TRIST
Nasa gymnassium kami ngayon ng school namin. Dito gaganapin ang Sports Festival. Sobrang dami ng mga estudyante sa campus dahil sampung schools ang maglalalaban-laban sa Sports Fest na 'to. Kahit ang foyer ng gym ay crowded.
Hinanap ng mata ko sila Xy, pero hindi ko makita. Hindi pa nagsisimula ang opening ng Sports Fest nang tumunog ang phone ko. Sinagot ko ito.
"Hello, mom?"
[Honey, I'm lost. I can't find your gymnassium!] nahi-hysteric na sabi ni mommy.
"What? Bakit hindi ka nagtanong, mom? Where are you now?"
[Uhh, I don't know exactly where am I, but I saw a swimming area in front of me and a wide field,] paliwanag niya. I scoff.
"You're just on the entrance, mom," walang gana kong sabi. "Wait there, I'll come and get you."
[Okay, honey. By the way, I brought Kyle baby with me.]
"Okay, mom." At binaba ko na ang tawag.
Tumingin ako sa paligid. Mukhang mahihirapan akong umalis dahil sa crowded.
Tumayo ako at ilang beses akong naki-excuse para lang makadaan. May nabubunggo ako, pero hindi ko na pinakialaman at sa wakas nakalabas na rin ako.
Agad akong pumunta sa field at ang daming tao kaya nahirapan ako sa paghahanap kung nasa'n sila mommy.
"Honey, here!" lumingon ako sa likod ko dahil sa paulit-ulit na sigaw na 'yon. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko si mommy na kumakaway pa at si Kyle na nakikaway rin.
Nang makalapit ako sa gawi nila ay niyakap ko si mommy pati si Kyle.
"Kanina pa kayo rito, mom?" tanong ko nang kumalas ako sa yakap.
"Nah, we just arrived," sagot niya. " So, lead us to the gym," she giggles.
Hindi siya halatang excited, eh, 'no?
"We can't go to the gym, mom. The place is crowded and we can't get through," sabi ko.
"If that's the case, then where should we go? How 'bout you tour us around, honey?" nakangiti niyang sabi.
"I can't, mom. It takes a day to travel around in this vasty school and I don't want to miss my game," reklamo ko.
"Aren't you overreacted, honey?"
"I'm not. I'm just stating the possibility."
Sa huli ay ako ang nagdesisyon kung sa'n kami pupunta. Since first game ang tennis at si Xy ang sasalang kaya pumunta na lang kami sa tennis court.
Ang inaasahan ko ay konti pa lang ang tao, pero halos wala na kaming maupuan!
Living in this world
With change~Sinagot ko ito nang makitang si Xy 'yon.
[Frenny, punta kayo rito sa likod ng bench ng players, pinagreserve ko kayo ng upuan.]
Tumingin ako sa sinasabi ni Xy at nakita ko siya ro'n. Nakatingin siya sa gawi namin habang nakatapat 'yong phone niya sa kaliwang tainga niya.
"Okay, pupunta na kami riyan," sabi ko. Nakita ko siyang tumango. Pinutol ko na ang linya.
Ni-guide ko sila mommy papunta sa gawi nila Xy. Nang makarating kami ro'n ay hindi ako makapaniwala na naro'n sina Tita Bet at Tito Alpha, parents nina Xy. Naro'n din si Qrst ang bunso nila.
Bumati ako sa kanila at nang tumayo si Qrst ay nagulat pa 'ko dahil mas matangkad na siya sa 'kin! Grade 9 pa lang siya at no'ng huli ko siyang nakita ay mas matangkad ako sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/235846298-288-k253759.jpg)
YOU ARE READING
Cease Of Mirage [COMPLETED]
RomanceTrist got dumped by her boyfriend, Rizwan. So, she left him. A year later, she transferred school and from that place she met a very annoying and compulsive man branded as Mayor Cohen. Will she be able to stand with him?