Chapter 28: Second Warning

194 29 0
                                        

TRIST

After niyang sabihin ang salitang nagpakapal sa mukha niya ay pinilit niya rin akong pumunta sa bahay niya. Kaya ngayon narito ako  sa loob ng bahay niya or should I say mansion dahil sobrang laki nito at ang lawak.

Italian style ang interior nito at ang daming mga luxury painting na nakasabit sa pader.

Nasa likod niya lang ako habang palinga-linga sa paligid. Ayokong mawala kaya kailangang nakabuntot ako sa kaniya. Naglalakad kami sa hagdan at ang ganda ng disenyo nito, tuscan staircase 'to.

Walang ibang tao rito kun'di kami lang dalawa. Ewan ko lang kung dito rin ba nakatira si Riz at 'yong parents niya.

"Mag-isa mo lang ba na nakatira rito?" tanong ko.

"No, I'm with Laura," sagot niya, tukoy sa anak niyang aso.

"How 'bout your parents? Your brother?"

Binuksan niya 'yong pinto sa tapat ng hagdan saka pumasok. Sumunod ako sa kaniya.

"No. My father doesn't live here and about Rizwan, I don't care where he lives." Napangiwi ako sa sinagot niya sa kapatid niya. They really not in good term. Gusto ko pa sanang itanong about sa mommy niya dahil hindi niya binanggit, pero parang sensitive ang topic na 'yon kaya 'wag na lang. "Anyway, this is your room," turo niya sa paligid.

Nilibot ko ang paningin ko. Unti-unting lumaki ang mata ko at literal na napanganga ko.

The ambience is killing me in happiness! Purple ang theme ng kwarto and this is my favorite color!

Shemay! The circular king-sized bed is purple even the curtains, the sofas and all the furnitures here are colored in purple!

"I'm...in...heaven," mabagal kong sabi. I'm still in an awe! This is beyond beautiful! Lumingon ako kay Fauze. May hawak na siyang video recorder.

Where did he get that?

Tinakpan ko 'yong lens ng camera, pero nilayo niya. "Stop filming me!" sigaw ko sa kaniya. Natigilan ako nang may narealize akong isang bagay. "Wait, whose room is this?"

"Yours," tipid niyang sagot habang nakatutok pa rin sa 'kin 'yong hawak niyang camera.

Tinawanan ko siya ng mahina. "No way! Maybe, this is your sister's. And if she really owns this, she has a fabulous, fantastic, awesome, gorgeous and best taste! Gosh, can't wait to meet her," I giggle. We have the same taste!

Kinunutan naman ako ng noo ni Fauze. "This is yours, Bits and I don't have a sister."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil agad kong tinanggal ang suot kong heels at tinapon ang sarili ko sa higaan. The mattress is so soft!

Nagpagulong-gulong ako ro'n habanggang sa nahulog ako sa sahig. Hindi ako nakaramdam ng sakit dahil kahit 'yong carepeted floor mat ay sobrang lambot!

Lumapit sa 'kin si Fauze at tinulungan akong tumayo. "You okay?" tanong niya.

"Oh, you have no idea," nakangisi kong sabi.

Nilibot ko ang buong kwarto kahit ang washroom ay pinuntahan ko. Grabe, maituturing na paraiso ang lugar na 'to. Ang sarap tumira. Ngayon, may bago na 'kong tambayan. I giggle on that thought.

Katatapos ko lang maligo at suot ko ngayon ang plain white T-shirt ni Fauze na hanggang tuhod ko, pero may suot akong cycling shorts sa loob.

'Yong room na pinasukan namin kanina na room ko kuno ay wala man lang kalaman-laman na damit 'yong walk-in closet do'n kaya ang ending, 'yong damit ni Fauze ang ginamit ko.

Cease Of Mirage [COMPLETED]Stories to obsess over. Discover now