3rd Person
"Girls, ano... Masarap?" malapad ang ngiting tanong ni Clari. Tumango naman sina Trist, Xy at Suz.
Nasa Italian restaurant sila ngayon at si Clari ang nagsuggest ng lugar. Ito kasi ang madalas nilang pinupuntahang kainan ng family niya.
"Ano na kaya ang ginagawa ng boys ngayon?" tanong ni Suz. "I'm pretty sure they are enjoying their unforgettable moment," sagot din nito sa sariling tanong.
Tumawa naman 'yong tatlo. "Baka sa sobrang enjoy nila ayaw na nilang umalis do'n," natatawang sabi ni Xy.
"Malamang panay mura na ang mga 'yon sa 'tin," bulalas ni Trist habang tumatawa.
"I hope talaga maalagaan nila ng mabuti si Samuel at Samiere," sabi ni Clari.
"May sense of responsibility naman siguro ang mga 'yon. Konsensiya na lang nila kung gagawa sila ng kalokohan." Uminom si Xy ng juice.
Sa kabilang table naman ay panay ang nakaw ng tingin ng mga lalaki ro'n sa apat na babae hanggang sa hindi nila matiis ay lumapit sila sa kanila.
"Hi, girls," bati ng isang lalaki na Fil-Am. Inangat naman nung apat 'yong tingin nila sa bagong dating.
"Can we join you?" tanong ng isa na may lahing hapon dahil sa singkit nitong mata at puting balat.
Nakaa-agaw ng pansin ang table nina Trist, Xy, Suz at Clari dahil hindi mo naman maitatangging magaganda sila. May mga istura rin ang apat na lalaking lumapit sa kanila.
"Excuse me lang, ha? Wala na ngang space rito tapos makikitable pa kayo? Ano 'to sardinas?" sarcastic na sabi ni Xy. Inawat naman siya ni Trist.
Tumawa ng mahina 'yong mga lalaki dahil sa pagsusungit ni Xy. "Did you know that I fall fast to a girl who's peevish," banat ng isang lalaking may British accent.
Ngumiwi naman si Xy at parang nandidiri sa sinabi ng lalaki. "Eh 'di, mahulog ka. Mabali sana ang mga buto mo," bulong nito.
"Hi, what's your name?" tanong ng lalaking mestiso kay Clari.
"Don't flirt me. I have a boyfriend," masungit na sabi ni Clari habang nakataas ang isa niyang kilay.
Ngumisi naman ang lalaking mestiso. "I don't care, honey. You are like a charger and I'm a phone, it won't work without you," banat nito.
"Sorry to say this, but we're not compatible," at inirapan siya ni Clari. Nginisian lang siya ng lalaking mestiso.
"Miss why—"
"Subukan mong bumanat ng corny-ng lines and I won't hesitate to land my fist on your thick face. Subukan mo," banta ni Suz. Parang naputol ang dila ng lalaking may lahing hapon at halatang natakot sa banta ni Suz. Walang siyang nagawa kun'di ang manahimik na lang.
Samantalang si Trist ay tahimik lang na kumakain at walang pakialam sa paligid. Naghiwa siya ng beef steak at tinusok ito sa tinidor.
Naramdaman niyang may nakatitig sa kaniya kaya inangat nito ang paningin. Nagtama ang mga mata nila ng lalaking Fil-Am. Nakangisi ang lalaki habang pinapanood siya.
"You're drooling," inosenteng sabi ni Trist sa lalaki.
"Yes, I am," sagot naman nito. Binaba ni Trist ang paningin niya at kinuha 'yong tinidor na may tusok na steak.
"Gusto mo?" tanong niya sabay abot ng pagkain. Mas lalo namang ngumisi ang lalaki.
"Yes." Aabutin na sana ng lalaki ang tinidor nang ilayo ito ni Trist.
YOU ARE READING
Cease Of Mirage [COMPLETED]
RomanceTrist got dumped by her boyfriend, Rizwan. So, she left him. A year later, she transferred school and from that place she met a very annoying and compulsive man branded as Mayor Cohen. Will she be able to stand with him?
![Cease Of Mirage [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/235846298-64-k253759.jpg)