Chapter 17

242 15 5
                                    

Ria's POV

Kakatapos lang ng dinner namin, nagkasundo naman si Dad at Uno.

"Dad, Ma alis muna kami ni Uno. Uuwi ako before 1am." Sabi ko sakanila sabay hawak sa kamay ni Uno.

"Aalis tayo?" Tanong ni Uno, hindi niya alam na pupunta kami dun sa lugar kung saan kami unang nagdate.

"Oo kaya tara na. Bye ma, bye dad." sagot ko sabay hug sakanila.

"Ingat kayo anak!"

Pumasok agad kami sa kotse at sinuot ko yung seatbelt.

"Saan tayo pupunta?" Uno asked.

"Gusto ko ulit pumunta dun sa kung saan yung first date natin."

"Dun sa open space?" I nodded in response.

Ilang minuto pa ay dumating na kami sa lugar, bumaba kami at pumunta dun sa puno kung saan niya nilagay yung carpet dati.

"Miss mo na dito?" Tanong niya.

"Oo, tsaka gustong-gusto ko dito." He nodded and silence enveloped us.

"Gaano mo ako ka mahal?" Biglang tanong ko.

"Super mahal. I can't measure my love for you."

"Hindi mo ba ako sasaktan?"

"Hinding hindi my love."

"You know, you're my first. And takot ako masaktan, just please don't break my heart. Everyone trust you, so I'll trust my heart to you. Please be gentle with it." I said while holding the necklace he gave me.

"I will, wag ka matakot di kita sasaktan. Nangako ako sa family at mga kaibigan mo na hinding-hindi kita sasaktan. I won't break that promise."

"Thank you, my love. Then you can have my yes na." I said and smiled at him.

"What?! Seryoso na yan? Wala nang bawian Ria ha?" He said while pointing at me.

I let out a small laugh and said "seryoso, walang bawian."

"My gosh! I love you, my love! Thank you for the chance. Thank you for the yes. Thank you for everything!" He said and hugged me tight. I hugged him back and kissed him on the cheeks.

"I love you too." I said while we are swaying even though there's no music.

__

Lory's POV

I really don't know what time it is na. I'm still at my office reading some reports and proposals.

Kelan pa ba to matatapos?

If you're asking about dun sa gala naming tatlo, oo nagkatips kami at nagpakalasing ako pero di hadlang ang hangover, pumasok pa rin ako. Coffee lang katapat nun. Napag-usapan namin yung tungkol sa nararamdaman ko kay Ria.

~flashback

"Eto sinasabi ko sayo Lory. Kung umamin ka lang sana, hindi ka sana masasaktan ng ganto." V said.

"Masasaktan ng ganto? Nahihibang ka na ba? Edi masisira din pagkakaibigan namin? Alam ko naman na di yon papatol sa akin eh. Masaya na siya with Uno. At ayoko masira ang kasiyahan niya." I said as I drank another glass of vodka.

"Tama na yan Lory, you of all the people should know na may pag-asa maging kayo. The way you look at each other says a lot. Mas nauna pa kaming maka halata sa inyo eh. Baguio days pa lang Lory, alam na namin." Dani said.

"Let's go home na. May trabaho pa tayo bukas. Pupunta nalang kami sa office mo bukas Lory para may companion ka. Tama na naka ilang shots ka na, more than 10 I think." V said.

Set You FreeWhere stories live. Discover now