Chapter 12

230 14 3
                                    

Ria's POV

It's currently 6am. At nagugutom na po ako.

"Stop over muna tayo. Breakfast muna tayo. Nagugutom na ako eh." I said and pouted.

"Ako din, stop over muna tayo." I heard Daniella said.

"Sge saan niyo gusto kumain?" Lory asked.

"Libre mo madam Lory?" V asked.

"Hindi noh! La kong pera Vivoree. Dapat ikaw yung manlibre kasi kanina ka pa naka kalabit kay Ion."

"Anong connect sa pagkalabit at libre madam?"

"Dko din knows eh. So saan nga?"

"JOLLIBEEEEEE!!!" I said excitingly.

Kaya naghanap kami ng malapit na Jollibee branch. At nung nakahanap kami, nagpark na si Lory at agad na kaming bumaba. Ansakit na ng pwet ko kakaupo eh. Pagkalabas namin agad kong niyakap ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin na tumatama sa katawan ko.

__

Lory's POV

Pagkatapos kong e lock ang van, nakita kong nakayakap si Ria sa sarili niya. Alam kong giniginaw ito dahil malamig ang simoy ng hangin. Hinubad ko ang jacket na suot ko at lumapit sa kanya para ibigay sana ito. Kaso naunahan ako ni Uno, sinuot niya kay Ria ang jacket na dala-dala niya. Ouch. Hindi ko alam pero medyo nasaktan ako.

"Naunahan ka. Masakit ba?" biglang sulpot ni V.

"Tangina ang ingay mo. Sabing di kami talo eh" at umalis na. Nawala ako bigla sa mood, hindi ko alam kung nainis ako or nagalit. Gutom lang siguro 'toh. Sabi ko sa sarili ko.

Habang kumakain kami, magkatabi si Ria at Uno habang katabi ko naman si Paolo at si Aga naman sa kabila. Hindi ko napansin na nilalaruan ko na pala ang pagkain ko habang naka tingin sa kanilang dalawa na nagsusubuan ng Peach Mango Pie.

"Masakit ba, Lory?" tanong ni Paolo sa akin.

"Ang alin?" inosenteng tanong ko.

"Wag kami Lorraine. Di kami bulag at manhid." biglang singit ni Aga.

"Pinagsasabi niyo? Kumain na nga lang kayo." at nagpatuloy na ako sa pagkain.

"Di mo kami maloloko." pahabol ni Aga at tinapos ang kinain niya.

"Lory, gusto mo ako na magdrive? Baka kasi pagod ka na." Tanong ni Paolo.

"Pre wag na, di yan mapapagod no. Katabi kaya niya si Ria don" Pangungulit ni Aga

"Ang ingay niyo. Manahimik nga kayo, kaya ko pa Pao. Okay lang, salamat" sagot ko.

__

Ria's POV

Dumating na rin kami sa wakas! Medyo malayo siya. 3 storey yung bahay, may bonfire sa likod. Sa first floor yung kitchen at dining area, may bar counter din ito. Sa second floor naman yung malaking sala at may 3 kwarto dito.  Tinignan ko isa-isa ang mga kwarto, same lang silang lahat ka laki. Ang pagkakaiba lang is yung beds. Sa first room isang king size bed, sa second naman may tatlong single size bed at sa third room may dalawang double size bed. Umakyat ako sa pangatlong palapag at nakita ko ang mga foam sa sahig with blanket and pillows. Parang nagcacamping yung peg, sa harap ng mga foam may malaking window na makikita mo ang labas. Nasa attic pala ako, ang ganda dito. Bumaba ako at nakita ko silang lahat sa sala.

"So, ilang kwarto meron sa taas?" tanong ni Ion sa akin.

"Dun tayo, walang kwarto dun. May mga foam na nakalapag sa sahig, yung ala camping style. Mas bet ko dun sa attic. Tapos may malaking window na tamang tama para makita natin ang mga fog sa labas." kwento ko. "Tsaka di tayo makakasya sa mga kwarto. Isang kwarto lang ang may tatlong beds. Ang isa naman dalawa lang at yung isa pa, isang bed lang meron." pageexplain ko.

"Sge gusto ko yun, sa attic na lang tayo para magkakasama pa rin tayo." Miguel said.

"Wait a minute. You said there's a malaking window. What if while we are asleep there's a manananggal?" Lory said. Napaka conyo talaga.

"Walang manananggal. Ayaw daw nila sa mga lugar na may conyo." V said which made us laugh.

"Wag ka magalala babes, nandito naman ako. Tatabihan kita sa pagtulog." Aga said.

"Ang harot. Di ako naniniwalang tatabihan lang sa pagtulog." Miguel said. Tumawa kaming lahat.

"Miguel! Gago yung utak mo talaga." Rocco said while laughing.

"Si Rocco at Daniella lang pwede magtabi sa pagtulog. Boys and girls magseseparate." I said in a serious tone. Napahinto sila sa pagtawa at tumingin sa akin. Halatang nagulat sila sa tono ng pananalita ko. Pumunta ako sa baba para kumuha ng maiinom.

__

Lory's POV

Nung hindi na namin na kita sa hagdan si Ria agad akong tumingin sa kanila. Kitang-kita sa mga mukha namin ang pagtataka dahil sa tono ng pananalita ni Ria kanina.

"Anong problema nun?" tanong ni Dani. Kahit ako hindi ko alam eh.

"Baka malapit na red days niya? Ambilis magiba ng mood eh." V said.

Nakita kong bumaba din si Uno. Parang I want to stop him. Gusto ko ako ang pupunta kay Ria.

"May nagselos ng beri beri light." biglang sabi ni V. "Di ko sinasabing si Lory yon, pero parang ganun na nga." pahabol niya.

"Pinagsasabi mo? Why naman ako magseselos?" agad na tanong ko. Bakit nga naman?

"Kasi mahal mo na siya." sabi ni Aga.

"Crush ko si Miguel." matipid kong sagot.

"Pero mahal mo si Rianne." sagot agad ni Dani.

"Di kami talo. Straight kami pareho." I said.

"Sino niloloko mo bhe?" V said
Dko sila maintindihan. Bigla-bigla nalang nila akong tatanungin kung masakit ba, kung nagseselos ako. Mga weirdo.

Umakyat ako sa attic at humiga sa isa sa mga higaan dun. Ilang sandali pa ay nakatulog ako ng hindi ko namalayan.

Set You FreeWhere stories live. Discover now