XY
A month has passed since Trist and Rizwan broke up. The fool never showed after that day which I should be thankful of because I think, it's easy for frenny to move on if she doesn't see him.
"Xy, paabot nga ng tubig." Kinuha ko ang bottled water sa gilid ko at inabot kay frenny. "Thanks." I just smiled.
Sa loob ng isang buwan wala siyang ginawa kun'di magwork-out at magdisect ng mga nakadidiring palaka!
Klarong-klaro pa nga sa isip ko kung pa'no niya hiwain at hawakan ang mga organs ng palaka at nakadidiri 'yon!
Flashback
"Sa'n ba tayo pupunta fren, ha?" inip kong tanong.
Pumunta kasi siya sa bahay at basta niya na lang ako kinaladkad palabas at sinakay sa kotse niya.
'Hello? Hindi pa 'ko naliligo!'
"You'll find out," sagot niya in a flat tone.
"Magugustuhan ko ba 'yang pupuntahan natin?" tanong ko. She just shrugged.
Simula ng maghiwalay sila ni Rizwan ang dami niyang pinagkakaabalahan which is good dahil usually kasi 'pag broken hearted ang isang tao maaring magkukulong siya sa kwarto niya at sasayangin ang mga memories nilang binuo ng maraming panahon na nasira lang naman ng ilang segundo.
"Buti hindi mo binubulok ang sarili mo sa loob ng bahay, fren?"
Ngumiti siya ng tipid bago sumagot. "Nasaktan ako, pero hindi ako paralisado. If I want to move forward, I shouldn't let myself be trapped by the past. Ayokong ikulong ang sarili ko sa nakaraang puro pasakit lang ang dala. Tadtad na nga ang puso ko, tapos ano, tatadtarin ko pa ba? Ha! No way," nakangiwi niyang sabi.
Napangiti ako sa sinabi niya. "You're so optimistic, fren, you always look for the brighter side and I salute you for that."
Hindi na siya nagsalita pa at nagfocus na lang sa daan. Lumipas ang ilang minuto nakarating na kami sa pupuntahan namin 'kuno'.
"Anong lugar 'to?" Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Puro puti ang nakikita ko. Parang hospital, pero wala namang mga pasyente.
"Ready na ba ang mga 'yon?" tanong ni frenny sa babaeng nakalab gown at may nakasabit pa na stethoscope sa balikat.
"Yes, ma'am. Naayos na po namin lahat," magalang na sagot ng babae.
"Okay, thanks. Let's go, Xy," sabi nito at nagsimulang maglakad. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa dressing room.
Hindi ko alam kung dressing room ang tawag dito basta maraming nakasabit na mga lab gown sa isang puting cabinet, may mga box din ng surgical mask at glove sa baba nito.
"Wear that," turo niya sa lab gown na nasa cabinet. Kasalukuyan na siyang nagsusuot non.
Wala akong nagawa kun'di sundin na lang 'tong brokenhearted kong kaibigan. Nang matapos kong isuot ang lab gown ay 'yong surgical gloves naman at mask. Inutusan niya rin akong itali ang buhok ko para raw hindi sagabal sa gagawin namin.
Lumabas na kami ng room na 'yon. Tinanggal ko muna 'yong suot kong mask habang sinusundan siya sa kung saan man siya pumunta.
Huminto kami sa tapat ng glass door. Tinulak niya ito para bumukas at nauna siyang pumasok. Nang makapasok na 'ko sa loob ay pakiramdam ko bumaliktad ang sikmura ko dahil sa sobrang tapang ng amoy na nasinghot ko.
YOU ARE READING
Cease Of Mirage [COMPLETED]
RomanceTrist got dumped by her boyfriend, Rizwan. So, she left him. A year later, she transferred school and from that place she met a very annoying and compulsive man branded as Mayor Cohen. Will she be able to stand with him?
![Cease Of Mirage [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/235846298-64-k253759.jpg)