Chapter 31

267 18 6
                                    

Ria's POV

Pagpasok ko sa bahay agad kong nadatnan si ate nanonood ng pelikula.

"Ate!" sigaw ko at tumakbo papalapit sakanya.

"Bunso!" sigaw niya pabalik at niyakap ako. "Anong nangyari sainyo ni Uno? Ilang araw ka na niya hinahanap dito, hindi mo daw sinasagot ang mga tawag niya." dagdag pa niya.

"Ate hindi mo man lang ako kakamustahin?" tanong ko sabay pout.

"Eto naman, o sige. Kamusta ka na? Si Lory?"

"Si Lory, okay na. Nawala na yung lagnat niya. Ako naman medyo."

"Oh, bakit medyo lang?"

"Ate asan si Dad?"

"Nasa office niya ata eh, bakit?"

Lumapit pa ako sakanya at bumulong "Ate wala na kami ni Uno."

"Ha? Ano? Bakit? Paano? Kelan?" sunod-sunod niyang tanong.

Kaya nagsimula na akong magkwento sa kanya. Habang kinukwento ko kay Ate, hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak. Masakit pa rin kasi eh, masakit pa rin.

"Basta ate please lang, wag mong sabihin kang Dad ha? Alam mo naman kung anong pwede niya gawin kay Uno eh, baka magaya siya kay kuya Martin na pinabugbog. Ayokong mangyari sakanya yun." pagmamakaawa ko.

"Bunso mahal kita at kung ipapabugbog man siya ni Dad, deserve niya yun. Ginago ka niya eh, sino bang tanga ang makipagrelasyon sa iba na may fiancè na pala? Hindi ko maipapangako yan pero alam naman nating dalawa eh, malalaman at malalaman pa rin yan ni Dad."

"Pero ate ayokong masaktan siya. Natatakot ako ate, kakausapin ko naman si Dad tungkol dito eh pero hindi muna sa ngayon. Naghihintay ako ng tamang oras."

"Ria, tamang oras? Walang tamang oras sa mga ganyan. Ayaw mo siyang masaktan kasi mahal mo pa pero naisip niya ba din yan?"

"Ate naman-"

"Ria, bunso andito ka na pala." sulpot ni Mama.

"Mama!" sagot ko sabay yakap sakanya.

"Okay ka lang ba? Ba't ka umiiyak? Sinong umaway sayo?"

"Si ate na po yung magkwekwento sainyo, akyat po muna ako sa kwarto. Gusto ko po muna magpahinga, pagod po ako eh. Sige po, una na po ako." sambit ko at tumakbo papasok sa kwarto. Ni-lock ko ang pinto at humagulgol.

Akala ko okay na ako, akala ko hindi na ako masasaktan. Akala ko lang pala iyon.

I searched my phone in my bag and opened Lory's contact. Sa nangyari kanina, hindi ko alam kung kakausapin pa niya ako or what. Nagdadalawang isip ako, baka kasi hindi niya sasagutin eh. Pero I badly need her right now kaya bahala na si batman.

I dialed her number and after a few rings sumagot na ito.

{Hi! Ano? Kamusta? Nasabi mo na ba?}

"Nasabi ko na kay Mama at Ate. Si Dad nalang ang hindi pa." I said while crying.

{Hey, hey why are you crying? Shh tahan na Ria, mahihirapan ka sa paghinga niyan. Inhale. Exhale} Sagot niya.

"Lory, akala ko okay na eh, akala ko talaga hindi na ako masasaktan tuwing pinaguusapan siya."

{Ria, siyempre aakalain mo yun kasi I never mentioned his name while you were here, you forgot what happened for a while because I tried to divert your attention. I tried not to mention him kasi of course your in the process of moving on. Hindi ka makaka-move on kung palagi mo siyang iniisip pero kasi you have to be strong. Kailangan niyo talagang mapagusapan yan, kailangan malaman yan ng family mo. Mahirap oo pero alam ko namang kaya mo eh. Normal lang na masaktan ka kasi nagmahal ka eh, mahal mo eh. At hindi ka agad-agad magiging okay Ria, it takes time. You're still healing, you're still moving on.}

Set You FreeWhere stories live. Discover now