Chapter 19: Intense Practice

180 38 4
                                    

XY

Pagkatapos naming maglunch ay dumiretso ako sa room namin kasama 'tong malandi na 'to na kanina pa buntot nang buntot sa 'kin.

"Bonsai, pansinin mo naman ako. Ano ba 'yang ginagawa mo?" inagaw niya 'yong phone ko at tumalikod sa 'kin.

Inis 'kong hinawakan 'yong balikat niya para ipaharap sa 'kin at para agawin 'yong phone ko, pero nilalayo niya.

"Ibigay mo sa 'kin 'yan!" inis kong sabi.

"Zach?" Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa screen ng telepono ko. Lumingon siya sa 'kin. "You're stalking Zach? How'd you know him? And after all this time, it was him you were talking about?"

Kinuha ko 'yong chance na natigilan siya at agad na inagaw sa kaniya 'yong phone ko. "It's none of your business," mariin king sabi at tinuloy na lang ang pangi-stalk kay Zach.

"Do you like him?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Do you know that he has a fiancée?"

Natigilan ako at saktong pagtigil ko sa pagscroll ay tumapat sa 'kin ang litrato ni Zach nang may kaakbay na babae at ang lalapad ng ngiti nila.

Hindi ko alam kung sakit ba 'tong nararamdaman ko basta ang alam ko ay may kumirot sa parte ng dibdib ko.

"N-No," mahina kong sagot habang nakatitig pa rin ako sa litarato nila. Nawala lang ang tingin ko ro'n nang inagaw niyang muli ang telepono ko, pero hindi na 'ko umangal.

"Ang tanga mo. Magmahal ka na nga lang, may sabit pa." Sinamaan ko nang tingin 'tong kumag na 'to.

"Hindi ko siya mahal!"

"Really?" sarcastic niyang sabi. "Kaya pala umiiyak ka kasi hindi mo siya mahal," tumango-tango niyang sabi.

Agad ko namang hinawakan ang pisngi ko, pero hindi naman basa. "Pinagloloko mo ba 'ko, ha?" Hinampas ko siya sa braso, pero ngumisi lang siya.

Tumigil lang ang pananakit ko sa kaniya nang dumating na ang teacher namin. Wala akong naintindihan sa mga diniscuss niya dahil 'yong isip ko ay nakafocus do'n sa nakita ko kanina.

Akala ko pa naman single siya. Hay.

Hanggang sa matapos 'yong tatlong subjects namin ay kunawaring nakinig lang ako, pero wala talagang pumapasok sa isip ko.

Hindi kami makakauwi ng maaga ngayon dahil may practice kami mamayang 5. Ka-stress, kaninang umaga na lang sana, ni-move pa kasi, eh.

"May practice kayo ngayon, Bonsai?" tanong ng asungot. Nakita niya ata ang dala kong racquet na nakasabit sa likod ko.

"Yeah," sagot ko lang.

"Nice. Manonood ako," ngisi niya. Hinayaan ko na lang siyang sumunod sa 'kin.

Nang makarating kami sa court ay bahagya pa 'kong nagulat dahil ang daming mga estudyante na nakaupo sa bleachers na malamang ay manonood sa practice, pero nakakapagtaka lang dahil 'yong mga nakaraang practice namin ay konti lang ang nakinood.

Nakarinig ako ng mga tili.

"Look, Rose, manonood 'yong apat. Kyaaaaa!"

Cease Of Mirage [COMPLETED]Where stories live. Discover now