Chapter 23

254 17 6
                                    

Ria's POV

Dumating ako sa punerarya kasama ang pamilya ko. I saw kuya Gray standing on the corner, nilapitan ko ito sabay yakap sa kanya.

"Our deepest condolence kuya Gray," I said, he made a handshake with dad and ma while ate Pops also hugged him.

"Ano na po ang nangyari dun sa driver?" I asked.

"Nagfile na kami ng kaso, makukulong yun for sure. Madami siyang nilabag." Sagot nito, I nodded as a sign of respond.

I excused my self and roamed my eyes around, I saw Lory sitting one of the chairs in front, alone. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.

"Kamusta ka na? Naka pagpahinga ka ba?" I asked as I hug her tight.

I heard her whimper, I broke the hug and saw her crying. I lift her chin up and wiped her tears away, I put some strands of her hair behind her ear.

"Lorraine, magpakatatag ka, okay? Andito lang ako, kami ng mga kaibigan mo. Hinding-hindi ka namin iiwan." I told her wholeheartedly.

Mahal kita. I want to add but this isn't the right time to tell her that and it's not right. I should be faithful to Uno.

It sucks, seeing her cry feels like hell. Ang sakit makita siyang nasasaktan.

Ilang minuto pa ang nakalipas, dumating na ang barkada. Medyo dumami na rin ang mga tao. Si kuya Gray lang ang nagentertain sa lahat ng bisita habang si Lory hindi pa din umaalis sa inuupuan niya at hindi nakikipag-usap sa iba.

Palagi ko siyang chinecheck at niyayaya kumain kasi ang sabi ni kuya Gray wala pa siyang kain simula kaninang umaga.

"Lory, kahit konti lang please? Kailangan mo na talagang kumain." Malambing kong sabi. Tinitigan niya lang ako at bumalik na ulit sa pag titig sa mga kabaong na nasa harap namin. "Hays, Lory, sige na. Baka magkasakit ka niyan eh." I added.

"Ayoko." Matipid niyang sagot.

"Kahit konti lang? Gusto mo bang magkasakit ka?"

"Saan sa 'ayoko' ang hindi mo ma gets?"

"Hay, okay fine." I said.

Nilagay ko ang pagkain sa lamesa at lumabas muna.

Oh God, she's being stubborn. Habaan niyo pa po ang pasensya ko.

Nabigla ako nang may humawak sa bewang ko.

"Are you okay babe?" He said kissing my shoulders

"Yeah it's just that Lory's being stubborn. And can you please don't do that, nasa lamay tayo Uno." I said and removed his hands on my waist.

"I'm sorry. Pabayaan mo muna siya love, baka need niya lang ng space."

"Pabayaan? Gago ka ba? Ba't ko siya pababayaan? Eh dapat nga aalagaan ko siya kasi alam kong kailangan niya ako, kami ng mga barkada ko ngayon." I said with annoyance in my tone.

"Okay, I'm sorry. Ba't ang init ng ulo mo ngayon?" He asked

"I'm sorry, I'm just stressed." I said and hugged him. "Hindi ka pa uuwi? Anong oras na? May work ka pa bukas." I added when I noticed na late na.

"How about you? Sasamahan muna kita dito."

"Baka nakalimutan mo, I'm with my family. Sasabay na ako sakanila pauwi. Una ka na kasi may work ka pa bukas, ako na bahala magsabi sa kanila."

"Are you sure?" I nodded in response. "Okay, I will go na. Good night love." He added and gave me a peck on the lips.

Hinatid ko siya sa parking lot at inantay na maka alis bago ako bumalik sa loob.







——





Lory's POV

It's been a week after inilibing sila Mama at Papa, hanggang ngayon di pa ako pumapasok sa opisina, nasa kwarto lang ako nakakulong.

Andaming nagbago. Ang tahimik na ng bahay, si kuya Gray na yung busy, hindi ako. Palagi akong binibisita ng grupo dito, palagi nila akong chine-check. Ria became very maalaga to me, kapag free time niya dumideretso siya dito para samahan ako, kahit minsan pinagtatabuyan ko na siya, pinagsisigawan. Siya lang ang may kayang pumasok dito sa kwarto ko.

I looked at the clock, 11:30am. Maya-maya dadating nayun kasi lunch break na niya.

As what I said earlier, ilang minuto ang nakalipas, bumukas na ang pintuan ng kwarto ko. I didn't bother to look if sino yun kasi kilala ko na, pabango pa lang alam ko na.

"Hi, nagbreakfast ka na ba?" She asked as she sat down beside me. I shook my head since I don't want to lie.

"Oh goodness, bakit?" As she opened the food she brought. Oh god the smell! Chickenjoy is my favorite talaga!

"Walang gana." I said.

"Magkakagana kana kumain ngayon kasi favorite mo ang ulam. Upo ka na."

I sat on my bed and wait for her to instruct me.

She put the bed tray infront of me and prepared the food. Nung nalaman nila na depress ako and I tried to commit suicide, todo alaga sila sa akin. I sometimes throw the tray when they make pilit me to eat but still di nila ako iniiwan kahit minsan nasasaktan ko na sila.

I started munching the food infront of me habang si Ria naman ay kumakain ng Peach Mango Pie.

"Ba't andito ka palagi?" I asked out of nowhere.

"Ayaw mo?"

"No naman, it's just that, baka nawawalan ka na ng time with Uno dahil sa akin? I don't want that to happen, masasaktan si Uno niyan."

"Nagka depression kana't lahat-lahat, ibang tao pa rin iniisip mo. Don't worry, we talked about this na and he understands. I can't leave you, I promised you diba na hinding-hindi kita iiwan." She said and wiped my mouth with the tissue she's holding.

"Aren't you busy? I can handle myself na naman eh. And you need to rest too, minsan late kana umuuwi ka-kaalaga sa akin."

"I'm not, nagpapahinga naman ako tsaka wag ka mag-alala kasi sinusundo naman ako ni Uno eh."

Oh, I didn't expect that coming.

Tumango nalang ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Set You FreeWhere stories live. Discover now