Chapter 9: Nun

255 51 8
                                        

TRIST

"So, girls, are you in?" tanong ni Cher Rin.

Nasa office niya kami ngayon kasama ko si Xy. Kailangan na ng desisyon namin about do'n sa proposal ni Cher Rin kung game ba kaming maging cheerleaders.

"Uh, no, Cher. I'm sorry," mahinang sagot ko. Mabilis na lumipat sa 'kin ang tingin ni Xy.

Ang laki ng mata niya. Parang kuwago.

Narinig ko ang mahinang buntong-hininga ni Cher Rin. "I don't know your reasons, but I understand. So, you don't have to sorry, dear. How 'bout you, Miss Rodriguez?" baling niya kay Xy.

"No rin po," nakatungong sagot ni Xy.

"I see. But, if ever na magbago ang isip niyo, don't hesistate to approach me here, okay?"

"Okay, Cher," sagot ni Xy. Hindi na 'ko sumagot.

After that, lumabas na kami ng office niya. Pupunta kami ngayon sa Director's office para kunin ang mga uniform namin.

"Ba't hindi ka pumayag, fren? Akala ko pa naman sasali ka."

"Naisip ko lang na mas magandang magfocus ako sa acads ko," sagot ko.

Inismiran niya naman ako. "Realt talk. Okay ka na ba?" bigla niyang tanong.

"Bakit, nagkasakit ba 'ko kanina?" taka kong tanong ko.

Binatukan niya naman ako. Sinamaan ko siya ng tingin habang hinihimas 'yong batok ko.

"Ang sarap mong kausap! Leche ka."

"Hindi nga kasi ako sumasagot ng vague question. Klaruhin mo kasi 'yong tanong mo para nakatatanggap ka ng klarong sagot! Leche ka rin!" singhal ko sa kan'ya.

"Alam mo, dapat maglaw ka, eh. Ang dami mong nararason," ngiwi niya.

"Alam mo, sana manok ka na lang, putak ka kasi nang putak," ganting ngiwi ko. Binatukan niya uli ako!

Pesteng 'to. Parang s'yang ex ko, nananakit.

"Ang ganda ng sinabi ko sa 'yo, fren tapos ako manok? Asan ang hustisya?!" sigaw pa niya.

"Ano ba, nakahihiya ka. Umayos ka nga," suway ko sa kan'ya. Pinagtitinginan kasi kami rito, eh.

"Seryoso nga, fren. Okay ka na ba?"

Ayan na naman. Psh.

"Ano nga kasi 'yang okay okay na 'yan? 'Di ba sabi ko klaruhin mo?" inis kong sabi.

"Ang kupad mo naman, fren. Syemre do'n kay ano... si you know, ah."

"Huh? Anong si you know? May pangalan bang gano'n?" taka kong tanong

"Si Rizwan! Rizwan Velasquez!" nanggigigil n'yang sabi na parang napupuno na.

Natigilan ako pero kalauna'y nakarecover din. "Anong meron sa kan'ya?"

"Nakamove on ka na ba?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Seryoso lang akong naglalakad habang nakatingin sa harap. "Alam mo bang naniniwala ako sa salitang "Silent means yes—"

"Hindi ko alam," putol ko sa kan'ya.

"Pa'nong hindi mo alam? Ano bang nararamdaman mo?"

"Hindi ko alam," sagot ko.

"Hindi mo na naman alam? Bakit hindi mo alam? Hula ko, hindi mo na naman alam."

Suminghal ako. "Hindi ko nga kasi alam kasi wala naman siya rito."

Cease Of Mirage [COMPLETED]Stories to obsess over. Discover now