Chapter 26

237 17 5
                                    

A week later...

Ria's POV

It's a rainy night, I'm planning to visit Uno in his office. Yes, gagawin ko yung tip ni Lory, pag eto talaga di maganda yung kalabasan wag talaga siyang dadaan sa kanto namin.

I'm currently waiting for my Grab. Tumawag siya sa akin, sabi niya malapit na daw siya dito sa Coffee Shop.

Ilang minuto pa ay dumating na din ito, umupo ako sa likod at nagsimula na siyang magmaneho.

Sobrang lakas ng ulan, sarap maglomi.

Hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko doon. Hindi pa rin ako kinakausap ni Uno, kinakabahan ako kasi baka mapahiya ako. Never pa ako naka pasok sa office niya, hanggang lobby lang kasi ako.

Paano pagwala pala siya dun? Sayang naman pamasahe ko. Hindi pa naman siya nagrereply sa mga text ko.

"Ma'am andito na po tayo." Sabi ng driver.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, diko namalayan na dumating na pala kami. Nagbayad na ako at bumaba.

Pagpasok ko sa lobby agad kong nakita si Uno na nakatayo habang nagcecellphone. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Love I'm sorry, kung nagalit ka or napikon sa akin, I'm sorry. Kausapin mo na ako please." Mangiyak-iyak kong sabi. How I miss him.

"Ria," kumawalas siya sa yakap at inayos yung polo niya. "Bakit ka nandito? Sino bang nagsabi na pumunta ka dito?" Tanong nito.

"Wala, gusto lang kitang bisitahin. Ilang araw na tayong di naguusap, gusto kong magka-ayos tayo."

"Busy nga ako diba? Umuwi ka na, gabi na tapos umuulan pa."

"Love, usap muna tayo. Ayusin natin ’toh, pag-usapan natin ang problema natin. Love please kahit ngayon lang, bigyan mo ko ng time." I said as I felt my eyes watery.

"I can't, I'm sorry, may pupuntahan pa ako na importante. Mas mabuti png umuwi ka na." Sagot nito at hinila ako papalabas.

"Love naman, ano bang problema natin ha? Ayusin natin ’toh." Ramdam ko ang bawat patak ng luha ko.

"Ria, please umuwi ka na. Hindi pa ako handang makipag-usap sayo."

"Bakit? May nagawa ba akong mali, ha? May nasabi ba akong hindi maganda? Uno naman, sabihin mo naman sa akin kung bakit tayo nagka-ka ganito para di ako magmukhang tanga na paulit-ulit iniisip kung bakit bigla ka nalang nagbag-o. Kung bakit tayo nagkakaganito, kung bakit ayaw mo akong kausapin, kung bakit kaya mo’kong tiisin." I said as tears keep running down on my cheeks.

"Look, Ria-"

"Babe, nakita ko na yung USB. Tara na?" Biglang sulpot ng babaeng galing sa loob. Matangkad, mataas yung ilong, blonde yung kulay ng buhok, medyo slang siya magtagalog. Half amerikana siguro ’toh.

"Hi, are you okay? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin.

"Sino ka?" Tanong ko sakanya.

"Oh, I'm Mika Elacion. Uno's fiancé."

Potanginang gago.

"Ano?!" Sigaw ko at tumingin kay Uno

"Ria let me explain-"

"Wag na, you don't need to explain. Hindi ako bobo, tanga lang kasi pumatol ako sayo." tumingin ako kay Mika. "Nice to meet you, Ria, jowa ng gago mong fiancé" sagot ko at tumakbo na papalayo sa kanila.

Narinig kong tinatawag ako ni Uno pero hindi ako lumingon. I don't know kung anong gagawin ko. Bahala na si batman.

Takbo lang ako ng takbo habang nababasa dahil sa lakas ng ulan. I don't know where to go, saan ba ako pupunta? Papabayaan ko nalang ba ang mga paa ko kung saan nila ako dadalhin? Patawid-tawid ako ng daan, naririnig ko ang mga busina ng mga sasakyan na malapit akong masagasaan.

I was still crying pero siguro hindi halata kasi basang-basa din yung mukha ko ng ulan.

I was about to cross the road nang may malakas na busina akong narinig. My eyes were so blurry na pagtingin ko sa kanan, dalawang ilaw na puti lang yung nakita ko. And then after a minute or two, nawalan na ako ng malay.



























Lory's POV

I'm currently checking the house, ngayon na kasi ang alis ko and pinauwi ko muna si Manang sa kanila para makapagbond naman siya sa family niya habang wala kami. Ang lakas pa naman ng ulan, fingers crossed sana tumigil na ito para naman hindi ko na kailangan magpa re-sched ng flight. And wala namang news na there's bagyo eh.

Inilabas ko na ang mga baggage ko at pinasok sa sasakyan. I locked the house at sumakay na sa kotse. I have a pillow and blanket here sa car kasi baka ma-delay yung flight ko, I can rest here sa car. I put my jacket on the shotgun seat at pinaandar na ang car ko.

While I was driving, pinatugtug ko muna yung radio para hindi naman masydong boring.

Minsan, isang araw
Puso'y napasigaw
Nahulog sa iyo
'Di ko na matanaw
Pangangatwiran ko'y
'Di na mapagkatiwalaan

Ilang minuto pa ay naging traffic ang daan. While waiting na umusad ang traffic nakikinig pa rin ako sa music while tapping my hands on the steering wheel.

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan

Nung umusad na ang traffic, na daanan ko ang cause ng traffic. Accident na naman?

A girl lying on the floor, nasagasaan siguro ’toh. Blood are all over the road. Gosh, napapadalas na ata ang accident ah.

Bigla kong naalala si Mama at Papa, what if ako yung nakakita nun? Kakayanin ko kaya?

I prayed for the girl na sana okay lang siya. Sana wala sa critical na kalagayan yung katawan niya. Sana buhay pa siya.

Set You FreeWhere stories live. Discover now