Chapter 18

224 17 1
                                    

Ria's POV

It's been a week since sinagot ko si Uno. Palagi niya akong hatid-sundo dito sa shop. Kilala na rin siya ng mga staff dito. Hindi pa alam nang grupo na sinagot ko na siya. Super busy pa kasi sila eh. Gusto ko sila yayain magdinner para e announce ito. 

"Ria, eto yung susi. Wala ako bukas kaya ikaw muna dito ah?" Aya said

"Sige, ako bahala, ingat ka!" Sagot ko sabay yakap sa kanya.

Ako na lang magisa dito sa shop, chinecheck ko lang if na lock ko na lahat ng kailangan e lock at  na unplug ko na ba lahat ng mga machine. Habang tinitignan ko ang mga wires, may biglang nagtakip sa mga mata ko.

"Sino ka? Wala akong pera. Hindi pa ako nakapangutang kay Aleng Marites uy kaya wala kang makukuha sa akin." Taranta kong sagot habang hinahawakan ang kamay nito.

"Wag kang gagalaw, ibigay mo sa akin ang pagmamahal mo. Hindi kita sasaktan."

"UNO!" Sigaw ko at hinarap siya. "Bad ka, alam mo yon? Kinabahan ako ng beri beri light eh. I hate you!"

"I love you. Wag ka na magalit, eto flowers para sa pinaka maganda kong girlfriend sa buong mundo." Sagot niya.

"Bolero! Sinasabi mo lang yan para di na ako magalit eh."

"Hindi ah, totoo kaya yun. Tapos kana ba dyan? Dinner tayo?"

"Oo, teka kunin ko lang yung bag ko sa room tapos lock natin tong shop and then gora na tayo." Sagot ko at pumunta na sa locker ko.

__

Habang kumakain kami, biglang nagsalita si Uno.

"Babe, kelan mo balak yayain ang tropa magdinner?"

"Hindi ko pa alam babe eh. Super busy ang lahat ngayon." Sagot ko.

"How bout Lory? Siya ang pinaka close mo sa grupo diba? Did you tell her na?"

"Hindi pa din. Mas lalo yun, siya ata pinaka busy sa aming lahat kasi may problem yung company nila. Ayoko naman e-disturb yon."

"Nagtatawagan pa rin ba kayo? Gaya ng dati na naguusap kapag di ka naka tulog?"

"Hindi na, last call ata niya nung pinakilala kita kela Dad. Nagyaya siya ng dinner eh, girls night out ganun. Kasama niya ata sila Dani at V eh. After nun di na kami nagusap ulit. Matagal-tagal na rin yon. At tsaka ikaw naman palagi kong kausap kapag di ako inaantok ah? Ayaw mo ba?"

"Tawagan mo kaya? Alam ko namang miss mo na siya eh. Tsaka hindi naman sa ayaw, iba kasi ang girl talk eh. Ayoko naman maging selfish, or di kaya puntahan mo sa office niya."

"Wag na, busy yon, di yon sasagot. Tsaka baka kapag pumunta ako sa office niya di ako papapasukin kasi busy."

Or ayoko lang talaga kasi natatakot ako na baka bumalik na naman ang nararamdaman ko para sakanya.

Oo, I had feelings for her. Nalaman ko ito nung nasa Baguio kami, Miguel was always with Lory. Kahit saang galaan magkasama sila, magkatabi, magkalandian. Sometimes mas pinipili ni Lory na kasama si Miguel kesa sa akin kasi daw Uno's with us, and dapat daw samahan ko si Uno para mas makilala ko siya and para comfortable si Uno sa saang galaan kasi I'm with him. Dko alam kung iniiwasan niya ako or talagang ayaw niya lang iwanan ko si Uno. Basta she wants to be with Migue. Akala ko nga may namamagitan na sa kanila eh. I knew it when I caught Migs kissing Lory on the forehead, I felt jealous, hurt, and upset. That should be me kissing you, that should be me holding your hand. But I ignored what I feel because I have Uno, I don't want to hurt him. Kahit gago ‘toh, mahal ko siya noh.

"Ikaw bahala, basta kapag gusto mo, wag ka magdalawang isip na puntahan or tawagan siya ha?" He said.

I smiled at him at nagpatuloy na sa pagkain.


Pagkatapos naming kumain, pumunta kami sa open space. Dun sa first date namin, dun na kami madalas magtambay, habang nakaupo sa likod ng sasakyan. Uno's using his 2020 Isuzu D-Max pick up, naglalagay kami ng mga pillows sa likod with wine, and my favorite mango graham ice cream. Sometimes, nagaabang kami ng sunset dito pero kasi we both have work kaya kadalasan after dinner kami pumupunta. Dito namin kinakain ang dessert namin habang nagkwekwentuhan, magsisimula sa simpleng "how was your day?" At palaging nagtatapos sa kantahan. Marunong din pala si Uno mag guitar, he always sings our favorite song, Love Me Tender by Elvis Presley.  To be honest, he has an amazing voice. Nakaka-inlove lalo, everytime he sings, nakatitig lang ako sakanya. Looking at him while singing makes him more handsome with his nakakalokang smile.

After a couple of hours staying at our favorite spot, umuwi na din kami. We have works pa tomorrow and I need to be early bukas kasi wala si Aya kaya ako ang magbubukas ng shop.

"Thank you for tonight babe." I said while hugging him, nasa labas na kami ng bahay ngayon.

"Thank you too, my love. Maaga ka bukas diba?" He said.

"Oo, magco-commute nalang ako bukas, 9am pa work mo diba? Eh 7am dapat andon na ako."

"No mahal. Ihahatid kita, pwede naman yon eh tapos uuwi ulit ako and then tulog ulit." He said with a wink.

"At talagang i-hahassle mo yung sarili mo? Babe pwede naman ako magcommute eh tsaka malapit lang yung shop."

"Ayoko, para alam kong safe ka, ihahatid kita. Pumasok kana sa loob, goodnight babe, I love you. Dream of me" he said and gave me a kiss. Wala talaga akong laban dito.

"Goodnight babe, I love you too." Sagot ko at pumasok na sa loob.

Set You FreeWhere stories live. Discover now