TRIST
"Oh, anong sabi sa 'yo ni Cher Rin? Binigyan ka ba ng demerit?" pang-aasar ni Xy.
Papunta kami ngayon sa canteen, lunch time namin.
"Tss. Hindi. Pinalipat niya 'ko ng room 'pag time niya."
"Oh? Saan naman daw?"
"Sa second floor, room Betelgeuse," walang gana kong sabi.
"Do'n ang room ng presidente ng council, ah. Ang rinig ko, 'yon daw ang pinaka-active na sa section sa buong STEM," sabi niya.
"Oh? Talaga?"
Hinampas niya ko ng mahina sa braso. "Ang sarcastic mo, fren," sabi niya. "Oh, ano naman ang sinabi mong rason kay Cher Rin?"
Inalala ko 'yong pinag-usapan namin kanina ni Cher Rin.
Flashback
Nakaupo ako sa sofa at kaharap ko si Cher Rin, Philosophy teacher ko. Nasa office niya 'ko dahil may nilabag akong rule.
'Yon ay ang pinaka-common sa lahat... Ang late. Hehehe.
Mula first day of school hanggang ngayon, hindi pa 'ko pumasok sa klase niya na on-time, palagi akong late. Kaya nga ang dami ko ng ipon na Tardy Slip sa bag ko, bigay ng nakatatakot na guard.
Philosophy ang first subject ko. Hindi ko naman 'yon ginagawa intentionally, eh. As much as I wanted to wake up so early, but I can't.
"Are you having a hard time waking up so early? Or do you have a family problem? Or any other matters?" tanong niya at nakapangalumbaba niya 'kong tinignan. "You always late on my class. Ayoko namang isipin na ayaw mo sa klase ko dahil nage-excel ka naman. You are a bright student. I know you know that." She paused. "Can you give me a reliable reason why are you always late in my class?"
Tumingin ako sa baba at nag-isip kung sasabihin ko ba ang totoo. Bumuntong hininga ako at muling tumingin sa kan'ya.
"I have a chronic insomnia and I have a trouble sleeping and...that's why I always wake up so late. Uhhm, that's it, Cher," I answered. Nakita kong natigilan siya at kalauna'y lumambot ang mukha niya. "I'm sorry if I'm being an irresponsible student, but I'm trying my very best to attend on your class on-time. It's just that—"
"No, dear. You don't have to say sorry. It's okay with me. I just didn't expect that there's a student suffering from insomnia." Nababakasan ko ng pag-alala ang boses niya. "But, are you taking pills or medical food for your insomnia?"
"I was taking sleeping pills before, pero tinigil ko na po dahil palagi akong nag-i-sleepwalk and I don't take any medication lately," sagot ko.
Dahan-dahan siyang tumango at nakita kong may kinuha siyang maliit na papel sa drawer niya at pinirmahan 'to.
"Starting today, since I didn't let you attend my class earlier, this is your new schedule to me," inabot niya sa 'kin 'yong papel at mabilis ko naman 'tong kinuha. "Meet me and your new classmate after lunchtime, okay?" nakangiti niyang sabi.
"Okay, Cher. Thank you po," sabi ko at muling tinignan 'yong binigay niyang papel para tignan kung saang floor at section ako nilipat.
"Another thing, ipakita mo 'yan sa guard para hindi ka na bigyan ng tardy slip. Alam kong marami ka ng nakolekta." natatawa niyang sabi.
End of flashback
"I said the truth," sagot ko sa tanong ni Xy.
"Weh? Totoo?" Ang kulit! Tumango ako. "Eh 'di 8:15 na ang start ng class mo? Sana lahat, fren. Nakatatamad bumangon ng maaga," buntong hininga niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/235846298-288-k253759.jpg)
YOU ARE READING
Cease Of Mirage [COMPLETED]
RomanceTrist got dumped by her boyfriend, Rizwan. So, she left him. A year later, she transferred school and from that place she met a very annoying and compulsive man branded as Mayor Cohen. Will she be able to stand with him?