Chapter 13

235 14 1
                                    

Ria's POV

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Nandito ako ngayon sa dining area kumukuha ng tubig. Umupo ako sa isa sa mga upuan habang nakatutok sa tubig na hawak ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla nalang ako nagseryoso sa gitna ng tawanan namin. Pagod ba ako? Tanong ko sa sarili ko. Pero alam kong hindi eh, nung nakita kong ang laki ng ngiti ni Lory habang tinititigan si Miguel parang nawala agad ako sa mood. Eh puta ano nagseselos ako? Di naman kami talo.

Habang nagmumuni-muni ako may narinig akong mga footsteps. Lory? Inantay kong magpakita yung bumaba, kung sino man yun sana si Lory. Alam kong siya lang ang may kaya na puntahan ako kapag ganito ako ka seryoso.

"Hey, are you okay?" Uno. Akala ko si Lory, nagkamali ako. Syempre nandon si Miguel eh, di talaga bababa yon.

"Yeah, I'm fine. I'm just tired." I said.

"Then rest, my love. Kami na muna bahala dito sa baba. I'll wake you up if kakain na tayo, okay?" he said and kissed me on the forehead.

Umakyat ako sa attic. Dun ko gusto matulog. Hindi ko sila pinansin at dire-diretso ako naglakad, ni-hindi ko sila nilingunan. Pagdating ko sa taas, may nakita akong naka higa. Hindi ko alam kung sino kasi di ko naman alam kung sinong nawawala dun sa sala, kaya nilapitan ko ito at nakitang mahimbing na natutulog si Lory. Kaya pala di niya ako sinundan sa Dinning, natulog pala siya dito sa taas. Napagod siguro toh ka-ka drive eh. Humiga ako sa tabi niya at ilang minuto pa ay naka tulog na ako.

__

Lory's POV

Nagising ako ng may naramdaman akong yumakap sa likod ko. Tinignan ko ang tiyan ko at may kamay na nakakapit, dahan dahan kong kinuha yun at tumalikod para tignan kung sino yon. Nakita kong mahimbing na natutulog si Ria sa tabi ko at ngayon ay naka yakap na sa sarili niya. Kinuha ko ang kumot sa dulo ng higaan niya at kinumutan ko siya. Hinalikan ko siya sa noo bago ako bumaba.

Pagkababa ko nakita ko si Daniella at Paolo na nagkakantahan habang si Miguel ay nagtutugtug ng gitara. Hinayaan ko silang magkantahan at bumaba ako. Nakita ko si Rocco na naghahanda ng mga sangkap para sa lulutuin niya, si Ion naman ay naghuhugas ng plato habang si Vivoree ay nakaupo lang habang nagce-cellphone.

"Ano lulutuin mo Roc?" tanong ko kay Rocco.

"Sinigang na bat madam. Tamang tama sa malamig na temperatura." nakita ko namang napahinto si V sa pagce-cellphone at tumingin kay Rocco na halos di na maipinta ang mukha.

"Rocco, ayusin mo ulam natin, sinasabi ko sayo. Kahit Fafable ka 'tamo, uuwi ka talagang walang kain." Pagbabanta ni V kaya natawa ako.

"Nahawaan ka ata kay Ria ah? Ba't ang serious mo ngayon?" I jested.

"Malapit na din red days ko, kaloka." he replied. I shook my head while smiling.

"So, ano nga ulam natin?" I asked Rocco again.

"Sinigang, beefsteak, Frittata and Kare-Kare." Rocco said. I noddedin response.

"Rocco, do you have some ingredients for baking ba?" I asked and went to check on the fridge.

"Oo meron, nasa mga cabinets lang, tignan mo." Rocco said while slicing some onions. "Ano ba ibe-bake mo?" Rocco asked.

"Oh, uhm. Sufflè and Leche Flan." I said and smile sweetly.

"Oh okay, may mga ingredients dyan. May isa pang tray ng egg sa cabinet. Baka kulang yung nasa ref kumuha ka nalang don." I nodded in response.

"Asan si Fafa Uno?" V asked out of nowhere. Asan nga ba siya?

"Bakit mo hinahanap bebe?" tanong ni Ion na kakatapos lang maghugas ng plato.

"May kaibigan kasi akong nagbakasyon din dito, kaso sa story niya sa IG may kasama siya. Naka talikod eh pero parang si Uno. Teka, tignan niyo 'toh." sabi niya at binigay sa amin ang cellphone niya. Parang si Uno nga, eto yung suot niya kanina eh.

"Oh goodness, we should tell Ria about this." I said while lifting my two hands up in the air.

"Wag muna, alamin niyo muna kung si Uno talaga yan. Baka kahawig lang yan eh." Rocco said.

"Oo tama si Rocco, confirm niyo muna kung si Uno ba talaga yan. Baka tayo ang magiging rason kung bakit di magka lovelife si Ria pagsinabi natin yan sa kanya eh. Ano ba name ng friend mo bebe?" Ion said

"Mika, Mika Elacion." V replied.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may biglang pumasok. Si Uno.

"Saan ka galing pare?" tanong ni Rocco habang naka tingin lang kami sa kanya.

"Nagikot-ikot lang dyan sa labas." sagot nito.

"Fafa Uno talikod ka nga." sabi ni V, tumingin ako sa kanya.

"B-bakit?" Parang kinabahan siya bigla ah? May tinatago siguro 'toh.

"Basta, may titignan lang ako." Kitang kita kay Uno na nagdadalwang isip siyang tumalikod. Hindi nagtagal, tumalikod rin ito at patagong kumuha ng larawan si Ion na nasa likod ni Vivoree.

"Totoo pala talagang malaki ang pwet mo no?" V jested. Alam kong palusot niya yon para hindi halata. Agad naman akong sumakay sa sinabi niya.

"Tangina V. Uno magingat ka kay Vivoree mahilig yan sa malalaking pwet." sabi ko.

"So malaki rin pwet ko bebe?" Ion asked, V nodded and gave Ion a kiss on the cheeks.

Tumawa si Uno at humarap ulit sa amin. "Hindi pa ba gising si Ria?" he asked.

"Not yet, mahimbing ang tulog eh. Mamaya mo nalang gisingin kapag kakain na." I said, he nodded in response.

"Sge, sa sala muna ako." sabi nito at nagmadaling umakyat. Nung nawala na siya sa paningin namin agad akong tumingin kay V. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at binuksan ulit ang IG para tignan ang story ni Mika. Kinuha rin ni Ion ang cellphone niya at binuksan yung litratong kuha niya. Tinabi nila ang dalawa at cinompare.

"Sabi ko na nga ba eh! Pag etong Unong toh, pinaglalaruan lang si Ria, ta'mo. Masakit manipa ang kabayo." V said angrily. Yeah, si Uno nga yung nasa story.

"Wag tayo magpadalos-dalos Vivoree. Baka kaibigan niya lang yan at sasabihin niya naman siguro kay Ria yan." paalala ko.

"Bakit ka ganyan?" V asked.

"Anong 'bakit ka ganyan'? Sinasabi mo?" I asked.

"Kahit nasasaktan ka na magkasama sila, kahit minsan nagseselos ka kay Uno. Pinagtatanggol mo parin siya. Alam mo ba na may posibilidad na maging kayo ni Ria kapag nawala si Uno sa eksena? Kapag di sila magkakatuluyan. Hindi ka ba matutuwa non?"

"Anong pinagsasabi mo? Ba't naman ako matutuwa? Tsaka anong magiging kami ni Ria? Eh magkaibigan lang naman kami. Tsaka di kami talo noh."

"Lorraine, hindi kami manhid, hindi rin kami bulag. Alam namin na gusto niyo ang isa't-isa." sulpot ni Rocco.

"Nahihibang na ba kayo? Gusto ang isa't-isa? Babae kami pareho no. Eh si Miguel nga crush ko eh. Tanungin niyo pa si Ria." agad na sagot ko.

"Hey, hey. Lory don't use me as panakip feelings ah? I know you have a crush on me when we first met. But not anymore, when you and Ria became close." Sagot ni Miguel na kakababa lang.

"And Lorraine, lalaki din naman ako. Pero na inlove ako kay Ion, so hindi imposible na inlove ka din kay Ria. Madami akong friends na ganyan, dinedeny nila. Pero ang totoo hulog na hulog na pala siya, natatakot lang kung ano sabihin ng iba dahil sa nararamdaman niya."

"Take note of that Lory", sabi ni Miguel at umakyat na ulit pagkatapos niya kunin ang chips sa cabinet.

"Dyan na nga lang kayo, napaka weirdo niyo." sabi ko at umakyat sa taas.

Set You FreeWhere stories live. Discover now