TRIST
After minutes ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Well, it's a mall.
Nauna akong bumaba. Medyo nahirapan pa 'ko dahil muntik na 'kong hindi makalabas ng kotse.
May pa-costume-coustume pa kasing nalalaman, eh. Tss.
Nang makababa siya ay agad siyang kumapit sa braso ko na parang bakla.
Ang clingy niya. Amp.
Nang makarating kami sa entrance ng mall ay nagtataka kaming tinignan nung guard, pero agad din niya kaming pinapasok.
Nang makapasok kami ay maraming napapatingin sa 'min. May natatawa, may naku-cute-an and mostly ang tumitingin sa 'min ay mga bata na tuwang-tuwa.
Ito namang kasama ko ay deadma lang. I roam my eyes around to see if there's a shop I want to visit. Napako ang mata ko nang makakita ako ng anime shop.
Lumingon ako sa kasama ko na busy rin katitingin sa paligid. "Hey, Fauze, let's go there," turo ko sa anime shop.
Lumingon siya ro'n tapos no'ng tumingin siya sa 'kin ay tinaasan niya 'ko ng isang kilay. "No, Bits. I'm jealous. Let's go there instead," turo niya sa isang Italian restaurant.
"At bakit ka naman nagseselos, ha?" taka kong tanong.
"Because you're gonna see your first love there and I won't let it happen," nakasimangot niyang sabi.
"Ano'ng pinagsasabi mo?"
Hindi ko siya maintindihan. Anong first love ang sinasabi niya? Anime shop 'yon at puro mga anime lang naman ang naro'n.
"Naruto is there, Bits. Ayoko. Kain na lang kasi tayo," pagpupumilit niya na parang babae.
Napamaang naman ako sa sinabi niya, pero kalauna'y tumawa ako ng mahina na ikinasalubong ng kilay niya.
"Why are you laughing?" masungit niyang tanong.
"Nagseselos ka sa 'di nag-e-exist?" natatawa kong sabi.
"He's not existing, but inside of you, he is. But, there's only one thing he can never do but I could. Do you know what it is?" ngumisi siya.
'Yong kaninang tawa ko ay napalitan ng pagtataka. "Ano naman 'yon?" tanong ko.
Inilapit niya ang ulo niya sa tainga ko. "Impregnate you," bulong niya.
Gulat akong tumingin sa kaniya at nang makarecover ako ay hinampas ko siya sa braso. Tumawa lang siya.
Nagtalo pa kami kung sa anime shop ba kami pupunta o kakain sa Italian restaurant. Sa huli, siya ang nasunod! Walang konsiderasyon.
Nang ilapag na ng dalawang waitress 'yong in-order ni Fauze ay halos maglaway ako sa dami at ramdam ko ring masarap ang mga ito.
I'm not familiar with European foods and the only dish I know are lasagna, pasta and steak, the rest are unknown.
Sinimulan ko ng kumain at kahit hindi ko alam ang pangalan ng iba ay nilantakan ko pa rin. Sobrang sarap!
YOU ARE READING
Cease Of Mirage [COMPLETED]
RomanceTrist got dumped by her boyfriend, Rizwan. So, she left him. A year later, she transferred school and from that place she met a very annoying and compulsive man branded as Mayor Cohen. Will she be able to stand with him?
![Cease Of Mirage [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/235846298-64-k253759.jpg)