TROPANG MATITIGAS ANG ULO
Martina Lopez went online.
AlexaAnakniJisoos went online.
CynthiaVilliar went online.
Jencherifer went online.CynthiaVilliar: Oy! 'Yung gala natin?
Martina: Tuloy syempre!
AlexaAnakniJisoos: Magandang tanghali!
AlexaAnakniJisoos: Free ako ngayon kaya sasama ako sa gala mamaya.
AlexaAnakniJisoos: Teka, anong oras pala?
CynthiaVilliar: At saan tayo magkikita-kita?
Martina: Mga 2:30 PM, okie ba? Sa tapat na lang tayo ng simbahan magkita-kita.
AlexaAnakniJisoos: Okay
CynthiaVilliar: Saan pala tayo gagala, tin?
CynthiaVilliar: Ang paalam ko ay gagala tayo pero hindi ko alam kung saan ang punta natin.
Martina: Sa labasan, maggala-gala lang tayo. Punta na rin tayong SM!
AlexaAnakniJisoos: Libre mo? HAHAHA
Martina: Sa Mang Inasal lang ang libre ko aba! Sa ibang gastuhin niyo, bahala na kayo!
CynthiaVilliar: Yes! Libre ang pagkain! HAHAHAHA
AlexaAnakniJisoos: Mang Inasal lang? Pwede na rin.
Martina: Eh kung 'wag na lang kaya kita ilibre, lex?
AlexaAnakniJisoos: Joke lang, Mar! 'To naman 'di mabiro hehe
AlexaAnakniJisoos: Makakasave din ako ng 200 pesos HAHAHAHA
CynthiaVilliar: Talagang tig-200 'yung oorderin ha? HAHAHAHA
Martina: Tatlo kayo 'tas tig-200 kayo? Edi wala na akong allowance para sa pang-shopping ko? Lul.
CynthiaVilliar: Martina Martina Martina
CynthiaVilliar: 'Wag ka nga feeling poor, sa ating apat ikaw ang mas nakaka-angat 'no!
AlexaAnakniJisoos: Tru
AlexaAnakniJisoos: Baka nga ten thousand ang perang dala mo eh!
AlexaAnakniJisoo: 600 pesos lang ang ililibre mo sa amin, parang kawalan sayo kung mabawasan kahit isang libo ang ten thousand mong dala!
CynthiaVilliar: Kaya nga!
CynthiaVilliar: Baka nga higit pa sa ten ang dala mo eh!
CynthiaVilliar: Baka may dala ka na ring credit card!
Martina: Ako nga tigilan niyo ha.
Martina: Hindi ako mayaman, ang mga magulang ko lang. Paano ako yayaman eh hindi pa naman ako kumikita ng pera, estudyante pa lang po ako.
Martina: Poor lang po ako mga inday.
Martina: Isang poor na maganda na umaasa lang rin sa libre tulad niyo! HAHAHAHA
AlexaAnakniJisoos: Ay, HAHAHAHAHA
CynthiaVilliar: Ano bang aasahan ko? HAHAHAHA
Jencherifer: 2:30 pa ang alis natin, tama?
AlexaAnakniJisoos: Yes mamsh
AlexaAnakniJisoos: Teka ba't ngayon ka lang?
Jencherifer: May kinausap pa 'ko, sorry hehe
Jencherifer: 12 pa lang ngayon, so may time pa 'ko!
Martina: Ay bakit? May ibang lakad ka, Jen?
CynthiaVilliar: Ililibre niya daw si Austin
AlexaAnakniJisoos: Eh? Nako mamsh haaaa
AlexaAnakniJisoos: Chos, ang issue ko hshshs
Martina: Bakit? Ba't may palibre dai? Ba't sa amin wala?
CynthiaVilliar: HAHAHAHAHA ^^
AlexaAnakniJisoos: Wews ^^^
Jencherifer: Hala? 'Wag nga kayong ano diyan!
Jencherifer: May natanong kasi ako na dapat hindi ko na itinanong, nakokonsensya ako kaya bilang ganti ay ililibre ko na lang siya
CynthiaVilliar: 'Yon lang ba talaga?
Jencherifer: Cynthia!
CynthiaVilliar: Okay, 'yon lang talaga HAHAHAHA
Martina: Like before, kunwari naniniwala kami
Martina: HAHAHAHA
Jencherifer: Aish, bahala nga kayo d'yan!
Jencherifer: Aalis na 'ko para mamaya ay makabalik at makasama pa 'ko sa inyo
AlexaAnakniJisoos: Dapat pagbalik mo buo at virgin ka pa ha! HAHAHHA echos lang!
Jencherifer: Natutuwa ako at kahit papano may kademonyohan pang natitira sayo HAHAHA
Martina: Grabe hAHAHAHA pero true
AlexaAnakniJisoos: Walang perpekto :)
CynthiaVilliar: Oo na lang, lex. Baka pangaralan mo pa kami eh
Jencherifer: hAHAHAHA, sige byeee!
Martina: Ingat ka Jen!
AlexaAnakniJisoos: ^^
CynthiaVilliar: ^^^
Jencherifer: Salamat! :)
![](https://img.wattpad.com/cover/234627949-288-k463400.jpg)
BINABASA MO ANG
Kakayanin Kaya [TMAU Series #2]
Teen FictionCOMPLETED. Si Jennifer Santiago at Cynthia Sebastian ay magkaibigan - matalik na magkaibigan to be exact. Isa si Jennifer sa mga babaeng NBSB, habang si Cynthia naman ay tulad ng mga babaeng naghahanap ng jowa sa internet. Austin Rome Mendez, ang...