Chapter 18: Another Dissection?

175 40 13
                                    

TRIST

"So, pa'no ba 'yan. Narito ako, eh 'di ibig sabihin no'n break na tayo," kunwaring seryoso kong sabi. Nakita kong mas lalong lumaki ang mata niya at para siyang namutla bigla.

Pinatay niya ang tawag at tumakbo papunta sa gawi ko. Binaba ko na lang din ang phone ko. Nakita kong napatingin sa kaniya 'yong ibang players. Nang makita ako nila Cd ay gulat silang napaturo sa 'kin, pero kalauna'y kumaway rin. Tinanguan ko lang sila.

Nawala ang paningin ko sa kanila nang nasa harap ko na ang nakangusong nilalang na 'to.

"Bits..." nguso niya.

Nagpa-cute pa.

"Oh?"

"Ayoko," iling niya.

"Ang alin?" tanong ko.

"Ang makipagbreak," sagot niya nang nakasimangot.

"Eh, 'di jowain mo ang sarili mo. Hindi ka n'yan iiwan habambuhay," sabi ko at umayos ng tayo. "Siya nga pala, ba't hindi ka nakikipractice, ha?"

"Eh, kasi nga narito ka."

"Eh? Anong saysay ng punta ko rito kung hindi ka rin naman pala makikipractice? Tss."

"Nagditch ka ba talaga para panoorin ako?" kinakabahang tanong niya.

"Hindi. Hindi ko gawain 'yon," ngiwi ko. "Pinalayas ako ng teacher ko kaya ako narito," kibit-balikat ko. Natigilan siya at bahagyang lumaki ang mata.

"W-What? Why? May ginawa ka bang katarantaduhan?"

Grabeng term, ha.

"Hindi, ah! Ang OA mo. Maglaro ka na nga lang," ngiwi ko. Nilampasan ko siya, pero ramdam kong nakasunod ito.

"Ba't ka nga pinalayas ng teacher mo?" tanong niya pa ulit.

"Basta," tipid kong sagot. Umupo ako sa pinakababang upuan para makita ko ng malapitan ang practice nila.

Napansin kong hindi lang pala ako ang nanonood dito. May iba ring mga estudyante ang narito na nakaupo sa kabilang upuan. Nasa mga 20 sila at puro mga babae, dinagdag ko na kasi 'yong dalawang bakla na kasama nila.

"Bits, tayo pa rin, ah." Nilingon ko si Fauze at nakatayo siya sa gilid ko. Ang tangkad niya kaya kailangan ko pang tumingala.

"Oo, sige na. Maglaro ka na," napipilitan kong sabi. Marahan ko pa siyang tinulak. Para namang lumiwanag ang mukha niya.

"Okay!" masaya nitong sabi.

Sakto namang time-out nila at pumunta si Fauze sa kanila. Sandali lang silang namahinga at tinuloy na ang practice.

Kada shoot ng basketball sa ring nung apat ay todo tili 'yong mga babae sa kabilang upuan. Hindi ko maikakailang magagaling sila.

10 'yong players at hinati sila sa lima. Magkakampi si Moss at Grave at si Cd naman at si Fauze ang magkakampi.

Nang mai-shoot ni Fauze ng 3 points ay nilingon niya 'ko na parang nagyayabang. Nginiwian ko lang siya. Kahit no'ng nagdunk siya ay kailangan pang lingunin ako. Tss.

Hindi ko namalayan ang oras at muntik ko ng makalimutan na may Biology pa pala ako. Nang magtime-out sila ay lumapit ako sa gawi nila.

"How's my game?" ngisi niyang tanong at hinihingal pa.

"Good," sagot ko lang. Nginiwian niya 'ko. Pinunasan niya ang pawis niya gamit ang suot niyang jersey. "Wala ka bang pampunas, ha?"

"It's on my locker. I forgot it—" Natigilan siya at napatingin sa batok ko. Bigla niyang tinaas ang kamay niya at gulat ako ng hinatak niya palabas mula sa loob ng damit ko 'yong towel ko!

Cease Of Mirage [COMPLETED]Where stories live. Discover now