Chapter 16: Her Answer

172 43 18
                                        

3rd PERSON


Kasalukuyan pa ring umiinom ang mga babae kahit na pulang-pula na ang mga pisngi nila at lasing na lasing na.

"Ako, nagkaroon ako ng dalawang ex boyfriend. Ganito, oh, dalawa," pinakita ni Xy sa kanila ang apat na daliri niya.

"Tanga! Walo naman 'yan, eh," turo ni Trist sa mga daliri ni Xy. "Saka wala ka pang naging boyfriend!" sigaw nito. Napakamot si Xy sa pisngi niya.

"Ako naman, I have one ex," panimula ni Suz. Tutok na tutok naman sa kaniya 'yong tatlo na parang nagkukuwento ng fairy tale book. "Ang kapal kasi ng mukha that's why I left him. He said, droga raw ang mukha ko, nakakaadik!" Dinampot ni Suz ang bread knife at marahas itong binaon sa wooden table.

"Baka 'yong lalaki ang talagang adik!" komento ni Clari.

"Ako? Walang-wala 'yang eks mo sa eks ko," iiling-iling na sabi ni Trist habang naniningkit pa ang mapupungay niyang mga mata.

"'Yong g*g*? Hahaha!" tawa ni Xy sabay palakpak pa.

"Alam niyo bang hindi 'yon marunong magtago. Bakit 'ka niyo," pang-uuto niya pang sabi.

"Baaaakit?" sabay-sabay na sabi naman ng mga uto-uto.

"Nahuli kong nambabae, eh! Hahahaha!" malakas niyang tawa. Nakitawa naman 'yong tatlo.

Napahinto sa pagtawa ang apat nang biglang bumukas ang pinto na nakagawa ng malakas na ingay.

"Ano 'yon?" tanong ni Xy.

"Earthquake!" sigaw ni Clari.

"Hala! Lindol nga!" segunda ni Trist.

"C'mon, magtago tayo sa baba ng mesa," suhestiyon ni Suz. Agad-agad naman silang nagtago.

"Where the hell are they?" boses ni Moss.

Nasa salas silang apat habang nililibot ang paningin sa paligid.

"Luuuh, nagsasalita ang lindol," bulong ni Trist.

"Shhh," suway sa kaniya ni Xy nang nakalagay pa ang hintuturo sa bibig nito.

"What are these? Alcohols?" Sinuri ni Cd ang mga bote ng alak na nasa sahig at nagtama ang mata nila ni Suz na ang lapad ng ngiti. "What the f*ck!" Napaatras sa gulat si Cd.

Isa-isang lumabas ang mga babae mula sa baba ng mesa. Gulat na gulat naman ang mga lalaki nang makita ang mga ito.

"Holy moly," mahinang sabi ni Grave nang makita si Xy mula ulo hanggang paa.

"Sh*t," bulong ni Moss habang nakatitig sa mukha ni Clari na mapula-pula.

Napahilamos sa mukha si Cd nang makita ng malinaw ang itsura ng fiancée niya.

"Damn, Bits," bulong ni Fauze nang makita ang kabuuan ng dalaga.

Samantalang 'yong apat na babae ay nakanguso lang na tinitignan 'yong mga lalaki.

"Tignan niyo, oh. Ang gaganda nila," bungisngis ni Clari.

"They sure are. Bagay silang maging barbie," ganting bungisngis ni Suz.

Cease Of Mirage [COMPLETED]Stories to obsess over. Discover now