TRIST
Hinihingal kong narating 'yong tapat ng room ko. Tahimik 'yong mga kaklase ko kaya ang gumawa lang ng ingay ay 'yong mga foostep ko.
Natapos ang first subject sa tanghali ng wala akong ginawa kun'di ang tumingin sa bintana. Physics na ang susunod.
"Ocampo!" Kararating lang nagtawag agad. Hindi man lang bumati muna.
"Cher," sagot ng kaklase kong babae sabay tayo.
"Define Circular Motion!"
Natigilan si Maya at parang nangangapa ng sagot. May recitation pala. Hindi ko 'to inaasahan! Shemay! Mukhang pati 'yong mya kaklase ko ay nabigla rin. May mga naglalabas ng notes at nagka-cram.
"Close your notes! All of you!" Parang lindol ang boses niyang umalingawngaw sa paligid. Agad namang sinara ng mga kaklase ko ang big notebook nila at itinago sa bag. "What's your answer, Ocampo? Wala akong panahon para maghinatay sa sagot mo!"
"Uhhh... A-Anything that m-moves in a circle, Cher?" hindi niya siguradong sabi.
"Ano?!"
"A-Anything that moves in a circle, Cher," ulit niya.
"Sigurado ka na niyan?" sarcastic niyang tanong.
"Opo, Cher." Tumango-tango naman si Cher Juls.
"What do you call to the distance of a cirlce?"
"Cirrr... Cirrrr..."
"Ano?! Lakasan mo!"
Yumuko si Maya at pilit na inaalala 'yong mga napag-aralan namin no'n. Mukhang may nakapa siyang sagot dahil inangat niya na 'yong ulo niya.
"C-Circumference, Cher," sagot niya.
"If an object has a center, does it move in curcular motion?" tanong niya pa ulit.
Puteks! Ang daming follow up question!
"Y-Yes, Cher."
"Last question, describe the eye of a typhoon in one word." Naglakad ito palapit sa kaniya habang hawak 'yong marker.
"Uhhhm... D-Dreadful, Cher," mahinang sagot niya, pero sapat na para marinig namin. Biglang ngumisi si Cher Juls.
"Remain standing." Nilibot niya ang paningin niya sa paligid at parang nilayasan ako ng kaluluwa ko nang magtama ang paningin namin!
Peste! Ako na 'to ang susunod!
Lumuwang ang paghinga ko nang nilipat niya ang paningin niya. Pakiramdam ko, sandaling kamatayan 'yong nangyari kanina. Sobrang kaba ko!
"Apollo!" tawag niya sa kaklase kong lalaki.
"Yes po, Cher."
"Wala pa 'kong tanong nag-yes ka na agad? Grabe naman sa advance 'yang utak mo?" nanunuya niyang sabi. Yumuko naman sa hiya si Boni. "Describe the eye of a typhoon in one word."
"S-Severe, Cher," sagot niya.
"Tsk. Remain standing. Mirae, what's your answer?!" baling niya kay Anne.
"Saan po, Cher?" Napasinghal sa inis si Cher Juls.
"Nakikinig ka ba, ha?! O baka naman puro hangin na 'yang laman ng utak mo! Makinig ka! Describe the eye of a typhoon!" angil nito.
"Uhm... Cirlcle, Cher," parang nagyayabang niya pang sagot.
Napakagat ako ng ibabang labi para pigilang huwag matawa. Technically speaking, she's correct.

YOU ARE READING
Cease Of Mirage [COMPLETED]
RomanceTrist got dumped by her boyfriend, Rizwan. So, she left him. A year later, she transferred school and from that place she met a very annoying and compulsive man branded as Mayor Cohen. Will she be able to stand with him?