Chapter 19

223 17 2
                                    

Lory's POV

It's been what?! Days? weeks? months? I don't really know. Subsob na subsob na ako sa trabaho punyeta. Bumibisita naman sila V at Dani kapag may time sila, minsan si Aga at Migs ang pupunta dito na may dalang pagkain.

Habang nakatutok ako sa laptop, may biglang kumatok sa pintuan ko. Maybe si Avina? Di naman kasi kumakatok sila Vivoree kapag pumupunta sila dito. Ang bastos diba? Bigla-bigla nalang pumapasok.

"Come in." I said while still looking at my laptop.

"Ma'am andito po si Mrs. Sanchez." Avina said.

"Papasukin mo, and ibigay mo ito kay Yesha please. Sabihin mo sakanya need ko ng original copy nyan, you can go." I said and handed her the folder.

Ilang minuto pa ay bumukas na ang pinto.

"Wala ka bang plano umuwi Lorraine? Ilang araw kana dito? Nagweeks na nga ata eh. Paano ka natutulog? Dyan sa maliit mong couch? Ang kain mo? Walang nagluluto sayo, ano puro kana lang deliver? Puro fastfood?" Sunod-sunod na tanong ni Mama.

"I miss you too ma." I said and gave her a tight hug. "Ma, wag ka magalala, okay naman ako dito. And the couch, na eexpand yan. Yung pagkain ko, minsan dinadalhan ako ni Dani ng mga lutong bahay niyang pagkain. Don't worry mama, I have a lot of friends who helps me and take cares of me. After nito, uuwi ako promise." I explained and made a cross on my chest.

"Hay nako, hindi ko na talaga alam anong gagawin sayo. Puro ka nalang trabaho, ayaw mo naman magpatulong sa kuya mo. Paano ka magkaka-asawa niyan? Anak, gusto ko na magka-apo." She said.

"Mama you're weird, ano ba talaga sadya mo dito? Anong asawa't apo pinagsasabi mo? Alam mo namang wala pa yan sa mga plano ko sa buhay eh."

"I'm not weird, I'm just stating a fact. You're not getting any younger Lory. Hindi tatagal magaasawa ka rin. Kailangan mo yon, paano na kapag wala na kami ng papa mo? Sino magaalaga sayo? Gray will have his own family too, kaya hindi ka na niya maaalagaan dahil may pamilya din syang kailangan atupagin."

"Mama, may hindi ba kayo sinasabi sa akin? And hindi pa kayo mawawala ni papa. You will live 100 years with me here." I said and hugged her tight, again.

"Hindi natin yan alam anak. Ang Diyos lang ang may alam, malay mo bukas makalawa wala na kami ng papa mo-" I didn't let her finish.

"Mama, wag ka nga magsalita nang ganyan. You're so nega. Aren't you happy na binisita mo ako?" I said with annoyance.

"Hay, basta anak ha? Wherever your happy, dun ka. I know you love Ria, kaya if you have the chance to be with her grab it okay? I want you to be happy." she said.

oh, she knew? Ganon na ba talaga ka halata? How? Wow.

"Wag mo na isipin paano ko nalaman. I'm your mom, of course I know. Mother knows best and all. You know, when you brought Ria sa bahay. I saw how happy you are and yung ngiting nakita ko nung araw na yon, matagal ko nang hindi nakikita sayo. Lalo na ngayon na nalaman mong may jowa na pala siya, palagi ka nalang naka simangot." Pahabol niya.

"Ma, I don't know what to say. I'm shocked, I didn't expect that." I said habang naka tutok sakanya.

"Basta, gawin mo lahat para makuha siya. I want you to be happy. At alagaan mo ang sarili mo, okay?" I nodded in response.

"I love you mama." I said and gave her the tightest hug and kissed her on the cheeks.

"I love you too anak, I need to go na. Please wag mong pabayaan ang sarili mo, kumain ka sa tamang oras at magpa hinga ka. Okay?" she said

"Yes mama, ingat ka always. Hug mo nalang ako kay papa. I'll go home soon, I promise."





After bumisita ni mama kanina parang di ako mapakali. Hindi ko alam bakit. I was flabbergasted.

"Hoy madam, ba't nagiinom ka na naman? Anyare ’teh?" V asked.

Oo andito sila ngayon, it's 7pm. I told them to come here and bring some vodka. I need to unwind, na stress ako sa pinagusapan namin ni mama kanina.

"She knows." I said.

"Who? Knows what?" Dani asked out of curiousity.

"Teh wag mo kami bitinin. Kwento mo na dali." V said at umayos sa pag upo.

"Mama came here kanina, at first she was just giving me sermons tapos biglang she wants me to have a partner na and she wants apo. Hanggang sa napunta kang Ria ang usapan, she said she know that I'm inlove with Ria and if ever I will have the opportunity to have her, I will grab it daw cause she wants me to be happy. And she also said na sino daw magaalaga sa akin if mawala na sila. She's so weird kanina. She's so nega." I explained while I'm on my laptop, replying some emails.

"Baka may hindi sila sinasabi sayo Lory?" V said.

"I asked her kanina, if may hindi ba sila sinasabi sa akin pero she didn't answer my question."

"Baka may sakit sila? Baka ayaw lang nila malaman mo so that you won't panic and be stressed? Or baka napaparanoid ka lang?" Dani said.

"Baka ka ng baka dyan Dani, kalabaw ayaw mo? Edi ine-stress mo lang si Lory eh." V said and pour another vodka on her glass. "Ba't di mo tanungin kuya mo? Siguro naman sasabihin niya sayo." V added

I removed my phone from the charger and dialed kuya Gray's number. I turned on the loud speaker so that they can hear.

After a few rings, sumagot din si kuya.

{Hey Lory, napatawag ka? Need help?}

"No kuya, uhm, I just wanna ask something."

{What's it?}

"Is mama or papa have sakit?"

{What are you talking about? Sakit? Eh alam mo namang napaka healthy nitong dalawa't napaka seldom lang nila magkasakit.}

"Oh, yeah right. Thank you kuya, I think I'm just being paranoid."

{Why did you ask though?}

"Wala, kanina kasi mama went here saying that I should alaga myself or find a partner to alaga me kasi paano na daw if wala na sila. It sounded weird to me talking about them being gone kaya medyo na praning ako."

{It really is weird. Don't worry nothings wrong with them. Naghaharutan pa nga yon kanina eh. I'll update you if I feel something weird about them.}

"Okay, thank you kuya." I said and ended the call.

"See? Wala naman pala eh. Eto kasing si Dani pinapraning ka." V said and made her eye roll.

"Sorry na, eh napaka weird naman kasi ng ganon. Baka nagpapaalam na pala sila tapos dimo alam, atleast nalaman natin na okay lang sila." Dani said.

"Baka naman gusto lang talaga ni Tita na magasawa kana Lory? Siguro gusto ka na niyang ihatid sa altar?" Sabi ni V.

"So I'll make una to kuya? He's the eldest, he should be the one marrying first not me." I said.

"But you're the girl, sabi ni mom sa akin before my wedding, mas emotional daw sa parents kapag ang babaeng anak ang makakasal. You didn't notice? Mas umiiyak sa kasal ang mom ng girl kesa sa boy? Baka excited lang siya to see you in a white beautiful dress walking on the aisle." Dani explained.

"Oo nga Lory, baka excited lang talaga si Tita. Wag mo na masyadong isipin yan. Yung isipin mo, yung sinabi ni Tita na dapat mapasayo si Ria. Paano yon?"

"I'll wait? I don't know. Let's just not think about that. I want to enjoy this with you. Na miss ko ’toh." I said as I closed my laptop at nilaklak ang vodka.

I want to enjoy this night with them.

Set You FreeWhere stories live. Discover now