalaman namin yon sa pandesal at pinares sa coffee namin. After half an hour tapos na kaming kumain.

"Ano tara na?" she asked after namin mababa ang bagahe ko.

"Ma, Dad, Ate, we'll go na." I said and gave each one of them a hug. Lory gave them a hug too.

"Ingat kayo dun, just call us if you have problems okay? Enjoy kayo." Mama for the nth time reminded us. We nodded in response.

Pumasok na kami sa Van. Umupo ako sa what they call "shotgun seat". Papunta kami ngayon kela Dani at Rocco. Ayaw kasi ni Mama na maghiwalay kami ng kotse kaya talagang pinagamit niya sa amin tong malaking van.

"Good morning love birds." I greeted them pagka labas nila sa gate.

"Good morning Lory and Ria!" Dani greeted as she enter the van. I leaned backward and gave her a beso.

"Good morning! Para kayong magjowa na lesbi." Rocco jested as he sat besides Dani. I don't know pero tangina I feel butterflies in my tummy.

I laughed and shook my head. "Siraulo, good morning." I said. Tumingin ako kay Lory sabay sigaw "NEXT STOP! VIVOREE!! YEEEY" sabay palakpak.

__

Lory's POV

Tong si Ria apaka cute talaga parang bata. Nagstart na ako magmaneho papunta kay Vivoree.

"GOOD MORNING MGA BAKLA! NASILAYAN NIYO NA NAMAN ANG KAGANDAHAN KO. I WOKE UP LIKE THIS!" sigaw ni V pagkapasok niya sa van.

"Ang aga-aga ang ingay mo Victor." Ria said annoyingly.

"Aba bastos 'to ah! Hindi ba 'to nakapag almusal at ang pasmado ng bibig? Sa ganda kong ito VICTOR itatawag mo saken? Kaloka."

"Manahimik ka, wiz magingay ang mga kabayo kapag umaga."

"Amp. Balakajan." tumingin ako sa rear mirror at nakita kong naka arms crossed si V. "Lory ilang blocks lang ang bahay ni bebe sa akin." bebe- referring to Ion. I nodded.

"Sanaol may bebe" Ria said sabay pout.

"Oo, wiz magtalk ang walang bebe." V said which made Ria's eye rolled.

After namin sinundo si Ion, sinundo naman namin si Miguel. Papunta na kami ngayon kela Uno, which is hindi nila alam.

"Lory, ibang daan na to ah? Hindi dito ang papunta kela Aga." Migs said.

"Hoy baka hindi ka si Lory ha! Baka kikidnapin mo kami!" V said which made them look at each other. I saw Ria smiled, alam kong pinipigilan niyang matawa.

"Hoy! Asan na ba tayo? Lory akala ko ba matagal mo nang kaibigan si Aga? Ba't parang di mo alam address nila?" Daniella said.

"Talaga bang kababata mo si Aga? Ba't dimo alam bahay nila?" Rocco said

"May isa pa tayong dadaanan." Ria replied

"Sino?" sabay-sabay nilang tanong.

"Secret, walang clue." Ria said and laugh. Tumawa din ako. I looked at them sa rear mirror at lumakas ang tawa ko nung nakita ko ang mga mukha nila na hindi maipinta.

"We're here." sabi ni Ria at bumaba sa van. Naka tingin lang silang lahat sa labas at inaantay kung sino ang lalabas sa bahay na hinintuan namin. Ilang minuto pa lumabas si Uno at hinalikan si Ria sa noo.

"SANA ALL!" sigaw nilang lahat sa likod. Ba't ko ba 'to naging kaibigan? Anlalakas ng boses, parang naka lunok ng mega phone.

Binuksan ni Uno ang pintuan sa likod.

"Si Uno nga pala, dko nasabi sa inyo na sasama siya. Last minute ko na kasi siya nayaya eh." pagpapakilala ni Ria sa kanya.

"Ba't may pahalik sa noo 'teh? Jowawers mo?" V asked.

"Manliligaw." Ria and Uno said in unison.

Aray. Ba't ako nasaktan? Charot

"Ikaw? Tumanggap ng manliligaw? Joke ba yan?" Miguel asked.

"Wiz magtalk ang mga torpe." V and Ria said. "Hanggang tingin ka lang sa crush mo eh!" V added. Pumasok na si Uno sa van. Akala ko tatabihan siya ni Ria pero bumalik siya sa inupuan niya kanina, katabi ko. Hindi naman ako sumali sa competition pero para akong nanalo nung nakita kong tumabi ulit si Ria sa akin.

Pagkatapos naming sunduin si Aga dumiretso na kami kela Paolo

"OH GOODNESS!" sigaw ni Daniella. Tumingin ako sa rear mirror at nakita kong nakatingin siya sa cellphone niya

"Anyare 'teh?" Ria asked at halos dudugtong na ang kilay niya.

"WE ARE DAMN LATE. PAPAGALITAN NA NAMAN TAYO NI PAOLO NETO." she shouted.

"Wag kayo magalala, may dala akong vodka dito. Di 'yon bubuga ng apoy." Aga said. Tangina sanaol. Inilabas niya ang isang box ng vodka na may ribbon.

"Very good ka ngayon Aga ah?" V jested.

"May nagselos ng beri beri light." Ria said. Kinabahan ako bigla sa sinabi niya, hindi nila alam na crush ko si Miguel kasi palagi kong sinasabi na si Aga yung crush ko. Si Ria lang may alam, oo alam kong biased ako.

"Omg, Lory nagseselos ka kay Paolo at Aga? HAHAHAHA kaloka ka girl di sila talo" V said

"Di ako nagseselos no. Loyal si Aga saken. Alam ko yon" maharot na kung maharot. Yon nalang ang alam kong rason huhu.

Nasa labas na kami ng bahay ni Paolo ngayon nagaantay sa kanya lumabas. Nakita namin siyang naglock sa gate kaya binuksan na nila ang pintuan sa likod. Bumaba si Aga at kinuha ang bagahe nito at inilagay sa likuran.

"WHY THE HELL ARE YOU GUYS LATE?" panimulang sigaw niya.

"GOOD MORNING DIN SAYO PAOLO" sigaw namin pabalik sa kanya. Nag eye roll ito at pumasok na sa van. Ba't ang hilig ng mga tao sa paga-eye roll? Talent ba yon? Char, I do that din pala.

Pumasok na din si Aga pagkatapos niya ilagay ang bagahe. Nakita ko si Paolo na nakasimangot sa likod.

"Pare, wag na simangot. Eto oh." binigay ni Aga ang Vodka na dala niya. Nakita kong umaliwalas ang mukha ni Paolo ng makita niya ito.

"Thank you pare. Mahal mo talaga ako" Sabi ni Paolo sabay hug kay Aga with a beky tone. Mga bakla.

Set You FreeWhere stories live. Discover now