Chapter 8

279 14 0
                                    


Lory's POV

Pagdating namin sa dining area agad pumunta si Ria kela tita at tito.

"Hi ma, dad" sabay halik neto sa pisnge. "Ate" sabi niya at niyakap niya eto.

Agad din akong pumunta kela tita at tito para makipag beso.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni tita.

"Pasensya na ho tita, na abutan po kasi kami ng traffic." sagot ko at tumango naman si tita.

"Upo na kayo." sabi ni tito kaya umupo na kami.

Baka curious kayo sa set- up namin. Ganito po siya. Mula sa dulo ng table, si tito, sa kabilang dulo naman si Paolo, sa right side ni tito ay si tita, ate Pops, Miguel, Daniella, at Rocco. Sa Left side naman ni tito ay si Ria, ako, Ion, Vivoree, at Aga. So magkatabi si Miguel at ate Pops.

"Nagseselos ka?" bulong ni Ria sa akin.

"No im not." depensa ko at nginitian niya ako, yung ngiting nakakainis.

Habang kumakain kami, nagkwekwentuhan din kami. At nakwento din namin yung nangyari kanina habang traffic.

"Kaya pala antagal niyo dumating." sabi ni tita. Agad ko namang naalala si Uno.

"Share mo nga saamin tungkol kay Uno." bulong ko sa kanya.

"Bakit? Ayoko, sakit sa ulo lang yun." mahinang sagot niya.

"Sge na. Baka ako sasagot non." sabi ko

"Gago" sabi niya at tumawa ng mahina. "Ate Pops, naalala mo yung nanliligaw sa akin? Yung halos isang taon nang nanliligaw sa akin." panimula niya.

"Anong pangalan? Andami mo kayang manliligaw. Sa dami, nagmukhang flower shop ang coffee shop natin dahil sa mga bulaklak na pinapadala nila." sagot ni Ate Pops

"Bigatin pala tong bakla natin eh. Haba ng hair pero walang jowa." V jested.

"Wiz magtalk ang mga horsey." agad na sagot ni Ria dahilan para tumawa kami. "Si Uno ate. Yung crush mo."

"Oo bakit? Anong meron sa kanya? Sinagot mo na siya?" sunod-sunod na tanong ni Ate sa kanya.

"Hindi noh, asa siya. Isa din yon sa rason bakit kami na abutan ng traffic kanina. Pumunta kasi siya sa Shop at nagpumilit makipag dinner sa akin." inis na sabi niya.

"Ba't hindi mo pagbigyan anak? Baka siya pala ang forever mo." sagot ni tito.

"Dad, there's no such thing as forever." she said with an eye-roll.

"BITTER!" sigaw naming lahat. I was shocked kasi pati sila tito at tita sumabay. At tumawa kaming lahat.





"So, dad, bakit ka nagpa dinner bigla? Sabi mo may announcement ka?" Ria said habang inikot ikot niya ang wine glass na hawak niya. Nandito kaming lahat sa labas, sa may pool area nila. Umiinom ng wine habang nagigitara si Miguel. Shet ang guapo talaga.

"Oo nga tito. Juntis po ba si tita at magkakaroon na ng baby number 3?" V said kaya tumawa kami.

"Malabo yan Vivoree. PMS na yung tita mo." sabi ni tito kaya nakatanggap siya ng mahinang hampas ni tita.

"Gago ka talaga Rey!" tita said and let out a small chuckle.

"So ano nga po yung announcement?" Miguel asked while strumming the strings.

"Well, bumili kami ng bahay sa Baguio. And I want you guys to take a vacation there. Kahit 2 weeks lang. Don't worry, may magmamanage naman sainyo doon. May groceries na at mga gamit. You can also use tha vans para sa transportations niyo." Tita Marie said. Bigla namang naghiyawan ang lahat.

"Talaga tita?"
"Omg! Thank you tita and tito!"
"Sa wakas makakabakasyon na rin ako"
"Excited na ako!"

Yan ang mga narinig kong mga salita. Nang tignan ko si Ria na tahimik lang sa gilid nilapitan ko ito at inakbayan.

"Okay ka lang? Ba't parang you're not masaya?" tanong ko, hindi namin namalayan na naka tingin na pala silang lahat sa amin.

"Medyo nabigla lang. Alam mo naman ayoko iwanan ang Coffee Shop." sagot nito.

"Ria, wag ka na magalala. Ako na bahal dun, tiwala lang." sagot ni ate Pops at niyakap nito ang kapatid.

Ngumiti si Ria at ininom ang hawak niyang wine.

The night was full of banters, laughs, chitchats and songs.

Set You FreeWhere stories live. Discover now