TRIST
"Hmmm..." Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko nang may narinig akong kaluskos. Ilang beses akong kumurap para ianinag kung sino 'yong taong nakatalikod sa 'kin. Naka-dim lang kasi ilaw rito sa kwarto ko. Nang humarap siya sa 'kin ay natigilan ako.
"Hey, did I wake you up?" malambot niyang sabi.
"F-Fauze? You're here." Para akong nabuhayan ng dugo nang makita ko siya sa harap ko. "Teka, kararating mo lang?"
"Yeah," tipid niyang sagot saka humiga sa tabi ko at siniksik 'yong mukha niya sa dibdib ko. "I'm tired," mahinang sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.
"Then, rest in peace," bulong ko sabay yakap sa kaniya. "Wtf! Aray! Fauze, masakit!" daing ko. Napabitaw ako sa yakap nang bigla niyang kagatin 'yong leeg ko.
Lumayo siya sa 'kin at sinamaan ako ng tingin. Sinamaan ko rin siya ng tingin habang nakawak sa leeg kong kinagatan niya.
Lokong 'to. Bumakat 'yong ngipin niya. Tss.
"Masakit?" sarcastic niyang tanong. Sininghalan ko lang siya. "Rest in peace pala, ha? Tsk." Tumalikod siya sa 'kin at nagtalukbong ng kumot.
Luh. Nagtatampo ata. Dapat quits na kami. Ang sakit kaya no'ng kagat niya.
"Oy," tusok ko sa likod niya. Hindi niya 'ko pinansin.
Bahala ka riyan. 'Di ako marunong manuyo.
Tumalikod din ako sa kaniya. Napatingin ako sa digital clock na nasa gilid ko. 12:15 na ng madaling araw.
Ipipikit ko na sana ang mata ko nang may sumagi sa isip ko. Lumingon ako kay Fauze bago tumayo nang dahan-dahan. Maingat kong inihakbang 'yong paa ko papunta sa study table kung sa'n ko nilagay 'yong bagay na ibibigay ko sa kaniya.
"What are you doing?"
Muntik ko ng mabitawan 'yong hawak ko nang marinig ko siyang magsalita. Nararamdaman ko pa 'yong mainit niyang hininga sa batok ko.
Humarap ako sa kaniya. "Happy birthday," nakangiti kong sabi sabay abot ng maliit na box sa kaniya.
Natigilan siya at bahagyang umawang ang labi niya. Nagpalipat-lipat 'yong tingin niya ro'n sa box tapos sa 'kin.
"H-How'd you know? I never told you," taka niyang sabi, pero naro'n pa rin 'yong gulat sa mukha niya.
"I just know," kibit-balikat ko. Lumambot ang mukha niya.
"Amp. Hahaha! F*ck." Bigla niya 'kong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik. Narinig ko pa ang mahinang bungisngis niya sa leeg ko.
"Ba't ka tumatawa?" taka kong tanong.
"Kinikilig ako. 'Wag kang epal." Napasinghal ako sa sagot niya. "But, thanks anyway. I'm not expecting any, but your presence. That's more than enough for me."
Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit.
*****
"I wonder what's inside of this?" tanong niya habang iniikot-ikot 'yong binigay kong box sa kaniya.
Agad ko siyang pinigilan nang balak niya 'tong buksan. "Nah-uh. Not now," iling ko sa kaniya habang nakahawak sa kamay niya.
"And why?"
"Uhh... It's just..." tumingin ako sa gilid at kinamut-kamot ko 'yong pisngi ko.
"Okay. I'll open it later, then. You don't have to be ashamed, Bits. Wala ka non, remember?" ngisi niya.
YOU ARE READING
Cease Of Mirage [COMPLETED]
RomanceTrist got dumped by her boyfriend, Rizwan. So, she left him. A year later, she transferred school and from that place she met a very annoying and compulsive man branded as Mayor Cohen. Will she be able to stand with him?