Chapter 30

292 19 10
                                    

Ria's POV

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm ko. I turned my alarm off while my eyes are still close. Kinapa ko yung katabi ko pero unan lang yung nahawakan ko. I opened my eyes at tinignan kung asan siya. Since hindi ko siya nakita, pumasok ako sa CR at ginawa ang morning routine ko.

After ko gawin ang morning routine ko, bumaba na ako sa kwarto at dumiretso sa kusina.

Pagdating ko sa kusina naabutan ko si Lory na gumagawa ng kape.

"Good morning my Mina." she said with high energy.

"Mina? Sino yon?"

"Ah eh, Ria pala. Ano kasi eh, may kausap ako kanina kaya ano, nakalimutan ko. It was supposed to be Ria. I'm sorry." pagpapaliwanag niya.

I flashed a smile. "It's okay, wow ano yan?" tanong ko nung napansin ko ang mga niluto niya.

"I made breakfast, fried rice with bacon and coffee. Here. I'm not good at making coffee, if you don't like the taste you can make another one nalang." she said. I made a sip on the coffee she gave me and wow, ang sarap ng timpla.

"Ang sarap naman ng timpla mo." I said and sat down.

"Weh? You're so bolera."

"Teh ang aga-aga, ang conyo mo. Pero sa trut lang ang sarap. Pwede ka na maging barista sa shop namin."

"You're so bolera part two, nga pala bago kita ihatid sainyo may dadaanan muna tayo, if okay lang sayo?"

"Oo, sure."I replied and smile.

"Kain ka na" she said and offered me the fried rice. "So, sino nga ulit yung sinabihan mong tulog pa sa mga oras na 'toh?" she added.

"Inagahan mo lang talaga ata eh para di kita asarin." I said with a smirk.

"Excuse me, maaga talaga ako nagigising." she said in a mataray tone.

"Talaga? Kahapon nga, ako yung una nagising eh."

"Eh, because I'm sick that time, hindi yun counted. You're so madaya" she said and laugh.

"You're so conyo." sagot ko habang ginagaya ang tono ng pananalita niya.

After naming kumain, naghanda na kami para sa lakad namin. Nasa banyo pa si Lory habang ako naman ay nag-aayos na sa gamit ko. A couple of minutes passed, I heard the door opened. Nakita kong lumabas si Lory galing banyo na naka towel lang habang tumutulo yung tubig mula sa buhok niya.

Ba't ang hot niya tignan?

"RIA!" bumalik ako sa wisyo ko nung sinigawan ako ni Lory.

"Bakit? Sigaw talaga?"

"Yung rug, dinala mo dyan, paki lagay dito." Ah oo nga pala, malamig kasi yung floor kanina paglabas ko ng banyo kaya ayoko tumapak, dinala ko yung rug dito malapit sa cabinet. Lumapit ako sakanya at inayos yung rug.

Punyeta ang bango ng body wash niya.

"Kanina pa kasi kita tinatawag eh tapos di ka naman nakikinig, nakatitig ka lang sakin." dagdag niya pa.

"Ah eh kasi may iniisip ako eh. May nakalimutan." Pagpapalusot ko.

"Ano yung iniisip mo? Kung paano mo sasabihin sa Dad mo? Kaya mo yan, ikaw pa." she said at pumunta na sa cabinet.

Nararamdaman kong umiinit yung pisngi ko habang tinititigan ko siya na naka talikod.

"Ria, are you listening?"

"Ha? Oo, ano nga ulit yun?" sagot ko at tumalikod sa kanya at nagkunwaring may hinahanap sa bag. Ramdam na ramdam ko ang init ng mukha ko, nakakahiya kung makikita niya to.

Set You FreeWhere stories live. Discover now