Chapter 8: Meeting the Father

272 52 5
                                        

TRIST

"Sayounara, minasan," paalam ng teacher namin sa Nihongo.

"Sayounara, Zumi Sensei," we said in chorus.

At last, lunch time na. I've been waiting for this. Kanina pa kasi kumakalam 'tong sikmura ko. Nagbreakfast naman ako, pero kulang pa rin.

Friday na ngayon at excited na 'ko sa long quiz namin sa Physics. Kung noon, bangungot sa 'kin ang mag-quiz sa subject na 'yon, pero ngayon, parang gusto ko ora mismo magaganap na.

Bumaba na 'ko mula 7th floor. Tinext ko si Xy na papunta na 'kong canteen nang biglang may humawak sa braso ko. Nilingon ko kung sino.

What the heck? 'Yong nakakatakot na guard!

"B-Bakit po?" utal kong tanong.

"There is someone who wishes to see you," baritono ang boses n'yang sabi. "Follow me," dugtong nito saka ako tinalikuran.

Binalik ko na lang uli 'yong phone ko sa bag at sinundan si Samson. 'Di ko alam ang pangalan niya, eh.

Ang lalaki ng mga hakbang niya kaya lakad-takbo ang ginagawa ko. Napansin kong papunta kami ng main gate dahil natatanaw ko mula rito ang guard house at ang sobrang taas na gate.

Nauna siyang nakarating do'n at kinausap 'yong dalawang lalaking mukhang men-in-black dahil sa suot.

Tinuro ako ni Samson kaya napatingin sa 'kin 'yong dalawa. Kinabahan ako bigla. 'Yong tingin nila ay parang tumatagos hanggang sa mga kalamnan ko.

"They want you to come with them, student," sabi ni Samson nang makalapit ako sa kanila.

Kinunutan ko siya ng noo. "Ano? Hindi ko sila kilala at ba't naman ako sasama?"

May saltik ata 'tong guard na 'to. Pinapasama ako sa 'di ko kilala. Tss.

"We came here to fetch you, Miss. We mean no harm. I gave my personal informations and cards to your guard to guarantee your safety," magalang na sabi ng isa sa men-in-black.

Lumingon ako kay Samson. Pinakita niya sa 'kin 'yong mga information na sinasabi ng lalaki. "I'll give this to Mayor Cohen if they don't return you in an hour. You have my word, student," seryosong sabi ni Samson.

Hindi ko alam kung maniniwala ako pero sa huli sumama ako sa dalawang 'to.

Sana talaga hindi ko 'to pagsisisihan.

XY

"Ano, na-contact mo ba?" tanong ni Clari.

Nasa canteen kami ngayon kasama 'yong tatlo. Wala si Grave at wala akong pakialam kung nasa'n siya. Hinihintay namin si fren, pero ilang oras na ang lumipas wala pa rin siya.

"Nagriring, pero hindi niya sinasagot," nag-aalala kong sabi.

Sa'n ka naman nagsususuot, fren?

"Call her again," sabi ni Clari habang nginangatngat ang kuko.

Sinubukan ko uling tawagan, pero wala talaga. "Hindi niya talaga sinasagot, eh."

"Where the hell she have been? Damn." Napahilamos ng mukha si Cohen at halatang nag-aalala na rin kay frenny.

"Pumasok ba siya kanina?" tanong ni Cd.

"Yeah. Sabay pa kaming pumasok," sagot ni Cohen na halatang hindi mapakali.

"Did you check her room? Baka naman nanro'n lang siya," hula ni Moss.

Cease Of Mirage [COMPLETED]Stories to obsess over. Discover now