Chapter 32

301 21 3
                                    

Ria's POV

I'm now holding my phone. Nagdadalawang isip akong tawagan siya. Pero kailangan eh.

"Bunso teka nga, ako yung nahihilo kakapanood sayo eh. Umupo ka nga muna dito, di ka ba napapagod paikot-ikot ng lakad dyan?" Ate said while frowning.

"Eh kasi naman ate eh, hindi ko alam kung tatawagan ko pa ba siya. Hindi ko alam kung kaya kong makipagusap sa kanya."

"Gusto mo ba siyang maka-usap?"

"Ano bang klaseng tanong yan ate? Oo naman, syempre."

"Dalawa ba utak mo?"

"Ate ano ba?!"

"Eh ba't ka nagdadalawang isip? Tawagan mo na para matapos na yan."

Kaya I dialed his number, after a few rings sumagot na din ito.

{Ria, buti tumawag ka. Can I talk to you? Please mag-usap tayo? Pinuntahan kita sa bahay niyo pero wala ka daw dun. Look I'm so-}

"I'll send you the location. 8PM sharp." I said.

{Okay, salamat Ria. I'm sorry for hurting you.}

After hearing those words, agad kong binaba ang tawag at umiyak. Nilapitan naman agad ako ni Ate at niyakap.

Masakit pa rin pala.

"Shhh, tahan na bunso. Kailangan mong magpakatatag. Wag mong ipakita sa kanya na ganito itsura mo. Dapat maganda ka parin." she said while rubbing my back.

"Ate, kaya ko ba makipagusap sa kanya? Baka mamaya imbis na magusap kami puro nalang ako iyak."

"Kayanin mo, mahal mo diba? Ipaglaban mo yung pag-ibig niyo."



After that short drama with ate, I started fixing my self and thinking what will happen later. I'm a bit nervous and hindi ko alam bakit.

It's still 6pm so I have time to prepare, I'm just wearing a black and white stripe shirt, pants and my favorite black suede mules. I open my phone and texted Uno the location. It's just a restaurant hindi siya known so medyo hindi madami yung tao don. Sinadya ko dun kasi incase na iiyak ako, wala masyadong makakakita.

While waiting for 7:30pm, nagsurf muna ako sa social medias ko. Matagal-tagal na rin nung huli akong nagbukas ng soc meds ko, di kasi ako palaging gumagamit ng cellphone eh, laptop oo kasi sa work yun pero cellphone, medyo lang, kapag kailangan.







Ilang oras pa ang lumipas, chineck ko na ang bag ko kung may naiwan pa ba ako at nung okay na ang lahat, nagbook na ako ng grab.

Ilang minuto pa ay dumating na din ito, hindi naman traffic kaya mabilis lang kaming umabot. Mabibilang mo lang ang mga tao dito at super tahimik pa. Umupo ako sa gilid at nag-antay kay Uno, nilapitan ako ng waiter kaya nag-order ako ng shake.


Ilang oras na ang nakalipas pero wala pa rin si Uno, naubos ko na ang shake wala pa rin siya. It's 8:30pm at ang sabi ko 8pm. Hindi siguro siya sisipot, tinawag ko ang waiter at binayaran ang bill ko. Aalis na sana ako sa inuupuan ko ng biglang bumukas ang pintuan ng restaurant.

Nakita ko ang lalaking pumasok kaya umupo ako ulit.

"I'm sorry, late ako. May inasikaso pa kasi ako eh.* he said and sat infront of me.

I don't know how to respond, I miss him. I really miss him. Gusto ko siyang yakapin pero may pumipigil sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" I asked him with a blank expression.

He looked at me in the eyes at huminga ng malalim. "Kasi nahihiya ako, alam kong saving mo ang ibibigay mo kapag hihingi ako sayo. Ayoko magastos yung savings mo dahil sa akin, alam kong may pinagiipunan ka kaya di na ako nag-abalang sabihin sayo."

Set You FreeWhere stories live. Discover now