TRIST
MONDAY
Kahapon, 'pag gising namin ay pinaghanda kami nang apat ng almusal. Nagtataka kami kung bakit ang bait nila sa 'min, pero isa lang pala 'yong balat-kayo dahil after naming kumain ay sila ang pinagsilbihan namin!
Mga walang hiya!
Kapalit na raw 'yon ng panloloko namin sa kanila. 'Yong tipong kami raw ay nagsasaya sa pagwawalwal namin habang sila ay nagdudusa sa pag-aalaga ng bata.
Kahapon din, may nalaman ako kay Fuaze, sinabi niya sa 'kin ang hindi kapanipaniwala at nakabibiglang balita—KAMI NA RAW!
Hindi ako naninawala pero may pinakita siya sa 'king ebidensiya.
Lokong 'yon. Kinuhanan pala niya ang eksena namin kagabi. Tss.
Hindi ko alam kung anong ire-react ko after kong mapanood 'yon basta nandiri ako sa sarili ko dahil hindi ko alam na gano'n pala ako ka-corny 'pag lasing!
Hindi na talaga mauulit 'yon. Swear!
Anyway, nasa tennis court ako ngayon kasama ang ibang players. May practice kami, pero tapos na 'ko kaya nagpapahinga na lang ako ngayon.
Kanina ko pa napapansin ang pagiging balisa ni Xy mula pa kahapon. Hula ko may kakaibang nangyari rito.
"Oy, problema mo?" tanong ko nang makaupo ako sa tabi niya.
Tumingin siya sa 'kin nang nakanguso at biglang niyakap ang braso ko at lumukot ang mukha niya.
"May nagawa akong napakalaking kasalanan, fren, eh," pagtatantrums niya.
"Anong namang kasalanan 'yon?" taka kong tanong.
"Ihhhhh," arte niya na parang nahihiyang sabihin. "'Wag mong sasabihin kay Cd 'to, ah."
"Ano ba kasi 'yon?" naiinip kong sabi.
"Nag...ano... N-Naghalikan kami ni Grave," mabilis niyang sabi. Natigilan naman ako. "Pero, hindi ako ang nag-initiate ng kiss, ah! Siya! Siya! Nadala lang ako dahil ang galing niyang humalik... Ay leche! Hindi! Nadala ako kasi lasing ako no'n at unconcious na 'ko sa mga nangyayari," depensa niya. "Huhuhuhu. Ang first kiss ko, maglalakbay na nga lang sa malandi pa!" kunwaring iyak niya.
Natawa ako sa ekspresiyon niya. "Hindi naman kasalanan 'yon, eh." Ngumuso lang siya at parang hindi niya talaga tanggap na may humalik sa kaniya.
Nang matapos ang practice namin ay nagshower ako sa women's bathroom dito sa school dahil pinagpawisan ako sa practice kanina. After that ay pumasok na 'ko sa room.
Wala pa ang teacher namin. Nakaupo lang ako at nakatanaw sa labas nang tumunog ang phone ko na nasa mesa.
It's Facebook Messenger. Binuksan ko 'to nang makitang si Fauze 'yong nagmessage. Pinindot ko 'yong photo na sinend niya. Halos lumuwa ang mata ko at taasan ako ng balahibo sa batok nang makita ko 'yong laman ng picture.
Mirror shot niya na nakatopless at may tumutulo pang mga butil ng tubig sa katawan niya! Halatang nasa banyo siya base sa background.
"Pagnasaan mo ang katawan ko, Bits," ang sabi pa niya!
Nagsend pa siya ng isang picture at hindi na 'ko nagulat nang makitang siya ito na nakatopless pa rin, pero kita na 'yong mukha niya na nakangiti sabay kindat.
Shemay. Ang dimples niya!
"Just wanna flex my body," chat niya at may emoji pa na wink.
Nagtype ako at sinabing, "What the hell?" at sinend ko na.
Mukhang nagji-gym siya dahil built-in ang katawan niya. I hate to admit it but he has abs. Tss.
YOU ARE READING
Cease Of Mirage [COMPLETED]
RomanceTrist got dumped by her boyfriend, Rizwan. So, she left him. A year later, she transferred school and from that place she met a very annoying and compulsive man branded as Mayor Cohen. Will she be able to stand with him?
![Cease Of Mirage [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/235846298-64-k253759.jpg)