TRIST
Nagsimula na 'yong laro at halos puro mga dare ang pinili namin. Madalamg kaming pumili ng truth. Sobrang hardcore nila mangdare! Grabe!
Si Xy dinare siya ni Grave na isulat 'yong pangalan niya sa floor gamit ang dila niya at dahil ayaw niyang malasing agad ay ginawa niya. Tawang-tawa kami no'n habang ginagawa niya ang dare na 'yon. Ilang beses nga siyang nagmumog ng listerine after niyang gawin 'yon.
Nang tumapat kay Grave 'yong bibig ng bote ay ginantihan siya ni Xy. Pinadila niya sa kaniya ang ilalim ng sapatos nina Moss, Cd at Fauze na sinuot nila kanina sa party. Sobra siyang nadirian at gaya ni Xy ay nagmumog din siya ng listerine.
Nang si Clari na ay dinare siya ni Suz na kausapin niya 'yong unan na para niya itong crush. Bigay na bigay si Clari and guess what? Nagselos si Moss dahil nang tinanong niya kung sino 'yong iniimagine niya habang kinakausap 'yong pillow ay ang sinagot ni Clari ay si Luhan na former EXO member.
After that ay tumapat 'yong bote kay Rizwan. Si Tracey ang nagdare sa kaniya na kailangang kumuha siya ng nakahihiyang litrato niya at i-profile picture niya 'to sa Instagram at Tweeter and he did! Pinipigilan ko no'n ang matawa dahil para siyang naiinis na ewan.
Sa 'kin tumapat 'yong bibig ng bote at si Fauze ang nagdare sa 'kin! Pinakamot niya sa 'kin 'yong kilikili niya at pinaamoy sa 'kin 'yong kamay ko! Shemay. Nakangiwi ako no'n habang ginagawa 'yon tapos 'yong mga loko ay sobrang natatawa! Nakadidiri!
After ko ay si Grethel na. Si Clari ang nagdare sa kaniya na kailangang tumawag siya sa random numbers at kung may sumagot ay kantahan niya ito ng creepy lullaby. Nang may sumagot ay ni-loud speaker niya ito ay agad siyang kumanta ng Ili-Ili Tulog Anay. Ngayon ko lang narinig ang boses niya at ang ganda! Natawa kami sa part na minura siya ng lalaking nasa kabilang linya tapos pinatay ang tawag.
Next ay tumapat kay Cd. Dinare siya ni Moss na tawagan si Tito Alpha sa phone at itanong kung may extra pa siyang condom. Tawang-tawa kami habang kinakausap ni Cd 'yong daddy niya dahil para itong natatae. Hindi niya ito ni-loud speaker, pero dahil sa ekspresiyon niya ay mukhang sinermonan siya. Grabe ang tawa namin.
Nagtuloy-tuloy 'yon hanggang sa medyo naging seryoso ang laro.
Tumapat kay Suz 'yong bote. "Truth or dare?" tanong ni Cd sa kaniya.
"Truth," walang-alinlangang sabi ni Suz habang nakatingin kay Cd.
"Do you still have connections to Gabriel?" tanong ni Cd.
Natigilan si Suz, halatang hindi niya inaasahan 'yong tanong ni Cd. Kahit ako ay natigilan, maging si Xy. Ang pagkakaalam ko, 'yong Gabriel ay dating boyfriend ni Suz bago niya naging fiancé si Cd.
"Yes," mahinang sagot ni Suz, pero sapat na para marinig namin.
"I see—"
"But, it was just for greetings only. Nothing more," paliwanag ni Suz. Mukha namang naniwala sa kaniya si Cd dahil ngumiti ito.
Pinaikot na ni Suz ang bote at tumapat 'yon kay Tracey. Nang tumingin ako sa gawi nila ay nagtama ang paningin namin ni Riz at siya ang unang umiwas. Tumingin na lang din ako sa iba.
"Truth or dare?" tanong ni Suz.
"Dare," ngisi ni Tracey.
YOU ARE READING
Cease Of Mirage [COMPLETED]
RomanceTrist got dumped by her boyfriend, Rizwan. So, she left him. A year later, she transferred school and from that place she met a very annoying and compulsive man branded as Mayor Cohen. Will she be able to stand with him?
![Cease Of Mirage [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/235846298-64-k253759.jpg)